Happy Birthday Jesus!🎁

Dec 25, 2022 2:01 am

image


Dear ,


Isang mabilis na pagbati lang para sayo sa araw na ito.


Dahil ako kay Kristiyano, naniniwala at nagdiriwang ako sa kapanganakan ni Jesus.


Pero higit sa mga pagdiriwang na nagaganap sa panahong ganito ay ang mensaheng hatid ng okasyong ito.


The birth of Jesus.


For me, it means that many thousand years ago, God gave the world His only son.


To redeem us, humanity from our sins.


And because of that gift, our life was saved.


Jesus redeemed it on the cross, with blood, tears, and finally His life.


Just so we can have what He gave up, life.


Kaya naman sa pag-alala natin sa regalong binigay ng Diyos…


May we never forget to give back our appreciation by living the life that God meant for us to have.


We can live a life of gratitude, in whatever circumstance we may be in.


Dahil kapag nakikita ng Diyos na marunong tayong magpasalamat, He’ll be happy to give us some more na makakapagpaligaya sa atin sa buhay.


Gratitude multiplies blessings in our life.


As for me, I am forever grateful for your presence in this space where I get to tell you stuff.


Maraming maraming salamat for staying with me all this time.


I hope sa ilang buwan nating pagsasama, may natutunan ka mula sa pagbabasa ng mga mensahe ko.


I hope sa ilang buwan mong pagbubukas ng mga liham na ko, may konting hibla ng pag-asa at liwanag kang naramdaman sa panahong napapanghinaan at naghihirapan ka.


I hope sa darating na taon, mas marami pa akong maihatid na magagandang mensaheng makakatulong sayo at magbibigay lakas at pag-asa sa iyong paglalakbay sa buhay.


Umaasa akong sasamahan mo pa din ako sa tambayang ito.


At sa espesyal na araw na to, dasal at hiling kong ramdam mo ang pagmamahal ng Diyos sayo.


Mahalaga ka kaya iniligtas ka Niya.


Marami ang nagmamahal sayo.


Isa na ako dun.


Happy birthday Jesus!



Nagmamahal,


Mommy Fivemay



Here’s where you can get more of Mommy Fivemay:


Get more informative at masasayang posts na makakatulong sa breastfeeding journey mo. 


Follow my Facebook Page at The Happy Mommy Blog


Learn more by watching videos and shorts


Subscribe to my Youtube channel


Visit my website at www.fivemayhuervas.com





Comments