Tips to stay healthy during the holidays
Dec 18, 2022 8:01 am
Dear ,
Ang lamig na talaga ng panahon ngayon.
Ramdam kong nanunuot hanggang buto ang lamig ng simoy ng hangin.
Lalo na sa madaling araw na paghahanda sa simbang gabi.
Pero pansin mo bang dala din ng panahon ay ang madalas na pagkakasakit ng pamilya mo?
Nakwento ko nga last week na ilan din sa pamilya ko, at ako ang tinamaan ng sakit.
Kaya naisip kong gumawa ng listahan kung paano maging healthy at hindi magkasakit sa season na to.
Here’s a top 3 list of what you can do to stay healthy during the holidays:
- Eat healthy. Alam ko sa dami ng handaan na pupuntahan, challenge talaga ang kumain ng healthy. Especially na tayong mga pinoy ay mahilig sa pagkaing matatamis at matataba. Kaya naman, kadalasan, ang sobrang pagkain ang nagiging culprit kaya tayo nagkakasakit. Payo ko, hangga’t kaya, isama pa rin sa regular meals ang mga healthy na pagkain. Green leafy vegetables, good fats and protein. Medyo iwasan ang high carb at sugar. Kasi ang sugar ay nakakabagal din ng recovery kapag nagkakasakit tayo.
- Exercise. Kahit sa sobrang busy na schedule mo ngayong panahon na to, sikapin mo pa ding makagawa ng exercise regularly. Kung hindi man every day, at least 3-4 times a week movement pa rin ng katawan. Ang pinaka quick fix, lakarin ang mga pupuntahan. Lalo na kung namimili ng mga panregalo. Nakapag-ehersisyo ka na, nagawa mo pa ang Christmas shopping mo. Win-win. Well, except sa bulsa mong baka ang lalim na. Haha! Di bale, masaya naman ang feeling na ikaw ang nagbibigay.
- Get adequate sleep. Kung nate-tempt ka pa ding magpuyat dahil lumabas na ang season 2 ng Alchemy of Souls, kahit pagod na pagod ka na sa kakaparty. Matulog ka. Parang awa mo na. Tulungan mo din ang katawan mong mag repair habang tulog ka. Deserve mo yan. More than anything else. Your body will thank you later. Tsaka a good night’s rest will boost your energy to face the next day with renewed strength and vigor.
There you have it.
Sana you can keep this in mind habang nasa kasagsagan ng mga handaan at pagdiriwang.
Remember, a healthy you is a happy you.
Pero kung hindi talaga maiwasang magkasakit ka…
You can try home remedies for first aid and treat the common illness you might have,
Using natural herbal plants you can find in your backyard.
Watch a video I created in Youtube para malaman mo kung anu-anong mga halamang gamot ang ginagamit ko kapag nagkakasakit ako o ang pamilya ko.
Click here to watch the video:
https://www.youtube.com/watch?v=E8hWJ3UWyXg
Sana patuloy kang maging malusog at masaya sa pagdiriwang mo ng pasko sa taong ito.
Hanggang sa susunod na email.
Nagmamahal,
Mommy Fivemay
Here’s where you can get more of Mommy Fivemay:
Get more informative at masasayang posts na makakatulong sa breastfeeding journey mo.
Follow my Facebook Page at The Happy Mommy Blog
Learn more by watching videos and shorts
Subscribe to my Youtube channel
Visit my website at www.fivemayhuervas.com