boboto ka ba bukas {{contact.first_name}}?

Oct 29, 2023 6:01 am


Dear ,


Paano ka ba pumipili ng iboboto sa eleksyon?


Ako kasi may mga bagay na tinitingnan ako sa isang tao para maituturing ko syang karapat dapat na maging public servant.


Share ko lang ang guidelines ko baka pareho naman tayo.


  1. Integridad. Ang taong may  integridad ay tapat sa kilos at salita. Mataas ang tiwala ko sa taong may integridad dahil alam ko, sa maliit o malaking bagay, mapagkakatiwalaan ko ang taong ito. 
  2. Mapagkumbaba. Gusto ko ang taong kahit ano man ang meron sya sa buhay; yaman, talino, kasikatan, etc…Marunong pa rin syang tumanggap ng suggestions, criticisms, at ideas mula sa ibang tao.
  3. May malasakit sa kapwa. Yung taong sincere na nakikinig sa hinaing ng bawat taong lumalapit sa kanya. Yung kahit hindi man kayang solusyunan ang lahat ng problema ng bayan, at least humahanap ng paraan. 


Marami pa ang nasa listahan ko pero itong tatlo ang pinakamahalaga at pinakauna sa tinitingnan ko.


At dahil nanay at babae ako, malaking factor din ang pagbibigay ng atensyon at halaga sa karapatan ng mga kakababaehan at kabataan ng isang public servant. 


Gusto ko yung taong pwedeng magsulong ng mga programang makakabuti sa mga kababaehan at kabataan.


Dahil naniniwala akong mahalaga ang papel ng gobyerno, especially ng barangay government in promoting and protecting women’s rights and welfare in the local community.


In the same way that the role of women especially mothers, in helping build strong and resilient children who will become future leaders and citizens is equally important.


We have the power to decide our future. We have the power to elect people in government positions that will ensure that the future we dream of becomes a reality.


I wish everyone a peaceful and fruitful election.


Vote wisely mga inay!



Nagmamahal,


Mommy Fivemay


Mommy Fivemay is the founder of The Happy Mommy Blog, the vision of which is to see our children lead happy and fulfilling family lives. Our mission is to make you a happy mom. Because a happy mom makes a happy family.


You can find Mommy Fivemay creating valuable, informative, and entertaining content about breastfeeding, natural birth, freelancing business, health and wellness, motherhood, and parenting through her different social media channels:


Facebook Page

Youtube 

TikTok 


Comments