🎇Happy New Year {{contact.first_name}}!

Jan 01, 2023 5:01 am

image


Dear ,


Grabe ang bilis talaga ng panahon!


Parang kailan lang binubuno pa natin ang 2022.


Ngayon goodbye 2022 at hello 2023 na agad.


Matanong ko lang…


Sa araw na ito, ano ba ang nakikinita mong mangyayari sayo sa taong ito?


Try to imagine your 2023.


Meron ka bang gustong mangyari sayo sa taong ito?


In terms of financial, spiritual, relationship, career…


May pangarap ka bang gusto mong matupad within 1 year?


Nung nag post ako sa The Happy Mommy Blog


Ang halos pare parehong sagot ng mga momshies nung nagtanong ako kung “Ano ang wish mo sa 2023?”…


Good health talaga para sa pamilya.


Iba talaga mag wish ang mga nanay.


Kalimitan, hindi sarili ang iniisip.


Palaging pamilya ang inuuna.


Isa ka rin ba sa kanila?


Tingnan mo ang Facebook post na ito kung makaka relate ka sa mga sagot nila.


Kung naging maganda ang 2022 para sayo, praise God at ramdam mo ang pagmamahal niya.


Kung marami ka namang hinarap na pagsubok, praise God pa din kasi nalagpasan mo ito at may bagong hatid na pag-asa naman ang bagong taon.


Kaya naman kung may gusto kang blessing na matanggap sa taong ito,


E-claim mo na!


Pwede ba akong mag-offer ng prayer para sayo?


Dear God, 


I pray for the person reading this right now. 


Naway bigyan Nyo po siya, sampu ng kanyang pamilya ng lahat ng biyayang kailangan nila sa araw-araw. 


Hindi lang upang mairaos ang kanilang pangangailangan.


Kundi nag-uumapaw na biyaya at maging instrumento upang makatulong sa iba.


Lord, salamat sa biyaya ng buhay at nagigising pa rin sa bawat umaga upang patuloy na magmahal.


At kung ano man ang hiling ni sa puso niya, umaasa po akong sasagutin mo ito sa paraang magbibigay sa kanya ng lubos na ligaya.


Amen! 


Ayan, sana matanggap mo kaagad ang iyong mga kahilingan.


Sabi nga sa John 16:24:


Until now you have not asked for anything in my name. Ask and you will receive, and your joy will be complete.


O siya, hanggang dito na lang muna.


Hanggang sa susunod na kwentuhan.


Nagmamahal,


Mommy Fivemay


P.S. Baka naman hindi ka pa naka subscribe sa Youtube channel natin, check mo madami nang videos na pwedeng makatulong sa journey mo dun.


Click this link to subscribe to The Happy Mommy Blog Youtube channel.



Comments