The Story Behind Our Mission-Driven Cause

May 01, 2023 10:01 am


Dear ,


Dito sa The Happy Mommy Blog, we believe in supporting and empowering mothers in need. Especially when it comes to natural birth, breastfeeding, and motherhood in general. 


Kaya excited kami dito sa munting project to celebrate Mother’s Day dahil the proceeds will support our mission to continue doing what we do.


Aaminin ko na, magastos ang maging advocate. Kailangan may budget pang g-cash (wink wink), pang-giveaway, pambayad sa dream team of mommies na tumutulong sa akin behind the scenes, overhead costs, at marami pang pinagkakagastusan. 


Pero dahil sa naniniwala akong mahalaga ang mensaheng ibinabahagi ko…


At dahil naniniwala akong in one way or another, ang ginagawa ko ay nakakatulong sa isang mommy na tulad mo…


Patuloy akong naniniwala na kahit sa maliit na paraan nabibigyan kita ng kaunting saya, pag-asa at paghahangad na maging mabuti ang iyong buhay. Kaya naman our page is all about you and not about me. 


The Happy Mommy Blog is all about helping you.


Ayoko na kasing madaanan mo pa ang mga challenges, mistakes at failures na nadaanan ko before.


Those experiences were very disappointing, frustrating, and painful.


Nakakapanghina, nakakapanghinayang, nakaka-regret.


Nasabi ko nga na kung meron lang sanang isang taong nakapagsabi sa akin, or kahit nakapagturo to look for answers in the right direction, sobrang laki ng siguro ng tulong sa akin nun.


Sana hindi ko na dinanas ang mga yun.


Pero looking back, I think nangyari ang mga karanasang yun dahil kailangan kong matuto sa buhay.


At dahil din sa karanasan kong yun, I am at this point life na mas naiintindan ko ang pinagdaraanan mo dahil dinaanan ko din sya. Mas lumawak ang aking pang-unawa dahil I am/was in your shoes.


Pero dahil natuto na ako, I know how to avoid committing the same mistakes again. I learned how to set myself up for success. I took the lessons the experiences offered to make myself better.


Kaya naging misyon ko ang ibahagi ang mga lessons na to sa ibang mga nanay.


Alam ko kasi na pwede namang hindi mo na danasin.


Pwede ka ng matuto sa expereiences ng ko at ng ibang taong nakikita mo.


Sa ngayon, lumawak na rin ang pangarap ko.


Dahil kapag ang isang nanay ay hindi nahihirapan sa buhay, kahit sa pagbubuntis, sa panganganak, sa pagpapasuso...


Mas sumasaya ang disposisyon sa buhay.


Nagkakaroon ng positive outlook, nagiging grateful, at nagiging masaya.


At kapag ang nanay ng pamilya ay masaya, it overflows in the way she takes care of her family.


Dito sa The Happy Mommy Blog,


It is our mission to make YOU a happy mommy. 


Our vision is a world of happy families.


And we support strengthening families all over the country (and the world for that matter).


Dahil importante ang pamilya para sa ating lahat.


Kaya nandito ako, patuloy na nagbibigay nag education, information at inspiration para patuloy ka ding lumago as a person especially in your role as a mother.


At sa pagbili mo ng Mommy Box, hindi ka lang makakakuha ng magandang regalo para sa sarili mo (na sobrang deserve mo).


Matutulungan mo din kami dito sa The Happy Mommy Blog na magpatuloy sa mission namin.


Stay tuned for more details about our mommy box and the amazing products that are included.


Nagmamahal,


Mommy Fivemay


P.S. I have a money-earning opportunity din for you that I will spill sa next email ko. Abangan!

undefined


Comments