FREE 2 Day Workshop for Client Getting for Freelancers by Charlotte Faye Chua

All issues

The scariest thing I’ve ever done

This week is such…

image


Marami ako chika sayo, ...


Sobrang surreal kasi ito nangyari this week.


Sa totoo nga lang, hindi ko nga alam paano nangyari ito.


Last 3 weeks ago, I closed a local client for a Product Videography project.


Dahil ivivideo at lulutuin namin ung product, di ko expect na 24 ito, at hindi na nga magfit sa freezer namin. 


Hindi ko nga expect na maclclose ko.


I had just been rejected by a big local beauty brand f(that you see in the malls, and has an international franchise).


The next day, tumuloy yung local client na sa akin. 


We just had 1 hour and a half discovery call. After that, move forward na daw kami.


Here’s the thing:


I offered a service that I’m not fully expert on. Product Videography


Kaya ko siya inoffer kahit hindi ako expert dito is because I want to increase my profits into retaining clients.


I figured na I need to stop only offering services i’m good at, and find problems the client has and offer it.


Of course dapat may alam ka rin sa ginagawa mo.


Kasi ikaw taga close at taga kausap eh.


Since exploring Tiktok marketing, I’ve been practicing on producing videos for my Vegan Beauty Brand. Charlotte Organics.


Sa totoo lang, ito ang pinakaweaknest ko. Video. Bokya talga ako dyan.


Kaya I decided to collab with someone who is good at that.


Ako na ang taga close and kausap sa client.


So back sa topic.


Nagmove forward na kami ni client sa product videography, and after nun we will have a social media marketing service naman.


Di ko expect na rush rin. Fault ko naman kasi eh wala akong systema dito.


Tska fault ko rin for not establishing boundaries.


Kaya yung pinush ko yung product videography na NEW service ko.


Di ko expect na lulutuin namin yung 24 products with 24 product videos


Since first time ko magcollab, magoffer ng NEW service, magtake on ng ganitong client market, medj nastressed ako.


Napapaisip na nga ako tama ba ginagawa ko. Bat ko ba ito kinuha haha char.


Pero naoverwhelm lang ako, and ayun push through ko lang kasi eh commitment.


Alam ko na ginusto ko talga magexpand ng service ko to cater other client, pero di ko expect na ang heavy agad.


At wala na akong choice, kasi ginusto ko to eh.


Buti nalang ang kinollab ko is yung pinsan ko. Though hindi ko pa alam kung ano portfolio niya, at skills niya. Basta tinuloy ko nalang.


Pagdating dun sa nareceive ko ung 10+ products, hindi magkasya sa freezer ni pinsan.


Kaya hinatid pa sa bahay ko. Buti nalang malalaki freezer namin.


Then nagkaproblema rin kami sa sino magluluto ng product, kasi naka Full-time Work from Home Job naman si pinsan, at yung ibang fam rin may work.


Kaya pati yung mothers namin naguluhan rin ano ba ang napagusapan namin.


Pero later on naayos na namin.


Despite na ang shaky ng mga nangyayari, namanage namin na maayos yung deliverables namin.


Yung project namin is for a video showcase sa grand opening to market to their valuable customers & partners.


Nung invite ako ng client ko sa opening/launching nila, ayaw ko pumunta sa totoo lang.


Iniisip ko kasi introvert limiting beliefs ko na “Ang layo, katamad umalis. Ano sasabihin ko dun. Ano gagawin ko dun.”


Pero dahil pinush ako ng mga freelancing buddies ko, ayun pumunta na nga ako. 


Akala ko magbebeso beso lang ako aalis na, pero di ko expect na mga malalaking corporation businesses pala ito.


Nako nagtrigger na nga ang introvert problems ko, at kinakabahan ako kasi puro ba naman mga CEO, President at malalaking businesses kasama dito.


Tas di ko rin alam na ipapakita pala sa maraming tao yung Product Videography namin na project.


Thank lord nalang na maayos gumawa si pinsan, kaya everything was a success.


At ayun nakita ko ang co-founder CEO ko na client, at yung nagrefer sa akin.


Gusto ko na nga umalis sa totoo lang, pero inisip ko 2 hours punta ko babalik na agad ako eh ang traffic haha.


Then napastay na ako sa dinner nila, and kinain ko ulit ung mga masaarap na bigay nila na frozen products.


Tas vinideo ko na ung pinalay yung first successful video project namin ni pinsan. (na niluto, shoot, at edited pa namin)


Paguwi ko nabenta ko ung libreng bigay na frozen products sa akin, so kumita pa ako char haha. 


Pero ano ba ang purpose ng email na to?


Gusto ko ishare sa inyo na…


Kung ano ba ang gusto mo, marereceive mo. 


Matagal ko na subconsciously iniisip na gusto ko makawork naman na big corporate LOCAL clients. At makaexpand ng services ko.


Although rejected nga ako dun sa isang LOCAL beauty brand na corporate.


Di ko lang expect na sobrang challenging ang nakuha ko.


Pero dahil nagtiwala ka sa sarili mo, sa team member mo, sa universe na magiging okay.


Eh kahit nagkawindang windang pa kami, at nagkagulo gulo pa kami sa umpisa big success pala sa huli.


Tska I encourage you to take risks out of your comfort zone.


First time ko makapunta sa isang malaking party, at puro big local coporate na people ang kasama mo.


First time to meet my client.


First time to offer this service.


First time to collab.


Shocks, basta maging honest lang talga kayo sa client ninyo, kasi lahat naman ng honesty sinabi ko sa client ko na makikicollab ako kasi di ko siya expertise.


Okay naman at aware sila.


Ayun, “See you again soon,” daw sabi ng CEO, kakilig naman.


Tas nahiya pa ako kasama ko ung fam ng ceo sa table, and introduce pa ako.


Kung alam niyo lang guys sobrang kinakabahan ako, shy ko, tas d ako makapaginitiate ng small talk.


Alam mo yung gusto ko iapproach ung ibang CEO, pero di ko rin alam ano sasabihin ko. At di ko nga alam bat nga ako nandito.


Mga limiting beliefs ko talga.


Pero at least d ba.


Opportunities for us freelancers.


At sino nagsabi barat ang local clients? Dami dyan premium.


Hindi ko inexpect free vallet parking ko (o di ba wala na ako stress sa kakaisip saan magpark), tas nakapagdinner pa ako dun. Kaya thankful ako rin sa kanila.


Kaya I encourage you guys to network rin face to face.


And find people who are aligned with your values and working style.


Yun lang naman chika ko. Hindi ko pwede pakita video, confidentiality.


Sa totoo lang first time to have retaining client talaga. Mostly project based lang ako, or wala ng kasunod.


Basta hanap ka ng problema lang nila, then offer ka ng solution other than sa main service mo.


Sa umpisa talga, trust muna ang need mong ipriority, Okay lang mababa ang singil mo. Pero once established na trust mo, madali na ulit iupsell service mo.


Hindi kasi tayo go sa malakihan deal. Eh kung marami ba naman kakilala rin na biz owners, at ikaw na opportunities. Di ba? More repeating profit for you.


How to upsell a service?


-Maglagay ka ng before & after ng itsura ng brand nila/product. Para makita nila comparison.


-Ask them if interested sila to have these for their biz? It will help them (attract customers/save your time) etc.


Oh take action mo na yan ha.


At malapit na holyweek!


Ano na ganap ninyo? Magout of the town me.


Wag ninyo rin kalimutan magsunblock. May promo ako ngayon 3 items for 160php off. 


Check it out here.

https://www.facebook.com/reel/597856072220352?s=single_unit



Cha


(Every tuesday email, hindi na monday)



image

Share
Get the next issue in your inbox
Free, and you can unsubscribe any time.

0 comments

More issues

All 41 →
#26 Mar 27, 2023

Need your help

Read issue →
#25 Mar 27, 2023

Freelancing Tip: Closing Corporate Clients

Read issue →