I surrender

Apr 02, 2023 7:10 am


>>>>Watch The Replay of The Live Interview With Mommy Che “Keto Nanay” Here<<<<


Dear ,


When Mommy Che aka Keto Nanay was telling her birth story, I heard her say:


“At that point, nagdasal na lang ako. Sabi ko, Lord ikaw na bahala hindi ko na kaya.”


Goosebumps! Yan ang literal at physical na naramdaman ko sa statement nyang yun.


Grabe, iba ang nagagawa ng pag surrender to God’s power.


Dahil sa point na yun, nag start ang kanyang contractions.


Na nagtuloy-tuloy hanggang nanganak na sya sa birth pool.


Amazing no?


Curious ka sa story ni Mommy Che?


>>>>Watch The Replay of The Live Interview With Mommy Che “Keto Nanay” Here<<<<


Alam mo.


It’s stories like these ang talaga nakakapagbigay ng faith sa puso ko na birth is a holy experience.


Kasama mo si God.


Never syang nawawala sa equation.


Yes we can prepare for birth.


Physically, mentally, emotionally.


Pero isa sa pinaka importanteng preparasyon din ang spiritual na aspeto ng panganganak.


I’ve always felt this sa sarili kong experience.


Kahit nung nakaranas ako ng pinaka traumatic ng birth experience.


Lalo na nung nakaranas ako ng traumatic birth experience (paulit ulit for emphasis).


May ganung linyahan din ako.


At ang paulit ulit na dasal ko nun.


“Lord I surrender everything to you.


Ikaw na bahala sa akin.


I trust in your power to protect me from getting a cesarean operation.”


At alam nyo ba, naka loop sa mp3 player ko ang song na to:


https://www.youtube.com/watch?v=s7jXASBWwwI


Kaya sobrang kumapit lang ako sa Diyos sa mga panahong yon.


Kabang dumadanas ako ng di maaruk na sakit dahil sa induction.


I listened to this song.


Over and over again.


At hindi nga ako pinabayaan ng Diyos.


Ramdam na ramdam ko ang presensya at pagmamahal ng Diyos sa mga moments na yun.


Despite everything I went through.


Kaya sa pagpasok ng holy week…


Dasal ko sa yo.


Sa panganganak man o kahit anong paghihirap ang dinaranas mo ngayon .


Naway maalala mong e-let go.


At e-surrender ang lahat sa Diyos.


Sa sarili nating kakayahan, kukulangin tayo.


But with God and God alone, He is more than enough.


Para sa mga katolikong tulad ko.


Ang linggong darating ay nagpapa-alala sa atin ng panahong iniligtas tayo ni Jesus sa krus.


We were given a new life through death.


We did not deserve it.


We were sinners.


But God chose to give us back our life.


Because His love is more than all our sins put together.


It’s called grace.


I hope, we spend the holy week in remembrance of that redemption.


At kung nakalimutan mo man na mahal ka ng Diyos.


Pinapaalala ko din sayo ngayon.


Mahal na mahal ka ng Diyos.


Kahit ano at sino ka man.


Receive that grace from God today.


Let’s have a blessed week ahead.



Nagmamahal,


Mommy Fivemay



P.S. Baka naman hindi ka pa naka subscribe sa Youtube channel natin, check mo madami ng videos na pwedeng makatulong sa breastfeeding, natural birth, health and wellness at motherhood journey mo dun.


>>>>Click this link to subscribe to The Happy Mommy Blog Youtube channel<<<<.


Kung naaliw ka din sa panunuod ng TikTok videos, pa follow naman sa bagong account ko. Sasayaw ako, este gagawa ako ng mahahalagang content din sa channel na to 😅


>>>>Click here to follow Mommy Fivemay  sa TikTok<<<< 



Comments