Momshie…Meron akong tsismis…
Aug 21, 2022 1:06 pm
Dear ,
Totoo nga ang tsismis.
Ang bawat nanay ay may pamanang binibigay sa tuwing nanganganak.
Yan ang microorganisms or milyones na samut-saring bacteria na nalilipat galing sa bituka ng nanay na maaring makain at ma absorb sa buong katawan ni baby habang lumalabas sa vaginal canal.
Sayo pala galing ang milyon-milyong bacteria na tumitira at nagiging parte ng gut microbiome ng isang baby.
Sa loob kasi ng tiyan ay sobrang malinis.
Sterile environment ang tyan mo mommy habang lumalaki si baby sa loob.
Kaya paglabas niya mula sa tiyan, kailangan nyang manghingi ng bacteria mula sayo upang makapagsimula ng sariling komunidad ng microorganisms sa loob ng bituka o “gut” nya.
Ayon sa pag-aaral, malaki ang diperensya ng uri ng microorganisms na nakukuha ng baby during birth kung dumaan sya sa birth canal at kung sa pamamagitan ng cesarean section.
Nakita nila sa resulta ng mga pagsusuri na napakaraming uri ng microorganisms ang nalilipat mula sa “gut” ng ina papunta sa bagong “gut” kapag dumaan sa vaginal canal ang baby nung pinanganak.
Kumpara sa baby na lumabas sa pamamagitan ng cesarean section, konti lang ang nakukuha nyang bacteria sa “gut” ng nanay at mas marami ang nakukuha nyang bacteria na galing sa hospital environment.
Sabi pa ni Dr Trevor Lawley, a senior author on the paper from the Wellcome Sanger Institute, said: "We discovered that the mode of delivery had a great impact on the gut bacteria of newborn babies, with the transmission of bacteria from mother to baby occurring during vaginal birth.”
Ang galing di ba?
Kaya pala sinasabi nila na ang pinakamahalaga mong pamana sa anak mo ay ang microorganisms na napapasa kapag nanganak ka lalo na kapag dumaan sa birth canal.
Milyones ang mga microorganisms na yun.
Habang lumalaki, dumadami ang populasyon nila na umaabot sa trilyones.
Alam mo ba na iba-ba ang uri ng bacteria, viruses, fungi, etc… na namamana ng bawat bata sa bawat ina?
Unique ang genetic identity ng mga mircoorganisms na yun dahil unique ang gut microbiome ng bawat tao.
Kaya yan ang pamana ng bawat ina sa kanyang anak.
Yayamanin di ba?
Ngayon, alamin naman natin kung ano ang kinalaman ng breastfeeding sa microorganisms na to.
Ganito kasi yun.
Pagkalipat ng mga bacteria sa katawan ng baby, magsisimula din silang mabuhay, lumago at gumawa ng community.
Para dumami ang kanilang populasyon, kailangan nilang kumain.
At ang pagkain na ginawa ng Diyos para sa kanila, ay ang breastmilk.
Ito talaga ang pinaka purpose ng breastmilk mga momshies.
Ang breastmilk ang pagkain ng mga microorganisms na nasa bituka ng baby.
Hihimayin nila breastmilk, at kukunin ang lahat ng nutrisyon na kailangan ng katawan, i-aabsorb sa bituka at ipapasa sa parte ng katawan na nangangailangan para gumana ng tama, lumaki at maging healthy ang baby.
Malaki ang kinalaman ng healthy gut mircobiome sa overall health ng katawan.
Pag-uusapan natin ito ng mas maigi sa susunod na mga emails.
Balik muna tayo sa breastmilk at gut health ni baby.
So yun nga, aside sa napakaraming benepisyo ng breasfeeding…
Kailangan din pala talaga na breastmilk ang maibigay sa baby para lumago at dumami ang good microorganisms sa katawan ng baby natin.
Kaya pala sinasabi nilang exclusive breastfeeding for the first 6 months dahil sa time na yan, maselan pa ang gut microbiome ni baby.
At kapag pinakain natin sila ng hindi breastmilk, tulad ng tubig, formula milk, vitamins, solid food, etc. sa panahon na yan, posibleng maapektuhan ang gut microbiome ni baby.
Maaring ma-compromise ang early development ng gut microbiome nya..
Kaya sinasabi nila na kailangan e-preserve ang “virgin gut” ni baby.
Kapag na compromise kasi ito, ang immune system ni baby ay maapektuhan din at maaring magkasakit si baby.
Kaya pala, sa karanasan ko, palaging may kabag ang eldest ko dahil na compromise agad ang microbiome nya nung day 1 pa lang pagkapanganak ko ay binigyan ko na sya ng formula milk.
Naging iyakin ang baby ko. Mahirap patulugin at lumaking sakitin.
Hindi ko naintindihan nuon ang panganib na dulot ng formula milk at other non-breastmilk substance na pinapakain ko sa baby ko.
Nakakaiyak, nakaka-guilty, nakakapaghina nung natutunan ko ang bagay na ito.
Pero dahil tao lang tayo, nagkakamali talaga.
Sa ngayon, napatawad ko na ang sarili ko at nagpapasalamat din ako dahil binigyan ako ng chance ni Lord na itama ang mga pagkakamali kong yun.
Awa ng Diyos, ang last 3 kids ko ay napagsikapan kong e-breastfeed exclusively for 6 months.
Kaya momshie, patuloy ka lang sa pag-aaral.
Hindi man maging perpekto ang lahat, unti-unti mong nababago ang mga pananaw at gawain mo tungkol sa breastfeeding.
At dahil nga tulungan tayong mga nanay, maari mong e-kwento at ibahagi ang mga bago mong kaalaman sa ibang nanay.
Upang dumami pa ang mga nanay sa mundo na magsusumikap na mapasuso ang kanilang baby.
Hindi pa tapos ang pagdiriwang natin ng nreastfeeding month…
Kaya abangan mo pa ang mga pagtatalakay at gawain natin sa The Happy Mommy Blog at dito sa emails ko upang mapalaganap natin ang kaalaman at kalinga tungkol sa breastfeeding at natural na panganganak, para matulungan ang bawat nanay na sa pagpapasuso ay magtagumpay.
Yan lang muna sa ngayon inay.
Kung may tanong ka tungkol sa breastfeeding, natural birth, gut microbiome, etc….
Reply ka lang sa email ko at sisikapin kong masagot ang mga katanungan mo.
Happy Sunday at Happy Breastfeeding!
Nagmamahal,
Mommy Fivemay