P179,200+++ ang ambag mo {{contact.first_name}}
Jul 03, 2022 1:01 am
Dear ,
Ramdam mo ba minsan na wala kang naitutulong sa pamilya?
Lalo na kung full time mom ka.
Wala kang income.
Dahil nag-aalaga ka ng bata.
Feeling mo ba…
Ang perang ginagastos mo pambili ng shampoo, lotion at facial cream
Ay di mo deserve?
Kaya mas uunahin mo lagi needs ni baby kaysa ma #feelingguilty.
Pero alam mo mii,
Laki ng ambag mo sa pamilya nyo.
Isipin mo, kung nagtatrabaho ka.
Oo nga may kita ka.
Pero gagastos ka din para pambayad sa yaya.
Kung nagtatrabaho ka.
Mas mahirap magpa breastfeed kaya bibili ka ng formula milk para kay baby.
Kung nagtatrabaho ka.
Bumibili ka ng gamit, damit, sapatos, make up, etc.
Kailangan mo rin gumastos ng pamasahe, baon, atbp.
May sahod ka nga pero magkano natitira pagkatapos ibawas lahat ng gastusin mo?
Pero kung nasa bahay ka at full time nag-aalaga ng anak.
Eto pwede nyong ma save sa income ng asawa mo:
Sabihin nating ang sahod mo ay ang minimum wage = 570/day
570 x 22 x 12 = 150,480
Mas malaki pa ma-ssave mo kaysa sa kikitain mo kung nagtatrabaho ka
At iiwan mga anak mo sa iba.
Kaya momsh, sabihin ko sayo.
May ambag ka sa pamilya.
179,200 every year ang nassave nyo dahil pinili mong alagaan ang mga anak mo.
At ang pagmamahal at kalinga na naibibigay mo sa mga anak mo…
Ang pagsasakripisyo mo para lang matugunan ang mga pangangailangan nila…
Ang puyat, sakit ng katawan, tulirong pag-iisp kapag nagkakasakit sila…
PRICELESS!
Hindi matatapatan ng pera.
Kaya mi, maniwala ka sa sarili mo.
Ang role mo bilang ina ng pamilya ay sobrang mahalaga.
Ikaw ang ilaw ng tahanan.
Ikaw ang nagbibigay ng liwanag sa buhay ng bawat miyembro ng inyong pamilya.
Ikaw ang gabay sa mga panahong nakakaranas kayo ng dilim.
Hind lang sa panahon ng brown out
Lalo na sa panahon ng mga pagsubok.
Dahil ikaw yan, pinili ka ni God sa role na yan.
Kaya tuloy mo lang mi.
Wag mong pagdudahan ang sarili.
Mahalaga ka.
May ambag ka.
May purpose ka bakit ka naging ina.
Kaya kapag nakaramdam ka ng lungkot at pagdududa…
Isipin mo, 179,200+++ ang ambag ko.
Hindi pa kasama dun ang priceless contribution na hindi mapapantayan ng halaga sa pera.
I believe in you .
Believe in yourself too!
Cheering for you,
Mommy Fivemay
P.S. Sya nga pala, baka naghahanap ka ng options kung paano kumita ng pera, may interview pala ako sa VA Bootcamp FB Group last Wednesday tungkol sa pagiging full time mom/freelancer. Kung hindi mo napanood, Click this LINK to watch the video.