Paano ka nanganak {{contact.first_name}}?

Oct 02, 2022 8:04 am

image


Dear ,


Alam mo ba na malaki ang kinalaman ng birth sa breastfeeding?


Ang karanasan mo sa panganganak ay nakakaapekto sa iyong pagpapasuso.


Nakwento ko na to pero explain ko lang ng konti (hindi pala konti, medyo mahaba to :-).


Nung nakaranas ako ng isang traumatic birth experience, dun din ako nakaranas ng problema sa pagpapasuso.


Hinding hindi ko makakalimutan ang traumatic birth experience na yun. 


I agreed for an induction kasi sabi ng doctor ko overdue na daw ang baby sa tyan ko. Inosente pa talaga ako nung mga panahon na yun. I did not educate myself and I did not study the science behind birth. I fully trust health care providers. Kapag sinabing overdue na si baby. Then overdue, it is. Ang salita nila ay batas para sa akin na dapat sundin.


But that medical intervention led to complications during and after birth.


Dagdagan mo pa ng midwife na hanggang langit ang pananakot sa akin na kesyo taas baba ang heart rate ni baby ay cesarean surgery agad agad. At kahit nagsusumigaw na ako sa sakit dahil nagco-contract (dahil sa artificial oxytocin) na ang matres ko, ayaw pa rin nyang maniwala na I’m on active labor na. That was the first time na na cramps ang buong katawan ko. Literally, from head to toe. 


Buti na lang, mas mataas ang willpower ko at ang faith ko sa Diyos na hindi Niya ako pababayaan. I prayed so hard na tulungan Niya akong hindi ma cesarean. I pushed the baby with all the strength I could muster. Kaya na surprise ang midwife na lumabas na ang ulo ng baby habang nasa labor room ako at wala pa ang doktor ko. Sinabihan pa nya ako na pigilan mo, wala pa si doktor at pinilit na idikit ang mga paa ko. Mapapamura ka talaga sa ginawa nya, pero tinuloy ko ang pagpupush at lumabas na ang baby sa ayaw niya at sa gusto.


Dahil nagpanic ang midwife, pinutol nya agad ang pusod ni baby (isang violation of Unang Yakap protocol). Hindi pa lumalabas ang placenta ko nito.


Hindi nya binigay sa akin si baby for first skin to skin contact, binigay nya agad ito sa neonatal nurse on duty for Apgar testing (another violation of the Unang Yakap protocol).


Dahil dito, ang non-separation of mother for first initiation of breastfeeding ay hindi din nangyari (violation pa rin ng Unang Yakap protocol).


Hindi talaga siguro nakapag-training ang midwife na yun. O baka obsolete pa ang policies ng hospital na yun? 


This happened in 2016 and the Unang Yakap protocol was implemented in 2009 through a DOH administrative order.


Kaya grabe naman kung after 7 years ng implementation ng AO on Unang Yakap protocol, hindi pa rin sila nakapag-update.


Pero yan ang naging experience ko.


Alam mo ba na after nun, ang baby ko, dinala sa NICU na hindi din pinaalam sa akin.


Nagkaroon daw ng complication ang baby ko at under observation sya.


Pero saka na nila sinabi sa aming mag-asawa after ilang pangungulit kung saan na ang baby na dapat hours ago nang naka room in with me.


Ewan ko ba, para talaga akong tanga nung mga panahon na yun. 


Walang alam sa patient’s rights.


Walang alam sa mga dapat gawin.


Tanggap lang ng tanggap sa kung ano ang sabihin sa amin.


Hindi ako nakatulog ng mahabang oras dahil sa pag-aalala nung mga panahong iyon.


Nasa NICU ang baby ko.


Unstable daw ang heart rate.


May infection daw kaya naka IV na.


Under medication na sya.


Ang daming nangyayari, ang daming ginagawa, wala silang sinasabi.


Iniisip ko, ang warmth and security ng katawan at dibdib ko hindi ko naibibigay sa baby ko dahil wala ako sa tabi nya. Eh di mas lalong na sstress sya dahil sya lang mag-isa. Kaya mas lalong lalala ang condition nya.


Ang sakit pala ng mom and baby separation after birth.


Physically ramdam na ramdam ko sya sa puso ko.


Yung parang may kumukurot sa puso mo na type of pain.


Hindi ka makatulog, hindi ka makakain sa pag-aalala kaya ang recovery mo at risk din.


Ang hirap at ang sakit.


Tapos nung nakuha ko na ang baby ko, after 12 hours of being separated, nagkaproblema nga ako sa breastfeeding. 


The first 3-5 days, grabe ang sakit na naramdaman ko. First time kong nagka sugat sugat sa nipple. Dumudugo sya at ang hapdi ng sugat kapag naglalatch si baby.


Nahirapan mag latch ang baby ko. 


Pero alam mo, tiniis ko to the highest level.


Gusto ko na talaga mag exclusive breastfeeding nun.


Kaya sabi ko, kahit anong mangyari, titiisin ko ang sakit para magtagumpay ako.


Hindi ako naglagay ng kahit na anong gamot nun.


Inayos ko ang position at ang latch ni baby.


Dahil nakapag basa-basa na din ako nang tungkol sa breastfeeding.


Nilagyan ko ng breastmilk ang nipples ko para gumaling.


After 7-9 days, umokey ng konti ang mga sugat. Hindi na sya kasing sakit nung una.


At dahil nagpursige ako, umayos din ang pagpapasuso ko at naabot ko ang exclusive breastfeeding for more than 6 months para sa baby ko.


Dahil sa experience na to, sinabi ko sa sarili ko na never again akong manganganak sa hospital at magpapa induce na ganun ganun lang.


Kaya dito nagsimula ang paghahanap ko at pagresearch ko for better alternatives to give birth.


Hindi naman ako binigo ng Diyos.


Alam mo ba na sa last na panganganak ko (pang-anim), nagawa ko din ang dream birth ko.


Walang gagawing unnecessary medical interventions kaya unmedicated, walang bad trip na nananakot na midwife, peaceful, undisturbed at all natural.


Ito ang pinakamagandang panganganak na narasanan ko.


Nagawa ko ang lahat para sundin ang Unang Yakap protocol.


Quick drying.


Immediate skin-to-skin contact.


Non-separation of mom and baby with the first initiation of breastfeeding.


Delayed cord clamping/cutting.


Ahhhh…. 


Ito pala dapat ang deserve nating birth experience.


You are in control of your birth.


Ikaw ang bahala sa best position mo para malakas ang pwersa mo.


Ikaw ang bahala sa ambiance, lighting, at mga taong nasa paligid mo.


Ikaw, ang baby mo, ang gravity at ang Diyos ang bida sa panganganak mo.


Hindi ang midwife/nurse/doctor na pagagalitan ka dahil nag-iinarte ka o kaya nahihiya ka.


Hindi ang hospital policy na hindi ka pwedeng magtagal sa delivery room dahil may nakapila pang ibang nanay na manganganak din sa labas kaya hindi na susundin ang Unang Yakap protocol.


Hindi ang delivery bed na pinapatihaya ka sa posisyong salungat sa natural force of gravity.


Alam mo ba na ang posisyon na nakatihaya ka habang nakahiga ang pinaka worst position to give birth? Pero yan ang pinaka-convenient para sa nagpapa-anak sayo. Hindi para sayo ang posisyon na yan. Pero yan ang kadalasang ginagawa kapag nanganganak ka sa mga ospital at birthing centers. Dahil convenient sa kanila. Pero pinakamahirap sayo.


Let’s talk more about that in the next emails.


At isa sa benefit na nakuha ko sa ganitong paraan ng panganganak ko…


Hindi ako nagkaproblema sa pagpapasuso.


Naging smooth lahat.


Walang unnecessary drugs na nag-iinterfere sa post partum hormones na gumagana sa katawan ko.


Walang sakit na dulot ng malalalim na sugat na kailangang pagalingin bago ako magpa breastfeed.


At walang gastos sa pagbili ng formula dahil hindi kumplikado ang pagpapabreastfeed ko.


Higit sa lahat, mabilis din ang recovery process ng katawan ko.


Kaya kung papipiliin ako, uulit at uulit ako sa ganitong paraan ng panganganak.


Simple, hindi kumplikado, malaya, napakaganda.


At ito din ang design ng Diyos para sa ating mga babae.


Sobrang blessed ako at na-experience ko ang birth na to.


Kung gusto mong makita ang birth experience kong to…


Click mo ang link DITO.


Curious ka ba, paano ko nagawa to?


Abangan sa susunod kong kwento.


Pero ang gusto kong isipin mo momsh, kahit ano pa ang pinagdadaanan mo…


Ang lahat ng problema, ay nahahanapan ng solusyon.


Kailangan lang nating maging intentional sa paghahanap ng paraan.


May mga taong pwedeng tumulong sayo.


At may Diyos kang nagbibigay lakas, biyaya at pag-asa sa buhay mo.


Kaya sa bawat laban ng buhay, tuloy mo lang momsh.


Hindi ka nag-iisa.


May Diyos kang hindi bumibitaw.


Mahal ka Niya.


Kaya ginawa ka Niya.


You deserve the be loved.


You deserve to have a beautiful birth and breastfeeding story.


Sana na-inspire kita kahit konti sa kwento kong to.


Have a blessed week ahead!


Nagmamahal,


Mommy Fivemay


P.S. Hindi ko ibig siraan ang mga taong namention ko sa kwento kong ito. Sinasalaysay ko lang pangyayari basi sa personal perspective ko at ayun sa pagka-alala ko. Layunin ko lang ay ang ipamulat sayo na may mga pangyayari sa ating buhay na hindi dapat nangyayari kung tayo ay nagtake control. At kapag tayo ay naging intentional na pag-aralan ang mga mahalagang bagay, pwede nating baguhin ang karanasan upang ito ay maging ka-aya-aya at hindi nakaka-trauma.

undefined


Comments