Gata para sa sakit

Sep 18, 2022 7:50 am

Dear ,


So last week tinamaan na naman kami ng sakit.


Nauna ang mga bata.


Tapos sumunod ako.


Konting sipon at ubo sa simula.


Hanggang sa pumangit na ang tunog ng ubo.


Wala naman fever kaya hindi na ako pumunta ng doctor.


Dahil nga herbalist ako, inom agad ng herbal medicines.


Discliamer: Ang mga home remedies na kinikwento ko sa email na to ay para sa educational purposes lamang. Hindi nito ibig palitan ang reseta or advise ng isang health professional. Kung may nararamdaman kang sakit na sa tingin mo ay nangangailangan ng expert’s advise, kumonsulta agad sa kanila.


Anyway, anong halaman ang suki mo sa sipon at ubo momshie?


Sa akin ito: oregano, mayana, at gata.


Oo, freshly squeezed gata.


Alam mo ba na ang gata ay mayaman sa MCFAs (Medium-Chain Fatty Acids)?


Ang MCFAs ay saturated or unsaturated fatty acids na mataas ang concentrations na makikita sa mga pagkain tulad ng coconut oil.


Mabilis itong ma-digest ng katawan kaya hindi ito nakakataba.


Ang pinakamarami sa mga ito ay ang tinatawag na Lauric Acid.


Ang Lauric Acid ay naco-convert sa katawan natin at nagiging Monolaurin.


Ang monolaurin ay isang antimicrobial, anti-fungal at anti-inflammatory compound na lumalaban sa ibat-ibang klase ng microorganisms na nagdudulot ng sakit sa ating katawan. 


Kaya sinasabi nila na ang pag-inom ng preskong gata ng niyog ay nakakatulong upang protektahan ang ating katawan mula sa mga impeksyon at viruses.


At base sa aking naging karanasan, epektibo ang gata upang labanan ang viruses at bacteria na nagdudulot ng ubo at sipon.


Ang gata ay mainam din sa pagpapapayat, sumusuporta din ito upang maging malusog ang cardiovascular health ng katawan at ito rin lactose-free.


Ito ang proseso ko ng pag-extract ng coconut milk.


Pagkabiyak ng bao, ipunin ang tubig nito at huwag itapon.


Pagkatapos na makayod ang laman, gamitin ang naipong tubig upang pigain ang gata.


Salain at inumin agad.


Matamis at masarap ang lasa ng freshly squeezed coconut milk.


Kaya kadalasan din itong iniinom bilang vegan milk.


Paano naman ang VCO (Virgin Coconut Oil?)


Ang VCO ay ginagamit upang makakuha ng benepisyong nakukuha sa preskong gata kapag mahirap kumuha ng niyog.


Pwedeng substitute ang VCO kung walang fresh gata.


Pero kung may mapagkukunan ka ng libre (halimbawa, sarili mong tanim), mas mainam kung preskong gata ang gamitin kaysa sa VCO.


Yan ang discovery ko sa paghahanap ng mas natural na solusyon sa mga sakit na nararanasan namin.


Ibinabahagi ko lang dahil baka makatulong din sa iyo.


Ang tanong, magaling na ba kami?


Meron okay na sa mga bata.


Meron din medyo may mana-nakang ubo pa.


Ang boses ko, medyo malat pa.


(Kaya hindi ako nakapag-live or reels kahit isa last week. Madamot ako sa aking bedroom voice hahaha!).


Hindi naman kasi mabilisan ang healing kapag gamit ang natural na paraan.


Nature takes time.


Kaya, it takes more patience din on our part.


Kasama na dun ang tulog habang gusto ng katawan ko.


Healing happens during sleep.


Last week, mas madami ang tulog ko kaysa sa trabaho.


I listened to my body and answered its needs.


Kailangan nya ng tulog, hala sige, tulog galore binigay ko.


Ang katawan natin has the capacity to heal.


Bigyan natin ito ng tamang suporta tulad ng wastong pagkain (nutrient-densed, kilos (exercise), at pahinga, gagaling at gagaling tayo.


Nabibigyan mo ba ng sapat na ganito ang katawan mo momsh?


I hope you do.


So yun...


Ito lang muna for today’s kwentohan.


Ikaw momsh, meron ka rin bang mga paraan to achieve natural healing?


Reply at share ka naman. 


Baka may matutunan din ako sayo.


Naway maging restful ang linggo na to para sayo.


Hanggang sa susunod na email!



Nagmamahal,


Mommy Fivemay




Comments