[Replay] October Fest Webinar Series: The real cost of not breastfeeding
Oct 30, 2022 5:01 am
Dear ,
Did you miss last Friday’s Live Webinar with Doc Marj Sibayan?
Grabe ang value-packed ng discussion namin.
Kung hindi mo pa napapanood…
Catch the Livestream replay here.
Pero grabe talaga ang napulot kong lessons from the webinar.
Hindi ko lubos maisip na umaabot sa 3 Billion US dollars ang nagagastos sa buong mundo dahil sa hindi pagpapasuso (figure from 2019 statistics).
At ang amount na yan ay tumataas pa bawat taon dahil sa inflation at pandemic na nangyari nitong nakaraang dalawang taon.
Nakakalula hindi ba?
Yan ang perang pwedeng matitipid kapagl ang mga nanay ay nagpapasuso sa kanilang mga sanggol.
Can you imagine the impact sa buhay ng bawat nanay, bata at pamilya kung ang bawat nanay ay nagpapabreastfeed?
Isama mo pa dyan ang lahat ng sakit na maiiwasan dahil sa breastfeeding.
Ito ang mga sakit na pwedeng maiwasan para sa mga nanay: breast cancer, ovarian cancer, type 2 diabetes, at marami pang iba.
Sa mga babies naman ay: diarrhea, pneumonia, other infections, etc.
At ito pa ang isang natutunan ko na nakaka-mindblown.
According to studies, ang baby pala ay nagbibigay ng stem cells sa kanyang nanay kapag nadedetect ng kanyang katawan sa pamamagitan ng laway na may namumuong bukol sa katawan ni nanay.
Hindi lang pala si nanay ang puro bigay, si baby ay nagbibigay din kapag si nanay naman ang nangangailangan.
Ang mother-baby relationship ay perfect example ng give-and-take relationship.
Ang selfless ano?
Nurturing the nurturer, and vice versa.
Ang ganda!
Kaya momsh, sa desisyon mong magpa-breastfeed, ang laki na pala ng contribution mo sa ekonomiya ng bansa at ng buong mundo.
Tuloy mo lang at naway, sa pamilya mo, at sa kinabukasan ng anak mo.
Mararamdaman at makikita mo ang bunga ng lahat ng iyong paghihirap.
It is totally worth it.
Inay, you are doing great!
Have a blessed Sunday!
Nagmamahal,
Mommy Fivemay
Here’s where you can get more of Mommy Fivemay:
Get more informative at masasayang posts na makakatulong sa breastfeeding journey mo.
Follow my Facebook Page at The Happy Mommy Blog
Get more immediate and deeper support sa community of like-minded mommies.
Join my exclusive Facebook Group at The Happy Breastfeeders PH
Learn more If you have time to read long posts from my blog.
Visit my website at www.fivemayhuervas.com
Let’s get social!