Kelan ka huling naging proud sa sarili mo?
May 28, 2023 8:01 am
Dear ,
Naalala mo ba kung kelan ka huling nakaramdam na proud ka sa sarili mo?
Hindi yung pride dahil sa mga anak mo.
Yung pride na dahil alam mong may nagawa kang nakaka proud naman talaga.
I’m asking this kasi minsan dahil ang focus natin ay puro sa pamilya lalo na sa (mga) anak natin, nakalimutan na natin ferson din tayo.
Nakikita ko nga kaliwat kanan sa social media mga posts ng magulang sa mga awards ng anak nila sa school.
Nakaka proud naman talaga.
Nakiki-congratulate nga ako kasi accomplishment naman talaga yun ng bata.
At sympre ng magulang.
Hindi ko binabalewala ang napakalaking papel ng magulang sa tagumpay ng mga anak.
Pero gusto ko sanang e highlight na sana bigyan din natin ng pansin ang sariling gawa mo.
Yung tipong proud ka dahil nagawa mo sya sa buhay mo aside sa role mo as a mother or a parent.
For me kasi, lagi naman akong proud sa motherhood journey ko.
Pero nung nakikita ko na ang sarili ko na nag-iinterview ng mga mommies sa blog ko para maghatid ng mga kwentong nagbibigay ng inspirasyon at mahalagang impormasyon.
At yung nakakapagsulat ako ng ganito para makipag-communicate sa yo.
To be honest, ibang level din ang pride na nararamdaman ko sa sarili ko.
Kaya ko pala.
May ginagawa akong nagdudulot din ng saya sa puso ko.
Tapos yung maimbitahan ka sa ibang shows at interviewhin din para maibahagi ko din ang aking kwento, level up pa ang saya.
Tulad na lang ng interview ko sa The New Channel.
Watch the interview here: https://fb.watch/kOIUjJ8Q2o/
At sa The Million Dollar Freelancer.
Watch the interview here sa links below:
Apple: https://podcasts.apple.com/us/podcast/107-the-happy-mommy-freelancer/id1624872493?i=1000612695077
Spotify: https://open.spotify.com/episode/3pXvVqjFbNz7UDjv0W1cvL?si=IiT4qeETQeqCxKBIaHG3-g
At marami pang iba.
Dati kasi, never kong naisip na gagawin ko ang mga bagay na to.
Di ba nga ang lakas ng imposter syndrome ko.
Sino ba naman ako para pakinggan ng tao?
Pero hindi ko namalayan, nagagawa ko na pala sya.
At nung pinakinggan ko ang sarili ko, akala ko mag ccringe ako.
Especially dahil insecure talaga ako sa boses ko kapag nagsasalita ako.
Surprisingly, iba ang naramdaman ko.
Una, hindi ako nag cringe. Maayos naman ang pananalita ko. Dahil siguro kapag passionate ako sa topic na dinidiscuss ko, tumatapang ako.
Pangalawa, I felt genuinely proud of myself. Magbubuhat na talaga ako ng sarili kong bangko. Pero I know that the message that I shared are valuable. And that I hope more people can hear it, hindi lang mothers, kundi pati na mga supporters na meron ang isang mother.
Pangatlo, I wanted to do more. Nakikita ko na dapat talaga mas damihan pa ang venue and spaces to talk more about the things na mahalaga sa ating growth at happiness bilang nanay, at bilang isang indibidwal.
Before tayo naging nanay, we are already a person.
Kaya sana wag natin kalimutan yun.
And that person had dreams and aspirations.
Kaya lang, madalas nakakalimutan ang dreams and aspirations na yun dahil nag shift ang role natin into motherhood.
Hindi naman masama.
It’s natural kasi that we fall into that identity of a mother.
Pero kasi, kailangan hindi natin iniwanan ang identity natin na naging foundation na natin sa simula pa lang ng ating buhay.
Sino ka ba bago ka naging nanay?
Ano ba ang pangarap mo sa buhay bago ka naging nanay?
Pwede mo bang balikan ang pangarap na yun without compromising your role of being a nanay?
Mahirap ba sagutin ang mga tanong na to?
Siguro oo, pero baka kailangan na ding sagutin.
Kasi nung sinagot ko to, I uncovered several layers sa pagiging ferson ko na natabunan dahil buong buo ang pagtanggap ko sa role ko as a mother.
Wala ng iba.
Ang mga pangarap ko hindi na para sa sarili ko.
Umikot na sa pamilya, asawa at mga anak ko.
Hindi ko nasali ang sarili ko.
Pero hindi rin pala maganda ang resulta kapag puro sila ang walang ako.
I got burned out.
I got disconnected to myself.
I got tired of being a mother.
Buti na lang, I learned how to ask for help.
Kaya I learned how to talk to people.
Ask for advise.
Ask for help.
Ask for directions.
Dahil kung ako lang, baka lost pa rin ako hanggang ngayon.
Yan ang beauty of searching for answers, you will eventually find them.
Kung hindi man agad, darating pa din hanggat hindi ka tumitigil.
Kaya gusto kong sabihin sayo .
Keep searching for that lost dream of yours.
Dig deeper sa mga pangarap mo sa buhay.
Work your way towards that discovery of sino ka ba talaga sa mundong ito?
You have a purpose in this world.
More than motherhood.
You are created to do great things.
Maniwala ka.
Kasi sa laban mong yan, Diyos ang iyong kasangga.
Sana magkaroon ka ng chance to feel a different pride about yourself this week.
Kahit patapos na ang buwan ng mga nanay.
Let’s continue to celebrate YOU.
Every single day.
You are worth celebrating.
Nakaka-proud ka na!
Bago ko tapusin ko, I just want to invite you to join us sa ating Mother’s Day Live Interview Series sa Wednesday.
Pakinggan natin ang kwento ng isang dakilang ina, si Mommy Virna.
She’s back to share her journey of overcoming obstacles and struggles when her baby got sick with meningitis.
Kitakits sa Miyerkules, 3PM at The Happy Mommy Blog.
Nagmamahal,
Mommy Fivemay
P.S. Baka naman hindi ka pa naka subscribe sa Youtube channel natin, check mo madami ng videos na pwedeng makatulong sa breastfeeding, natural birth, health and wellness at motherhood journey mo dun.
>>>>Click this link to subscribe to The Happy Mommy Blog Youtube channel<<<<.
Kung naaliw ka din sa panunuod ng TikTok videos, pa follow naman sa bagong account ko. Sasayaw ako, este gagawa ako ng mahahalagang content din sa channel na to 😅
>>>>Click here to follow Mommy Fivemay sa TikTok<<<<