Curious ka ba kung ano ang doula
Jul 02, 2023 6:01 am
Watch the replay of our Father's Day Special Live Interview Series Here:
Dear ,
Last week nagtanong tanong ako tungkol sa kaalaman ng mga nanay tungkol sa isang doula.
Kung sumagot ka sa survey ko, super thank you.
Kung hindi pa, pwede ka pang humabol sa link na to:
https://forms.gle/7xhcuunXZfR47g7u5
Sobrang laking tulong po ng insights na nakukuha ko sa survey na to.
Kaya naman, bilang pagbibigay din ng kaliwanagan kung ano ba talaga ang isang doula, magbabahagi din ako ng simple ideas dito.
What is a doula? What does a doula do? What is the role of a doula?
Yan ang mga tanong na nakapalibot kapag pinag-uusapan ang tungkol sa doula.
May mahabang paliwanag si Google at Chatgpt.
Pero gagawin ko syang simple para mas madaling maintindihan.
Ang isang doula ay tumutulong sa isang nanay.
A doula is also known as a maternal support practitioner.
Nangangailangan ang isang nanay ng taga-suporta sa kanyang pagbubuntis, panganganak at postpartum recovery.
Sobrang importante ng role ng isang doula.
Hindi kasi lahat ng kailangang support ng isang nanay ay kayang ibigay ng isang doctor, or kaya ng midwife. Kaya ang doula ang nagpupuno nito.
Ito ang ibat-ibang klase ng suporta ang pwedeng ibigay ng isang doula:
- Physical support. Sila ang nag-aassist during labor. Nagbibigay ng guidance upang makaramdam ng relief from pain during labor ang isang nanay.
- Emotional support. Ang doula ang nagbibigay ng tuloy-tuloy na emotional support sa nanganganak at sa lahat ng pamilya na kasama sa birthing process ng isang nanay. Ang presensya ng isang doula ay nagpapakalma, nagbibigay confidence at encouragement upang ma-empower ang isang nanay during labor and birth.
- Informational support. Nagbibigay din ang doula ng lahat ng information na kailangan ng isang nanganganak at ng partner nya upang makagawa sila ng decision base sa tama at evidenced-based na information.
- Coordination and communication. Ang doula ang nagbibigay daan sa maayos na daloy ng komunikasyon sa pamamagitan ng nanganganak at sa buong birthing team.
- Partner support. Nagbibigay din ang doula ng angkop na suporta sa partner ng nanganganak during and after pregnancy and birth. They empower the partners upang patuloy din ang pag-bibigay nito ng suporta bilang katuwang sa lahat ng panahon kahit wala na ang doula na tumutulong sa kanila.
Anu-ano ba ang mga halimbawa ng gawaing doula?
- Nagbibigay ng birth class sa mga buntis
- Nagtuturo ng mga comfort measures sa nanganganak at sa partner na tutulong during birth
- Tumutulong sa nanganganak na paghandaan upang matupad ang birth plan
- Tumutulong upang maghanap ng evidence-based information tungkol sa ibat-ibang options na available for pregnancy and birth
- Nagbibigay ng reassurance and encouragement
- Umaagapay sa mga kilos at galaw ng nanganganak during labor
- Nagbibigay confidence sa nanganganak to open conversations with health care providers and make decisions using informed decision
- Tumutulong sa new born care
- Tumutulong din sa postpartum care ng nanganganak
- Tumutulong sa transition into parenthood especially sa mga first time parents
- Tumutulong sa transition ng ibang miyembro ng pamilya
- At marami pang iba
Ano naman ang hindi ginagawa ng doula?
- Kumuha ng blood pressure, mag monitor sa heartbeat ng baby, magkabit ng swero at lahat ng procedures na ginagawa ng isang doctor or midwife
- Maging yaya ng newborn or older kids
- Gumawa ng errands ng pamilya like grocery shopping, magbayad ng bills, etc.
- Magbigay ng advise, just present the facts
- Make decisions on behalf of the birthing person
- Etc.
Para sa akin, ang isang doula ay isang advocate para magkaroon ang isang nanganganak na nanay ng isang magandang birth expererience.
This happens when the birthing person is empowered to stand up for her wishes, confident to go through the process dahil sapat ang paghahanda and learns how to own their birth experience in the way they want it to be.
Ang mga bagay na ito ay hindi na nagagampanan ng isang medical health provider dahil sa dami ng kanilang pasyente at inaasikaso.
Kaya kailangan ng isang special person tulad ng doula to do other support that a birthing person needs.
And it makes a world of difference for a birthing person.
Yan lang muna ang maibabahagi ko.
Sa next email, pag-uusapan naman natin kung ako ba ang benefits na nakukuha kung may doula sa tabi mo during fertility, pregnancy, birth and postpartum recovery.
Kung may tanong ka, reply ka lang ha.
I hope and pray for you to have a blessed week ahead.
Nagmamahal,
Mommy Fivemay
Mommy Fivemay is the founder of The Happy Mommy Blog, the vision of which is to see our children lead happy and fulfilling family lives. Our mission is to make you a happy mom. Because a happy mom makes a happy family.
You can find Mommy Fivemay creating valuable, informative, and entertaining content about breastfeeding, natural birth, freelancing business, health and wellness, motherhood, and parenting through her different social media channels: