Maraming salamat {{contact.first_name}}
Jul 24, 2022 1:01 am
Dear ,
Dahil sa tulong ng dasal mo, naging successful ang surgical operation ni Tatay Romy.
Kaya uuwi na siya bukas sabi ng doktor.
Yehey!
Kaya sobrang thank you dahil you helped us storm the heavens with prayer.
Alam mo pagdating talaga sa parents ko, sobrang over-protective ako.
Kasi gusto ko makasama ko pa sila ng matagal.
Grateful nga ako kasi nandito pa sila.
Nagmamahal sa aming magkakapatid at sa aming mga anak.
Ang swerte ng mga anak ko kasi may lolo’t lola pa silang nang-iispoil sa kanila.
Yung tipong may pasalubong lagi kapag dumarating para bumisita sa bahay namin.
Ang sarap lang tingnan na na-e-enjoy pa ng mga anak ko ang moments na ganito.
Tsaka ang parents ko, both in their 70s, malakas pa at kahit nagkakasakit minsan,
Walang maintenance meds.
At ngayon lang talaga nagkasakit ng ganito ang tatay ko.
Kaya swerte ko, hindi blessed ako dahil may parents pa akong nagmamahal sa akin.
So habang kasama ko pa sila, pinapakita ko na mahal ko din sila.
I serve them.
I honor them.
I allow and receive their love for me.
Automatic na nagsisilbi tayo sa ating mga mahal sa buhay.
Yan ang design sa atin eh.
Automatic din na whenever we can, we honor our parents, we do things that will give them a source of pride and joy, we make them feel proud na anak nila tayo.
Pero minsan nakakalimutan natin na, habang nagbibigay tayo sa kanila…
Kailangan din nilang magbigay sa atin.
Kaya hinahayaan ko silang magbigay sa akin.
At ini-enjoy ko yun.
Yung mga prutas na pinipitas ni Mamang galing sa mga tanim nya,
Yung mga halamang galing sa collections nya…
Yung palay/bigas na galing sa farm ni Tatay…
Kahit ano pa ang bigay nila, pinapasalamatan at ini-enjoy ko yun.
I show them na masaya ako at grateful ako sa pasalubong.
Sa thought pa lang nila na e-save ang isang para ibigay sa akin…
Ramdam ko na ang pagmamahal nila.
Kaya nakikita ko din na masaya sila sa pagbibigay.
Yes, they receive, but they also need to give back.
It’s a full circle.
The act of giving and receiving.
It’s what they call the circle of life.
Or the flow of life.
In order to have life, there should be a flow of life.
Tanong ko sayo, tinatanggap mo ba ng buo ang mga bagay na binibigay ng iba sayo?
Do you allow the experience of receiving in your life?
Kaya nararamdaman ng taong nagbibigay ang satisfaction of giving something away?
Dahil palagi kang nagbibigay, lalo nat nanay ka…
Palaging nagfflow ang energy palabas sayo.
Paano naman ang energy na pumapasok sayo?
Minsan ba naisip mo na kapag tumanggap ka, eh baka ka-selfish-an yun?
O kaya kung ikaw ang binibigyan, feeling mo hindi mo deserve ang binibigay sayo?
Or feeling mo ba minamaliit ka kaya ka binibigyan, donation to the poor kumbaga?
If ramdam mo ang mga yan, baka ikaw din ang sumasabotahe sa sarili mong kakayahang tumanggap ng biyaya mula sa Giver of all gifts.
Ganito kasi yun…
If you are self-sabotaging your capacity to receive,
You will always have that feeling of lack.
Kulang ang budget.
Walang pambili.
Buti pa siya meron, ako wala…
Kung nakakaramdam ka ng ganito.
Baka panahon na para tingnan ang paraan mo kung paano ka tumatanggap.
Kasi, kung gaano ka importante ang magbigay…kasing-halaga sya ng pagtanggap.
Subukan mo to.
When receving (anything, as in anything)...
Instead of saying/thinking na…
“I will accept this, but deep down inside I know I don’t deserve this”, sabihin mong…
“I accept this blessing dahil mahal ako ng Diyos kaya deserve ko ang lahat ng binibigay nya sa akin.”
Or change your belief from…
“I am a sinner, kaya deserve kong parusahan ni Lord kaya mahirap ang buhay ko.” to…
“I am a sinner but the Lord’s love is bigger than my sins kaya I am saved and given the gift to enjoy life to the fullest in whatever circumstance I may be in.”
Or from this…
“Sino ba naman ako para tumanggap, wala akong alam sa buhay/failure ako sa buhay/pinanganak ako sa mundong walang purpose/etc.?”
To this…
“Anak ako ng Diyos. Kahit ano pa ang pinag-gagawa ko sa buhay, mahal niya ako. Kaya deserve ko na mahalin niya.”
Minsan, what you tell yourself, secretly, about giving and receiving…
kahit yung pinaka basic na pagmamahal galing sa Diyos,
are the LIES that distort the image of God in our lives.
Hindi po ako pastora, at hindi po ito homily.
Gusto ko lang e-kwento how God works amazingly sa buhay natin.
And that He has never failed in taking care of us.
And that we are swimming in abundance.
Dahil sobrang generous ng Diyos natin.
Kaya lang, dahil dun sa mga linyahang pinakita ko sa taas…
Natatabunan ang mata natin sa katotohanang, sa mundong ginagalawan natin…
THERE IS NO LACK.
God created everything we need.
Kelan mo huling binilang ang mga biyayang natanggap mo na sa buhay mo?
May activity ako sayo today. Madali lang to.
Kumuha ka ng papel at ballpen.
Sa araw na ito, isulat mo ang mga bagay na meron ka at pasalamatan mo.
Example:
- I’m alive today, buhay ako. Kaya salamat sa buhay ko sa araw nato.
- May tubig akong iniinom. Salamat sa tubig Panginoon.
- May pagkain, damit, bahay, etc. Salamat.
List as many as you can.
Gawin mo to araw-araw.
Isulat mo. Pasalamatan mo.
Train your brain to see the good things.
Train your soul to see the blessings.
And you will recognize the abundance you already have in your life.
And when you see them all around, you will begin to see more.
Kaya magugulat ka na lang…
Ang galing mo ng tumingin ng blessings at ang galing mo ng tumingin sa mga opportunities on how more blessings can flow into your life.
Magagawa mo ba to ?
Gawin mo to mamayang gabi, bago ka matulog.
Para in your sleep, you feel full.
You are assured that God loves you after all.
Because it’s true.
God loves you, in the way you needed to be loved.
Just like how I allow my parents to love me.
Allow God to love you in all His goodness.
You deserve to.
Simply because, anak ka ng Diyos.
Nagmamahal din sayo,
Mommy Fivemay