Happy Father's Day

Jun 21, 2022 10:21 am

image


Dear ,


Paano mo ba mapapasaya si daddy sa special na araw niya?


Nanalo man ng pa-cake o hindi...


Maraming paraan.


Pero ang pinakagusto ko ito.


Focus time.


Napapansin ko kapag nabibigyan ko ng full attention si hubby, masaya sya.


Alam ko dami mo responsibilities at gawain sa buhay at bahay.


Instinct mo na unahin para tapusin ang mga gawain.


Kaya minsan, sa isang araw, nakakalimutan mo na bigyan ng kahit 15-30 minutes full attention si partner.


Nangyayari ba to sa yo?


Sa akin oo.


May mga araw na sobrang ngarag ako sa mga gagawin.


Next time I know, patapos na ang araw at kahit isang 15 minutes na focused discussion ay di namin nagawa ni hubby.


The next day, baka mangyari ulit.


So nagiging pattern sya hanggang sa di nyo na namalayan,


You could be growing apart na.


Nawala na ang connection sa isat isa.


Kaya naman, sa special na araw na to.


Pwede mong ibalik ang moments na magbibigay ng chance for you to reconnect with each other.


Kahit di kailangan gumastos.


Massage mo si hubby ng 30 minutes habang nagkkwento ka ng mga bagay-bagay tungkol sa yo.


While you feel good about being heard, si hubby ay feeling loved din kasi nakatuon attention mo sa kanya.


O kaya kung may hilig syang gawin (hobby) na nakakapagpa-enjoy sa kanya, samahan mo sya.


By supporting his hobby, mararamdaman nya na pinahahalagahan mo pagkatao nya. 


Kaya sinusuportahan mo ang happiness nya.


Pero syempre dapat ikaw ka bonding nya hindi ang barkada.


Agree ka ba?


Haha!


Araw to ng mga tatay.


Tatay=may pamilya=dapat kasama ang pamilya/asawa.


At marami pang pwedeng gawin na hindi kailangang gumastos pero ramdam ni tatay ang pagmamahal mo sa kanya.


Be creative lang talaga.


Sympre iba din yung celebration ng buong pamilya.


Pero alam mo .


Hindi naman kailangan every father’s day lang dapat natin e celebrate ang bawat tatay ng pamilya.


Dahil everyday na nagigising ka, may chance kang iparamdam ang pagmamahal sa partner mo.


Everyday pwede mong ipakita sa partner mo na na a-apreciate mo sya.


Kasi alam mo, kung naka focus ka sa appreciation at sa positive aspects ng isang tao.


At ini-express mo ang appreciation at grateful ka sa lahat ng yun…


Mas nag-ggrow sya into becoming better everyday.


Gusto ng partner mong na-aafirm sila.


Gusto nila na nakikita at narerecognize mo ang ginagawa nila.


Gusto nila na grateful ka.


Kaya shower him with positive appreciation and affirmation.


Yung hindi bola ha.


Yung galing talaga sa puso mo.


Kung ano yung palagi mong sinasabi, mama-magnify yun.


Lalaki yun, dadami yun.


Alala mo yung sinabi ko sa words are powerful?


“Ang sipag mo.”


“Ang sweet mo.”


“Ang responsable mo.”


Ito ang mga positive words (and truth) na gusto natin ma-magnify.


“Ang tamad mo.”


“Ang insensitive mo.”


“Ang hina mo.”


Iwasan natin to, kasi baka, yan ang magiging totoo.


At ang isa pang powerful na pwede nating magawa para kay daddy…


Prayers.


Ipagdasal natin mo si partner.


Sa bawat araw na umaalis sya para maghanapbuhay.


Pray for him.


Give your blessing to him.


Ask God for guidance and protection for him.


Hindi naman perfect si tatay.


Parang tayo lang, bilang nanay.


Ang mahalaga, habang binibigyan mo ng love ang sarili mo.


Nag-ooverflow ka sa kanya at sa buong pamilya mo.


At para sayo na walang partner sa anumang kadahilanan.


Ang email na to ay para din sayo.


Kasi sa buhay mo, hindi ka naman nawawalan ng tatay.


Kaya gawin mo to sa tatay (kahit father figures) ng buhay mo.


You are made of love.


Show love to your lolo, tatay, partner, hubby.


Not just today.


But every single day.


Life is short.


Sulitin na natin.



Live in love every day,


Mommy Fivemay


P.S. Panuorin nyo ang kwentohan namin ni Mommy Audrey. Shinare nya kung paano ang support ni hubby ang nakatulong at nakapagbigay sa kanya ng confidence boost nung malapit na syang sumuko sa breastfeeding. Click this link para sa video.


Comments