🎄 December and birth, what’s special about them (for me)?🎄

Dec 04, 2022 6:42 am

Dear ,


Welcome to December!


Grabe ang bilis ng panahon!


Parang kelan lang nung sinalubong natin ang bagong taon tapos ngayon patapos na sya.


Tapos kapag December, alam mo na, celebration mode on na tayo.


Hindi lang dahil sa pagdiriwang ng pasko ng mga Kristiyano, kundi for celebrating the year that have passed.


Personally, marami akong pinagdidiriwang tuwing December.


Aside sa usual reasons na nabanggit ko sa taas, pinagdiriwang ko din kasi ang kaarawan ng aming bunso.


Inaamin ko espesyal kasi talaga sa akin ang home birth experience namin ng bunso ko.


Pero alam mo ba may nakakatawang kwento pa kami dyan.


December 25, nag alsa balutan ako kasi nag-away kami ng asawa ko.


Nagkasagutan kami kasi sa hindi ko namamalayan, sobrang stressed na ako dahil sa pressure.


Pressure ko sa sarili ko at ng mga tao sa paligid ko.


Alam mo yung tanong na “Kelan ka manganganak?” being asked to you 1 millionth times.


Kahit ako tinatanong ko na din sa sarili ko yan.


Kasi may takot pa din ako sa puso ko na baka hindi maging maayos ang panganganak ko.


O kaya baka ma overdue. Etc. Etc.


Mga salitang malimit ko ng narinig nuon.


Mahirap talaga ma un-learn ang mga bagay na ilang taon ding binuo ng society sa utak mo.


Kaya nakaka-pressure talaga.


So may more kwento pa ako.


December 25, after nung batian ng Merry Christmas, may nagtanong ulit sa akin.


“Kelan ka manganganak? Sigurado ka bang sa bahay ka lang manganganak? Hindi na safe yan sayo.”


Dito na pumutok ang bulkan ng emotions ko. 


Hindi ko na napigilan ang pressure. 


Anxiety, stress, fear, excitement. Halu-halo na.


I had an emotional breakdown.


Kaya nung tinanong ako ng asawa ko at sinabi ko sa kanya.


Lumabas din sa kanya na pressured din pala sya.


Especially sa decision kong mag home birth.


Takot sya. 


Dahil hindi sya nag participate sa coaching ko.


Hindi nya naintindihan ang wisdom ng decision ko.


Ang Bradley Method of Childbirth is also called the “Husband-Coached Natural Childbirth”.


May emphasis sa role ng husband.


Pero dahil hindi sya sang-ayon sa gusto ko never syang nag join sa coaching session namin ng birth coach ko.


Pero okay lang sa akin.


Katawan ko, desisyon ko. Ganern.


Pero mahirap din pala.


Kaya ang bigat ng dinadala kong emotional weight at dun sya sumabog nung malapit na akong manganak.


Kaya sinabi ng emotional outburst ko “Kung ayaw nyo akong bigyan ng safe space para manganak dito sa bahay natin, maghahanap ako ng ibang bahay where I feel safe and supported.”


May ganung drama.


Si asawa naman: “And tigas ng ulo mo. Kung gusto mong mag take ng risk, bahala ka, hands off na ako dyan. Ihahatid na lang kita kung san mo gustong pumunta.”


O di ba, drama rama sa pasko.


Kaya nag impake agad si ako. Habang umiiyak.


Dahil nasa high emotional state na ako, hindi na ako nakikinig sa reason.


Kinakausap ako ng mamang at tatay ko.


“Wag kang magpadalos-dalos.”


“Baka sa daan ka manganak.”


“Mas delikado na mag travel para sayo.”


“Etc.”


Waley, determinado ako.


I’m gonna show them! Ika nga.


I contacted one of the members of my birth team.


Taga Cagayan de Oro sya.


May nakausap na kasi akong mga taong gusto kong kasama sa birth team ko.


I asked her if pwede ako sa bahay nila.


Being a supportive friend, pumayag naman sya.


Kaya confident na talaga akong lumayas.


So ayun na, impake, impake.


Ito namang bunso ko that time, hindi nya naiintindihan ang nangyayari kasi 1 year old pa lang sya nun.


Akala nya nakikipaglaro ako sa kanya.


Kaya ang bawat damit na pinapasok ko sa bag, binabalik nya sa cabinet.


Tuwang tuwa pa sya kasi hinahabol ko sya at binabalik ko naman sa bag ang mga gamit na kinukuha nya.


So paulit-ulit kami ng ginagawa. 


Hindi ako natatapos kaka-impake.


Ang mamang ko na tahimik ng nanunuod, pigil na pigil na ang tawa sa antics nya. Hahaha!


Kung hindi lang ako highly emotional nung time na yun, baka humagalpak na din ako ng tawa.


Pagkatapos kong mag-impake.


Kumalma na ako.


Kaya nakinig na ako sa reasons ng parents at in laws ko.


Hanggang gumabi, hindi na bumalik ang outburst ko.


Sabi ng tatay ko, bukas ng umaga, mag exercise tayo.


Morning walk. 


Para bumaba ang baby sa tyan ko.


Kinabukasan, December 26.


Maaga akong nagising para sa usapang morning walk.


Sinamahan ako ng nanay at tatay ko.


Sa paligid lang. 


Mga isang oras na lakad, akyat, paikot sa covered court ng barangay namin.


Nung gabing yun, lumabas na si baby.


Sa sarili kong bahay.


Kasama ang mga mahal ko sa buhay.


Kung alam mo na ang birth story ko.


Yun na yun.


Pero kung hindi pa, pwede mong basahin dito sa POST na to.


O kaya panuorin ang video na to.


https://youtu.be/F25P5n1q4vY


Di ba ang ganda?


Para sa akin, napakaganda ng birth experience ko na to.


Kaya sobrang espesyal ang December para sa akin.


May karanasan akong binabalik-balikan.


Siguro, ito din ang naramdaman ni Mama Mary nung nanganak sya.


Hindi nga lang home birth ang sa kanya, stable birth pa.


With all the animals na naging witness nya.


Pero wala namang naging kumplikasyon di ba?


Because that’s how God design birth to should be.


Kristiyano ka man o hindi, kung titingnan mo ang kwento ni Mama Mary.


Makikita mo ang isang mensahe ng pasko na hindi nabibigyan ng pansin.


Yun ang panganganak ni Mary in an undisturbed (peaceful), unmedicated, and safe way.


Para sa akin, bilang babae, bilang ina…


Na nakaranas ng ibat-ibang klase ng panganganak…


Nakikita ko ang underlying but powerful message from the nativity story.


Birth can be simple, safe and beautiful.


Sa mga Kristiyano pa nga, ang birth na yun ang isang napakalaking biyaya ng sangkatauhan.


And I believe, kung nagawa kong maranasan ang ganyang klaseng birth…


Despite sa pananakot at ibang turo ng society natin ngayon…


Nagawa ko syang ipaglaban.


Kahit nahirapan ako.


Nakita mo naman na kahit sa sarili kong pamilya ay hindi sila sang-ayon.


Dahil takot sila.


Hindi ko sila masisisi.


Pero dahil alam kong pinaghandaan ko ang birth na yun, confident ako sa sarili ko.


Nagtiwala ako sa kakayahan ng katawan ko.


Kaya kinaya ko.


Ikaw ba mommy, may kwento ka ba ng pakikipaglaban sa buhay?


Paano mo ba hinarap ito?


Kwento ka naman.


Reply ka sa email ko.


Hindi ko man narereplyan lahat, binabasa naman lahat ng emails nyo sa akin.


Madalas ang mga karanasang ganito ang nagtuturo sa atin ng mga mahahalagang aral sa buhay.


Kaya kung ramdam mong nasa labanan ka ng buhay ngayon .


Wag kang susuko.


Malalagpasan at matatapos din ang laban na yan.


At naniniwala akong, magtatagumpay ka.


We have a God who loves us no matter what we do.


We have a God who loves us kahit nadadapa tayo.


We have a God who loves us dahil nakikita natin ang pagmamahal nya sa buhay natin.


Let’s end this year with a grateful heart.


Let’s celebrate life and all the blessings (including trials).


Because life, (yours, mine, theirs), is worth celebrating for.


Have a wonderful week ahead!



Nagmamahal,


Mommy Fivemay









Comments