Last week’s round-up
May 07, 2023 6:01 am
Dear ,
Grabe ang first week of May, hiningal ako!
Ang daming naganap.
First, naglaunch ako ng merch para sa Mother’s Day celebration.
Click HERE if you want to see what’s inside the box.
Click HERE if you want to order one for yourself or another beloved mom in your life.
Ibinalik din namin ang Live Interview Series sa page at isa na namang hitik sa learnings at masayang kwentohan ang nangyari sa interview ko with Doula Aren.
Click HERE to watch the interview if you missed it.
Tapos to end the week with more celebrations, I also celebrated my birthday nung Friday.
I just had a few close friends and family over. It was a simple and intimate birthday celebration.
Sa lahat ng yun, sobra din akong napagod.
Hindi pala madali maglaunch ng merch.
Kailangan e consider ang design, supplier, packaging, pricing, marketing, at higit sa lahat, ang demand ng market.
Kailangan may tamang strategy at enough time to prepare.
Eh…..
Pinilit ko kasing mailabas ang merch before ng birthday ko.
Kahit gahol sa oras at kulang sa pulidong strategy, I applied the “Just get it done” principle para masimulan ang project na to.
Matagal ko din inoverthink ang project na to.
Kaya nagahol din sa oras kasi nga, ang dami kong inisip at hindi ako nag take action agad.
Pero nung malapit na ang deadline ko sa sarili ko, ginawa ko na lang.
Bahala na si Batman!
Kaya yun, hindi perfect, pero nairaos ang launch ng merch na The Happy Mommy Box.
So kumusta naman? Nag succeed ba? Nag fail ba?
Tama ka, the launch was a failure. Huhu.
Pero nagsisisi ba ako na ginawa ko sya?
Hindi!
Kasi kahit napagod ako. Kahit napagastos ako (sa capital). Kahit nagmukhang tanga ako.
Marami naman akong natutunan.
At ang lessons na yun ay walang katumbas na halaga.
Lessons from success are good.
But lessons from failures are more impactful.
So anu-ano nga ba ang mga learnings ko sa karanasang ito?
- Do market research first bago ka gumawa ng isang produkto. May demand ba sa produktong ito or wala. Kung wala, next. Hanggat mahanap mo ang produktong may malaking demand.
- Kung wala ka masyadong alam sa mga ganitong bagay, it’s either you learn more about it (DIY, the long cut) or hire an expert on the matter (the short cut).
- Price your product in a way na hindi ka malulugi. Consider all the costs involved in production, marketing, overhead, etc..
- If what you are selling is mission-drive, sell the message and not the product. Kapag may malalim na mission ang isang brand o produkto, hindi na tumitingin ang bumibili sa presyo kundi ang hangaring makatulong at sumuporta sa misyong ito.
- Talk to the right market using a message that resonates and connects them.
- Risky pala magbenta ng mga produktong nababasag, like a mug. Pwedeng hindi tanggapin ni courier or magsa-sign ka ng waiver na walang obligasyon si courier kung mabasag ang produkto mo. At magagastosan ka pa ng malaki sa packaging para ma-ensure na hindi talaga mababasag ang produkto mo.
- Know your suppliers. Compare prices, quality, and efficiency of supplies.
- People will come to help you, in whatever form you need. Ask for these people. The universe will send them to you.
- Fail forward.
So after ba nito titigil na ako?
Of course not. I’m just getting started.
At dahil I have a great team behind me, alam ko, we’ll improve.
We’ll do better.
Kaya abangan mo yan ha.
At sa puntong ito, gusto ko naman hingin ang tulong mo.
Pwede mo bang sagutin ang tanong kong ito?
Kung gagawa ako ng merchandise para sa isang nanay na tulad mo na sa tingin mo ay makakatulong upang mapagaan ang iyong buhay, ano ito?
Walang mali o tamang sagot ha. Suggest lang ng suggest.
Tapos REPLY KA sa email na to para makita ko mga suggestions mo.
Salamat mommy. Super appreciate your help today.
Kaya naman nag-uumapaw pa rin ang puso sa lahat ng pagmamahal na ipinaabot sa akin sa birthday ko.
Ramdam na ramdam ko na maraming nagmamahal sa akin.
And I openly and gratefully receive those wishes, prayers, and love.
When I do, I overflow.
I need to receive so I can also give.
Sobrang salamat sayo .
Isa ka sa pumupuno ng love tank you.
You, being here, reading this message today, is an expression of love.
You, greeting me a happy birthday, sending wishes to the universe, and blessing me, is an expression of love.
Kaya I embrace and receive those blessings.
Sisikapin ko na sa maliit o malaking paraan, maibalik ko ang pagmamahal na yun sa iyo.
Stay with me in this space.
I love to hang out here with you.
Nagmamahal,
Mommy Fivemay
P.S. Abangan mo pala ang live interview ko with Mommy Jeanne on Wednesday, 3PM sa The Happy Mommy Blog.
Turn on notifications to know when we go live.
See yah!