Nagpo-procrastinate ka ba?
Sep 25, 2022 8:10 am
Dear ,
May mga gawain ka bang dinidelay mong tapusin?
O mga gawaing iniiwasan mong gawin?
O kaya, last minute mo nang gagawin kaya cramming ka na?
Kaya ang ending, either hindi mo sya ginawa, hindi tinapos, o kaya nag fail dahil delayed mo syang ginawa.
Ang tawag dito ay procrastination.
Aaminin ko, palagi akong nagpoprocrastinate.
Lalo na pag ayaw ko sa ginagawa ko.
Tulad ng pagtitiklop ng labahan.
Hate na hate ko ang mag-ayos ng mga damit sa cabinet.
Masakit sa likod at nakakaantok.
Okay lang sa akin maglaba, o kaya maglinis, o kaya maghugas ng pinggan.
Wag mo lang ako pagtiklopin ng gabundok na damit.
Kaya sa lahat ng gawain sa bahay, ito ang pinaka-dinidelay kong gawin.
Habang marami pa akong excuse (ibang gawaing bahay), never ko syang gagawin.
Saka ko na lang sya gagawin kapag meron akong hinahanap na damit na hindi ko mahanap kahit saan.
Relate ka ba momsh?
Ang behavior na to ay tinatawag na procrastination.
Ano ba ang procrastination?
Procrastination is the act of delaying or putting off tasks until the last minute, or past their deadline.
Bakit ng ba tayo nagpo-procrastinate?
Ito ang kadalasang excuse natin kaya tayo nagpo-procrastinate:
- Hindi mo alam kung ano ang gagawin
- Hindi mo alam kung paano gawin
- Ayaw mong gawin ang dapat gawin
- Wala kang pakialam kung magagawa ang isang bagay o hindi
- Wala ka sa mood para gawin ang isang bagay
- Naging habit mo na ang maghintay hanggang huli na ang lahat
- Naniniwala kang mas gumagaling ka kapag gumagawa ng under pressure
- Iniisip mong kaya mos yang gawin kahit last minute
- Kulang ka sa push para magsimula
- Nakalimutan
- Sinisisi mong may sakit ka
- Naghihintay ka ng tamang tiyempo
- Kailangan mo ng oras para mag-isip tungkol sa mga dapat gawin
- Marami kang mas dapat unahin na gawain
Ano ang nagiging epekto ng procrastination sa buhay natin?
- Nakaka-stress kapag hindi mo nagagawa ang dapat mong gawin
- Gumugulo lalo ang buhay mo
- Nagkakaroon ng problema sa relationships dahil hindi mo nagagawa ang expectations ng iba
- Problema sa trabaho or negosyo dahil hindi mo nagagawa ang mga bagay na kailangan mong gawin.
- Dismayado sa sarili
- Unti-unting mawawala ang kumpyansa sa sariling kakayahan
- Depresyon
- Etc.
Sa una, baka isipin natin, konting katamaran lang ang nangyayari…
Pero kapag tumagal, baka lolobo ito papunta sa isang malaking problema.
Kaya mas mainam na kapag napansin mo ng madalas ka ng nagpo procrastinate, suriin na ang sarili upang hindi lumala ito.
Unawain kung saan nanggaling ang procrastination mo.
Magtanong ka, mag research, humingi ng tulong sa mga eksperto para sa simula pa lang, pwede mo ng masolusyunan ito.
Paano nga ba labanan ito?
Gumawa ako ng listahan na baka sa maliit na pariin, makatulong din sayo.
Disclaimer: Hindi ako eksperto sa behavioral psychology. Nakwento ko ang bagay na to dahil personal ko ding naranasan ito. Ang aking munting paliwanag ay upang makatulong upang maintindihan at maging aware ka rin tungkol sa bagay na ito. Pero kung may problema kang mahirap ng solusyunan ng DIY tips na makikita mo dito or online, humingi ng tulong sa mga eksperto.
Ito ang pwede mong gawin sa ngayon kung napapansin mong may tendency ka ng magprocrastinate:
- Gumawa ng “To-do” list. Ito ay makakatulong upang maging klaro at specific ang bawat gawain na naka-schedule sa bawat araw mo. I suggest na gawin mo ang listahang ito sa gabi bago ka matulog. Dahil ang utak mo libre pang mag-isip ng mga bagay para gawin kinabukasan. Ihiwalay mo ang pag-iisip sa paggawa. Dahil kung gagawa ka ng listahan sa simula ng iyong araw, may tendency kang ma-overwhelm. So umaga pa lang, feeling overwhelmed ka na sa pag-iisip na ang dami mong gagawin kaya you end up not doing anything or confused ka kung ano ang uunahin during the day. Kung sa gabi pa lang, nag-isip la na ng mga dapat gawin, kinabukasan, diretso ka ng sa paggawa. Wala ng isip-isip. Susundan mo na lang ang nasa listahan mo. Kaya kapag maaga pa lang, marami ka ng check sa listahan mo, bubuti ang pakiramdam mo. Feeling accomplished ka lang kahit maaga pa. Kaya sa buong araw mo habang nauubos ang gawain sa listahan mo, productive ka talaga.
- Gawin mong maliliit ang bawat gawain. E-break down mo ang malalaking gawin sa maliliit na gawain para hindi ka ma-overwhelm sa laki ng trabahong dapat mong gawin. Ang maraming maliliit na hakbang, kapag pinagsama ay magreresulta ng isang malaking accomplishment. Dadami ang magagawa mo kaya hindi ka na mag-procrastinate.
- Alamin ang mga warning signs. Kapag nakakaramdam ka ng mga senyales na nagpo-procrastinate ka, maging aware ka para magawan mo ng aksyon agad. Oooops, parang papunta na sa procrastination to, maka u-turn nga. Ganern. Kapag kilala mo ang kalaban, mas mapag-handaan mo kung paano ito labanan.
- Tanggalin ang mga distractions. Aaminin ko, isang malaking distraction din sa akin ang social media. Kung katulad kita, ta kapag may malaking gawain kang dapat tapusin, wag muna mag scroll sa social media hanggat hindi natatapos ay iyong gawain. Kung hindi ka distracted at focused ka sa ginagawa mo, madali kang matapos at hindi mo ito iprocrastinate.
- Apprciate yourself. Kapag nakakatapos ka ng isang gawain, appreciate mo ang sarili mo. Sabihin mong “congrats self” may one check ka na sa listahan mo. Wag mong hintayin na ang ibang tao ang mag-recognize sayo. Ikaw na mismo ang mag-appreciate sa sarili mo. Wag kang mahiya, you deserve it. Kapag ina-appreciate mo ang sarili mo, mas gaganahan kang umiwas sa procrastination.
Ilan lang ito sa pwede mong gawin upang maiwasan ang procrastination.
May senyales ka ba ng procrastination?
Kahit nagkakaroon tayo ng mga ganitong tendencies, okay lang yan momsh.
Tao lang tayo.
Pero ang maganda, pwede tayong magbago at mag-improve sa sarili natin.
Tulad ngayon, kaya late ang email ko na to, dahil nag procrastinate ako.
Sorry naman, tinamad lang talaga ako. Haha!
Pero ito, bumabawi at ginawa ko din.
Hindi ko naman pala talaga kayang hindi makapagpadala ng mensahe sa iyo sa araw na to.
Kaya momsh, okay lang na may kahinaan tayo.
Sikapin mo lang na magbago at iimprove ang sarili mo.
We have room for improvement.
Kaya bubuti at bubuti ka din.
Sana makatulong itong munting mensahe ko sayo momsh.
Kaya natin to momsh!
Kapit at laban lang.
Nagmamahal,
Mommy Fivemay