May sakit si baby?

Jul 10, 2022 1:01 am

image


Dear ,


Last week was a challenge for me dahil may sakit ang isa kong baby.


Ang 4-y/o baby boy namin.


Pabalik-balik na lagnat. Sa hapon at gabi.


Kapag nagkakaroon ng lagnat ang baby or any adult sa pamilya.


Isang symptom yan na may nakapasok na hindi mabuti sa katawan.


Kaya natural reaction ng katawan ang pataasin ang temperatura ng katawan upang ang immune system ay gumana sa pakikipaglaban sa kung anumang banta sa katawan.


Personally, ang ginagawa ko bago magpainom ng pampababa ng lagnat ay ito:


  1. Hilot. Naniniwala kasi ako na kapag may mga konting problema sa buto-buto at ugat ng katawan dahil sa pagkalaglag ug kung anuman, kahit anong inom ng gamot, hindi gumagaling habang hindi naaayos ang problema sa katawan. Kaya ako, bago pumunta sa doctor, pumupunta muna sa hilot.
  2. Papaya leaves extract. Ang papaya leaves extract ay madalas ginagamit na pang-increase ng platelet kapag may sakit na Dengue. Pero para sakin, ginagamit ko to dahil mainam sya sa cellular repair kaya mas mabilis ang recovery kapag may sakit. Tinutulungan nito ang immune system upang mas maging malakas dahil mas mabilis ang paggawa ng bago at pag-repair ng cells sa katawan.
  3. Coconut milk. Nalaman ko na mainam pala ang coconut milk para panlaban sa mga viruses at bacteria sa katawan dahil sa lauric acid na meron ito. Kaya habang marami namang available dito sa amin, pinapainom ko na ang may sakit ng gata ng niyog.
  4. Electrolyte water. Para maiwasan ang dehydration. Kapag mainit ang temperatura ng katawan, mas kailangan din ng fluids para hindi mag dehydrate si baby. Kaya gumagawa ako ng home made electrolyte water. (Reply to this email kung gusto mo ng recipe, pero marami din sa Youtube kaya pwede din mag search kung paano gawin ang electrolyte water dun.
  5. Unli breastfeed. Ito pinaka favorite ko. Kaya kahit more than 1 year na nag wean si Junior, binalik ko sya sa breast. Ang katawan kasi natin ay napakatalino. Nalalaman nito sa pamamagitan ng laway sa nipples kung anong klaseng virus or bacteria ang pumasok sa katawan ni baby. Kaya gugagawa ito ng antibody specific to the type of pathogen na kailangan nyang labanan. Galing di ba? Hindi mo na kailangang magpainom ng antibiotics sa baby dahil ang breastmilk mismo ay may buhay na antibodies na. At alam mo bang ang isang kutsarita ng breastmilk ay may higit 3 million germ-killing antibodies? At isang benefit pa ng breastfeeding, hindi ako natatakot na mag dedehydrate si baby dahil palagi syang may fluid intake. At nutritious na pagkain na din. Kaya ang breastmilk at all in one. Food, water, medicine, TLC in one. Kaya kahit hindi na ako kumportable, tiniis kong ipa-breastfeed si Junior para gumaling sya sa sakit.


Awa ng Diyos, gumaling si Junior kahit konting paracetamol lang ang napainom ko.


Disclaimer: Hindi ako isang doctor o trained health professional kaya anumang naisusulat ko dito ay hindi medical advise. Ito ay base lang sa aking sariling karanasan. Kung may sakit ang baby mo, desisyon mo pa din kung dadalhin mo sya sa doctor.


Ayun, so as of this writing, may isang baby na namang pumalit kay Junior.


Kaya nurse/quack doctor mode naman ako.


Hirap talaga kapag may sakit ang baby mo di ba?


Nag-aalala at halos di ka makatulog.


Pero ako kasi, kalmado akong tao.


Ang tagal kong mag panic.


Kaya kapag hindi ka nagpapanic, mas nakakapag-isip at nakaka-pag desisyon ka ng tamang gagawin.


Kaya Mommy , wag masyado magpa-stress at mag-panic kapag nagkakasakit si baby.


Normal na nagkakasakit sila habang lumalaki.


At hindi mo kasalanan kung bakit.


Alam mong ginagawa mo ang best mo pero may mga bagay na beyond your control.


Sickness happens.


Life happens.


Pero palaging may solusyon sa problema mo.


Madalas, nasa paligid mo lang ang solusyon.


Dahil meron ng binigay si God sayo.


Gamitin mo kung anong meron ka.


Dahil nanay ka, madiskarte ka.



Praying for you,


Mommy Fivemay


P.S. Kung hindi mo napanood ang live interview ko kay Mommy KC nung Friday tungkol sa freelancing at kung paano kumita kahit nasa bahay lang, panuorin mo dito sa LINK na to.

Comments