Happy Father's Day🎉🎉🎉
Jun 18, 2023 6:01 am
Watch the replay of our Father's Day Special Live Interview Series Here:
Dear ,
Father's Day na naman.
Mainit ko pong binabati ang lahat ng tatay sa iyong buhay.
Paano mo ba magagawang extra special ang pagdiriwang ng araw na to?
Marami namang paraan.
At hindi kailangang magara o magastos.
Ang pinakamalaga ay ang intensyon mo to make it meaningful and joyful para sa pinag-aalayan ng pagdiriwang na to.
Pero alam mo, over the past two weeks that we've been interviewing our daddies, ito pinaka malaking lesson ko.
What our hubbies/partners/father-figures need from us as wives and partners is...
R-E-S-P-E-C-T
Sobra palang napakamahalaga ito sa kanila.
Alam ko binibigay naman natin to.
Alam natin na nasa bible ito.
"Ephesians 5:33: However, each one of you also must love his wife as he loves himself, and the wife must respect her husband."
Honestly, ako personally, may mga times na nakakalimutan kong maging intensyonal sa pagbibigay nito.
There are times that I take "giving respect" for granted.
Kaya hindi maiiwasan na nakakaramdam din ang asawa ko na nasasapawan ko na sya sa karapatan at papel nyang maging lider ng aming pamilya.
Sorry po.
Kaya ito ang challenge ko sa sarili ko.
Yun ay maging intensyonal, at maging aware sa mga kilos at salita ko bilang asawa.
Dahil gusto kong maramdaman ni hubby na I respect him with all my heart and soul.
At sa mga maliliit na bagay maipapakita ko yun.
Hindi lang ngayong araw ng mga tatay.
Kundi sa araw-araw na pamumuhay.
Kasama din sa malaking papel nating mga babae ang ipagdasal ang ating mga asawa.
Ito din ang palagi kong naririnig na payo mula sa mga mag-asawang kilala ko na nananatiling malakas at matibay ang pag-sasama.
Proven and tested formula na nila.
Prayers are really powerful.
Kaya dasal ko para sa iyo , para sa iyong partner sa buhay at sa buo mong pamilya...
Ang matanggap mo ang lubos na biyaya ng pamilyang masayang nagsasama, sa hirap man o ginhawa.
Naway magawa mong extra special ang araw na to.
At sa bawat araw na nabibiyayaan ng bagong gising.
Have a blessed, joyful and meaningful Sunday, Father's Day and coming week mga momshies!
Nagmamahal,
Mommy Fivemay
Mommy Fivemay is the founder of The Happy Mommy Blog, the vision of which is to see our children lead happy and fulfilling family lives. Our mission is to make you a happy mom. Because a happy mom makes a happy family.
You can find Mommy Fivemay creating valuable, informative, and entertaining content about breastfeeding, natural birth, freelancing business, health and wellness, motherhood, and parenting through her different social media channels:
Mommy Fivemay also promotes healing of the gut through her product Kefir Grains which you can order here:
https://shopee.ph/product/51076110/22965954423/