Breastfeeding support
Aug 07, 2022 4:01 am
Dear ,
Sa pagpapatuloy na ating pagdiriwang ng Breastfeeding month ngayong buwan ng Agosto,
Nais kong pag-usapan natin ang kahalagahan ng breastfeeding support para sa success ng iyong breastfeeding journey.
Matanong ko lang, kanino ka ba kumukuha ng suporta sa iyong pagpapasuso?
Nakakatanggap ka ba nito o hindi?
Ang isa sa pinakamahalagang tao na makapagbibigay sayo ng suporta sa breastfeeding ay ang iyong asawa/partner.
Kung single mom ka, pwedeng tumanggap nito mula sa kahit sinong miyembro ng iyong pamilya (nanay, tatay o kapatid mo).
Alam mo kasi mommy, kahit sabihin pa nating may superpowers tayo bilang nanay…
Hindi naman tayo perpekto.
Lalo na ang isang nanay na kapapanganak lamang.
Hindi biro ang dinadanas ng isang bagong panganak na nanay.
Aside sa sakit sa katawan na nararamdaman, meron pang ibat-ibang hormones na nagsisilabasan sa katawan kaya nawiwindang ka sa iyong nararamdamang emotions.
Dagdagan pa ng feeling na may isang buhay na umaasa sayo na nangangailangan ng kalinga mo.
Di ba mahirap naman talaga.
Pero kapag merong mga taong nakakapalibot sayo…
Nagmamahal sayo…
Nag-aalaga din sayo…
Sumusuporta at nag-eencourage sayo…
Kakayanin mo di ba?
Alam ko sa kultura nating mga pinoy, hindi tayo expressive sa feelings natin.
Kaya minsan, kahit sobra ka ng nahihirapan, tiis to the highest level pa rin.
Tapos iyak na lang sa tabi kapag walang nakatingin.
Ganyan ka din ba mommy
Ganyan kasi ako dati.
Dahil nasanay ako na kimkimin at itago ang aking nararamdaman.
Kaya naman, ang asawa ko, walang ka muwang2 na depress-depressan na pala ako.
Wala syang idea sa nangyayari sa akin, dahil hindi ako nagsasabi.
Feeling martyr, mamatay akong martyr.
Kawawa naman mga anak kong maiiwan.
Buti na lang, natutunan ko na sa pagiging ina, hindi natin kailangang mag-isa.
Kaya nga meron tayong kasama sa buhay, para pagtulungang harapin ang mga pagsubok lalo na sa pagiging magulang.
So natuto akong magsabi na aking pangangailangan.
“Pakilagay naman ng unan sa likod ko.”
“Pabili naman ng masarap na ulam, yung may sabaw.”
“Penge naman ng tubig/snack gutom/uhaw ako.”
“Massage mo naman likod ko ang sakit na talaga.”
“Patulugin mo naman si kuya/ate.”
“Hele mo naman si baby, ligo lang ako.”
At kung anu-ano pa.
Mga munting bagay.
Pero nakakagaan ng pakiramdam.
Nakakadagdag sa kumpiyansa mo sa sarili na minamahal at inaalagan ka.
Kaya kumpyansa ka ding mag-alay ng pagmamahal mo sa iba, lalo na sa baby mo.
Kaya kahit minsan nahihirapan ka, nagsusumikap kang malagpasan at magpagtagumpayan ang hinaharap mong pagsubok.
Lalo na sa pagpapasuso.
Yan ang nagagawa ng suporta na galing sa mahal natin sa buhay.
Sabi nga ng speaker dun sa sinalihan kong DugNay nung Friday…
“Babies ARE blessings, NOT burdens.” - Nanay Ana Doak of Nanay Anay Youtube Channel
Kung gusto mo palang mapanuod ang video ng mga nanay na nagsama-sama at nagsabay-sabay na magpasuso para ipakita sa buong mundo ang kahalagahan ng breastfeeding sa buhay ng bawat nanay at bata...
Na-inspire ka ba?
Saya lang di ba?
Nameet ko ang maraming nanay at naramdaman kong sa pagiging nanay, hindi ako nag-iisa.
Kasama ako sa nakararami.
At importante ang ginagawa ko.
Iyan din ang isang suporta na pwedeng makuha mo sa isang komunidad.
Kapag mas marami tayo, mas marami din tayong mahihikayat na ibang nanay.
Marami pang community na pwede nating pagkuhanan ng suporta.
Meron online, tulad ng Breastfeeding Pinays at ang The Happy Mommy Blog sa Facebook.
Meron din yung sa barangay level.
May mga breastfeeding counselors din na lumilibot sa inyong lugar para tulungan ka.
Pwede ka din kumuha ng suporta mula sa mga kaibigan at kapwa nanay.
Yung sagutin lang ang mga tanong mo.
O kaya pakinggan ang mga hinaing mo.
Sapat na yun.
Ramdam mo ng pinahahalagahan ka.
Kaya maniniwala ka din sa sarili mong, mahalaga ka.
Kung ang bawat nanay sa buong bansa o sa buong mundo ay naniniwala sa kakayahang magpasuso, ang laking bagay ang magagawa nun buhay ng bawat isa.
At kapag ang bawat nanay ay magtulungan, malayo ang ating mararating.
Pero para sa akin, kahit isang nanay lang muna ang tulungan natin.
Magsimula tayo sa kaibigan, kapitbahay o kapamilya na nakikita mong nangangailangan ng tulong mo.
Ikaw at ako, may magagawa.
Sabi nga ni Nanay Ana, ang isang munting kawanggawa, ay malaki ang nagiging impact sa buhay ng isang inang tinutulungan.
Halimbawa, kung may pinsan/kapitbahay/kasamahan sa trabaho/etc. na bagong panganak…
- Bisitahin mo at ipagluto mo ng pagkain
- Linisin ang bahay
- Labhan ang mga labahin
- Hugasan ang pinggan
- Bantayan si baby para makatulog si nanay
- Bantayan ang older kids para walang istorbo sa pahinga ni nanay
- Kung marunong, bigyan ng lactation massage si nanay
- Etc.
Kahit isa or dalawang beses mo lang gawin to.
Sigurado ako, mararamdaman mo ang saya sa natulungan mong nanay…
Sasaya ka din dahil naramdaman mong nakatulong ka.
Maliliit na bagay.
Pero ang laki ng impact sa buhay ng isang nanay.
Kaya mo bang gawin to mommy?
Sana subukan mo gawin minsan.
Dahil kapag sama-sama tayo, kahit anong bigat ng pinapasan natin sa buhay…
Nagiging magaan.
Alam mo ang surpresa kapag ginawa mo to…
Makakalimutan mo ang sarili mong problema.
Makikita mo pa kung gaano ka ka swerte at blessed sa buhay.
Kaya challenge ko sayo mommy…
Labas ka, mangapitbahay ka.
Kung nakatanggap ka ng sapat na suporta sa iyong breastfeeding journey…
Pay it forward, mag-alay ka din ng suporta para sa iba.
Malay mo, ikaw lang pala ang hinihintay nya para magbago ang kanyang buhay.
Baka ma-surpresa ka, kasama ka sa pagbabago nya.
As God blesses you, you turn to others to offer your blessings.
Have a blessed Sunday!
Nagmamahal,
Mommy Fivemay