What's your encounter with God this week?

Sep 10, 2023 6:01 am

Dear ,


So today, let's talk about God encounters.


Share ko lang that over the last 6 weeks, I was in a program that helped me grow into a deeper relationship with God.


I was baptized and raised as a catholic kaya my beliefs are anchored in the catholic church.


But personally, I really want to have that relationship with God na mas malalim pa.


Yung pwedeng pwede ko syang kausapin anytime at kahit anong topic.


As a full time mom and wife and business owner, madalas kasi nahihirapan along marinig ang boses ni God.


Ang dami-dami kasing ingay sa paligid, minsan maingay din sa loob ng puso at isipan.


Madalas din, may mga bagay akong ginagawa na hindi na kasama si God.


Although sure naman ako na lahat ng bagay na ginagawa ko kay full support si God.


Pero yung awareness na parte si God sa lahat ng mga plano, gawain at pangarap ko ay parang may disconnect.


Aminin ko, madalas ako tumatakbo sa Diyos kapag in trouble ako.


O kaya may hinihinging sagot sa dasal.


Nagpapasalamat naman ako lagi sa lahat ng blessings pero bakit ang feeling ko ay ang layo ko sa kanya?


Kaya naman ninais kong mapalapit sa Diyos.


At ito ang top 3 realizations ko over the course of 6 weeks that I took the journey of knowing God in a deeper way by learning back scriptures and listening to the word of God:


  1. I am a dearly loved child of God. Basic yun. Kahit ano pa man ang mga pagkakamali, failures at kakulangan ko sa buhay, never nawala ang katotohanang iyan. Ako ay anak ng Diyos. Na ako ay mahal ng Diyos. Kilala nya ako. At gusto nya ding mapalapit sa akin. Gusto nyang ipaglaban ang aking mga ipinaglalaban. And even at my rock bottom. Mawala man ang lahat sa buhay ko, one truth will remain. I am a dearly loved child of God.
  2. God has been faithful to me since day 1. Sa mga panahong nakakalimot ako. Sa mga panahong naging suwail ako. Sa mga panahong matagumpay ako. Sa mga panahong nawawala ako. God was there. He has never left my side. He was with me every time. Crying with me.. Consoling me. Celebrating with me. Guiding me. And will continue to do and be so until forever. God is faithful all the days of my life.
  3. My sins have been forgiven when Jesus died on the cross. I admit and accept that I am a sinner. Who isn't? Pero maraming panahon na kahit pinatawad na ang mga kasalanan ko, paulit ulit ko pa ring pinarurusahan ang sarili ko. I know that God redeemed me with his blood. Pero parang hindi ko sya ramdam talaga sa buhay ko. Kasi naniwala akong ang mga kasalanan ko ay hindi sakop ng redemption na hatid ng kamatayan ni Jesus. Mas madali ko pang mapatawad ang ibang tao kaysa sa sarili ko. Alam mo yung linyahan sa mga pelikula "I will never forgive myself if...". Linya ko din yan. Kaya parang ang hirap mag establish ng open at trustful na relationship kasi my sins are holding me back. Pero si Hesus, tanggap ako ng buong-buo at umaapaw pa nga ang pagmamahal na binibigay nya sa akin.


Tatlo lang ito pero hindi lang ito ang mga natutunan ko sa aking paglalakbay.


Sobrang blessing talaga sa akin na naranasan ko ang pagbabalik kilala sa sarili at sa Diyos.


HIndi pa naman perpektong bukas na bukas ang communication lines ko sa Diyos.


I am a work in progress.


I will always be a work in progress.


But I am God's masterpiece.


Kaya nagsisikap akong maging attentive sa mga pangyayari sa buhay ko.


Maliit man o malaki, sana makita ko palagi ang presenya ng Diyos.


Because these moments are actually, encounters with God.


Kahit sa mga panahong may problema ka, it is an invitation to see how God will work it out for you.


O kahit ang ulan, ibon, o araw, ay mga imbitasyon to experience God.


Hindi naman nag-eexpect si God ng bonggang karanasan.


There is intimacy in little things.


So this coming week, I encourage you.


Look and see beyond what the eye can see.


Nanjan lang si Lord, naghihintay na pansinin mo.


Take a moment to be aware.


Ask yourself.


Is this God talking to me?


You might be surprised by what you'll hear and discover.


Game?


Share mo naman sa akin dito kung may isang moment of God encounter ka ha.


Would love to read your story.


Excited ako para sayo!



Nagmamahal,


Mommy Fivemay


-------------------------------------------------------------------------------------------


Mommy Fivemay is the founder of The Happy Mommy Blog, the vision of which is to see our children lead happy and fulfilling family lives. Our mission is to make you a happy mom. Because a happy mom makes a happy family.


You can find Mommy Fivemay creating valuable, informative, and entertaining content about breastfeeding, natural birth, freelancing business, health and wellness, motherhood, and parenting through her different social media channels:


Facebook Page

Youtube 

TikTok 


Comments