Nalulungkot ka ba {{contact.first_name}}?
Jun 26, 2022 1:01 am
Dear ,
Nakaranas ka na ba ng PPD?
Ano yarn?
PPD = Postpartum Depression
Kapag nanganak ka, maraming emotions ang pwede mong maramdaman.
Saya, excitement, takot, anxiety, mood swings, etc.
Ito yung sinasabi nilang baby blues na nangyayari within the first 2 weeks of birth.
Pero meron ding tumatagal ng more than 2 weeks…
Na kapag hindi pinansin or naagapan, ay maaaring mahulog sa depression.
Bilang bagong panganak, ang dami mong iniisip at inaasikaso.
Aside sa physical healing mo…
Kailangan focus kay baby.
Sa breastfeeding, pagpapatulog, at pag-aalaga sa iba pang anak kung meron.
Kaya madalas, mas inuuna ang pangangailangan ng iba kaysa sa sarili.
Kahit may mabigat kang nararamdaman sa katawan, puso at isipan mo.
Tapos hindi mo naiintindihan kung ano ang dahilan…
At ayaw mo namang maging pabigat sa partner/asawa o sa pamilya.
Kaya minsan napapaiyak ka ng walang rason.
Nalulungkot para sa sarili.
Naiinis sa sitwasyon ng buhay.
Nagagalit sa konting kadahilanan.
At feeling guilty ka sa lahat ng ito…
Alam mo ...
Baka yan lang yung sinasabi nilang baby blues.
Valid ang emotions na yan mi.
Normal na mararamdaman pagkatapos manganak.
Sabi ng nakakatanda, mawawala din yan.
Paano kung mas malala pa diyan?
At di nawala kahit graduate na sa college si bunso?
Disclaimer lang: Hindi ako expert sa ganitong bagay. Hindi ako psychiatrist or graduate ng any medical related course. Ang ibabahagi ko lang dito ay ang sarili kong karanasan, opinion at research sa PPD.
Pero nakikita at naririnig ko kasi madalas sa mga nanay na nakakaranas sila ng ppd.
Which naging experience ko din sa 11+ years of being a mother.
Kaya naisip kong pag-usapan natin dito.
Since safe place naman itong living room ko.
Kung nagdududa kang merong kang depression…
Sabi ni mayoclinic, ito ang mga sintomas nito:
- Depressed mood or severe mood swings
- Excessive crying
- Difficulty bonding with your baby
- Withdrawing from family and friends
- Loss of appetite or eating much more than usual
- Inability to sleep (insomnia) or sleeping too much
- Overwhelming fatigue or loss of energy
- Reduced interest and pleasure in activities you used to enjoy
- Intense irritability and anger
- Fear that you're not a good mother
- Hopelessness
- Feelings of worthlessness, shame, guilt or inadequacy
- Diminished ability to think clearly, concentrate or make decisions
- Restlessness
- Severe anxiety and panic attacks
- Thoughts of harming yourself or your baby
- Recurrent thoughts of death or suicide
Kung meron ka sa mga sintomas na ito, kelan ka dapat humingi ng tulong?
- Kapag hindi sya nawala pagkatapos ng 2 weeks after birth
- Kapag lumalala ang sintomas
- Kapag nahihirapan ka nang alagaan si baby
- Kapag nahihirapan ka ng gumawa ng kahit simpleng gawaing bahay
- Kapag nakakaisip ka ng saktan ang sarili mo or ang baby mo
- Kapag nakakaisip ka ng isuko ang laban ng buhay
Sobrang importante pumunta sa doktor or isang eksperto sa field na to para mabigyan na nararapat na tulong at treatment.
Kasi kapag pinabayaan at hindi binigyan ng pansin, baka lumala pa.
Alam ko mahirap gawin ang step na to kasi marami ka ring dadaanang proseso sa sarili mo.
Isa na dito ang pag-acknowledge at pagtanggap sa sarili na something is wrong with you.
Ito ang pinakamahirap gawin kasi madalas…
Ayaw nating tanggapin na mahina tayo.
Ayaw din natin ipakita sa ibang tao ang kahinaan natin.
Ayaw mo din masabihan ng aarte arte lang.
Kaya tiis hanggang lumala.
Saka pa hihingi ng tulong, which may already be too late.
Kapag natanggap mo na at naamin sa sarili na may problema ka at kailangan mo ng tulong, parang naipanalo mo na ang laban ng 50%.
Ibig sabihin, handa ka ng lumaban.
Handa ka ng humarap sa anumang pagsubok.
Handa ka ng gumawa ng mga bagay upang maibalik mo ang kontrol sa buhay mo.
Kahit gaano pa kahirap yan.
Dahil dyan, darating at magkikita kayo ng mga taong magiging instrumento (counselor, doctor, psychiatrist, friend, family, etc. ) upang ang tulong galing sa Diyos ay mapasayo.
Then your road to healing can finally start.
Hindi magiging madali.
Pero gagaan.
Buti na lang sa experience ko
Hindi ako umabot sa puntong ito kasi nawala din sya eventually.
Ano ang pinaka nakatulong sa akin?
Gratitude.
Fill your heart with gratitude.
Looking, finding, recognizing, counting all the blessings that you already have in your life…
Will fill you with gratitude.
And gratitude is an antidote to sadness.
Kaya kung anuman ang sitwasyon na meron ka right now ...
Ipagpasalamat mo.
Napapagod ka kakaalaga kay baby?
Be grateful.
Dahil kung walang baby, wala kang nayayakap, nahahalikan, napapatulog, napapa-breastfeed, etc.
Walang pambili ng diaper?
Be grateful.
Kasi kung may pambili ka, nadagdagan ang basurang natatapon sa kalikasan.
Buti na lang walang diaper at naging creative ka sa patitipid kung paano gumamit ng mga lumang damit, lampin, ni-repurpose na disposable diapers.
May sakit ka?
Be grateful.
Kasi kung si baby ang may sakit, mas mahirap sayo yun.
At sobrang dami pang circumstance na pwede nating bilangin as blessing in disguise at pasalamatan.
Remember, what you focus on grows.
Kung ang focus mo ang blessings, mas dadami pa yan.
Your attention and focus on something is like a message to the universe that you want more of it.
Kaya yun ang ibibigay niya.
Universe: “Aba palaging nagpapasalamat to sa lahat ng blessings nya, big or small, palaging grateful. Dagdagan ko pa nga ang blessings ng taong to.”
Ganern!
Beware ka din sa palaging pagcocomplain.
Baka damihan pa ni universe ang pagbibigay ng mga bagay na ka complain complain sa buhay mo.
O kung palagi mong sinasabi na wala akong pera, the universe hears and will remove all opportunities for you to have and grow money.
Kaya kung may pinagdadaanan ka ngayon sa buhay…
Be grateful.
And if symptoms persist, visit a doctor.
Okay ba mi?
Kung may kwento ka tungkol sa PPD.
Share mo naman at kung paano mo na overcome.
Para ma share ko din ang lessons (hindi ang story mo) sa ibang mommies na nangangailangan din pala ng tulong.
Thank you for reading this far .
Hanggang sa susunod na kwentohan
Nagdarasal para sayo,
Mommy Fivemay
P.S. Baka hindi mo pa na ddownload ang FREE Hacks and Tips To Help You Make Breastfeeding Successful, click these links below to get your PDF Copy:
1. 13 Hacks for Breastfeeding Outside the Home
2. 9 Ways to Increase your Milk Supply
3. 14 Tips for Safe Breast Milk Storage
4. 19 Self Care Tips for Breastfeeding Moms
5. 13 Essential Breastfeeding Supplies and Investment To Make Nursing Easier