Whenever I see boys and girls…

Sep 04, 2022 5:13 am

image




Dear ,


Bilis ng panahon no?


Sikat na ulit ang kanta ni JMC.


Ilang buwan na lang magpapasko na.


Kumusta mga ganap mo sa buhay?


Nakapag adjust na sa face to face classes ng mga chikiting?


Kami oo, may routine na.


May mga kakulangan pa rin pero tinatanggap ko na.


Bawal tayo ma stress mii, may pinapabreastfeed tayong baby.


Pwede naman ma stress pa minsan minsan, pero wag lang nating dalasan. :-)


Anyway, dahil malapit na ang pasko, may bago kaming regalo sa inyo.


Kung hindi mo pa nakikita, gumawa kami ng bagong Facebook group na tinatawag naming…


The Happy Breastfeeders PH


Napansin ko kasi na dumarami na ang mga stalkers natin sa page na may hindi magandang intention.


May ganun pala talaga, mga taong mapagsamantala.


At ayokong malagay sa alanganin ang mga followers natin sa The Happy Mommy Blog.


Kaya gumawa ako ng safe na community na pwede kang mag post, mag rant, mag tanong, mag share, sumagot, at makipag kaibigan sa ibang mommies na katulad mo.


Meron din tayong mga pa contest na exclusive lang sa loob ng group mangyayari.


Maglalagay pa rin ako ng content sa Facebook Page natin.


Magsusulat pa rin ako ng emails linggo-linggo.


Pero ang exclusive Facebook Group ay para sa ating lahat.


Hindi lang ako ang pwedeng mag post at share ng content.


Hindi lang ako ang pwedeng sumagot ng tanong.


Hindi lang ako ang pwedeng magbigay ng suporta.


Tayong lahat ay pwedeng gawin yun.


Gawin nating tambayan, maritesan, paaralan, at kung anu-ano pang pwedeng gawin para mabuild at mapalago natin ang isang safe at supportive community ng mga breastfeeding mommies.


Sana suportahan mo din ang initiative na ito mommy {[Name}}.


Maasahan ba kita dito?


Bukas, magbubukas na ang pinto ng exclusive Facebook group natin.


Kaya REQUEST TO JOIN GROUP ka na mii.


Invite ka din ng mga kaibigan mong buntis at breastfeeding.


Excited ako sa bagong milestone nating ito!


Kitakits sa loob!



Nagmamahal,


Mommy Fivemay


P.S. Taos-puso kong pasasalamat sa lahat ng mommies na iwinagayway ang bandila ng pagiging proud padede moms. Bayani ka inay! Let’s continue to show up ang make #breastfeedinginpublicisnormal

undefined


Comments