Bakit nagpapagaling ang breastfeeding?
Aug 14, 2022 1:01 am
Dear ,
Meron akong kwento.
Hindi ito advise ng isang medical professional pero ginagawa ko to.
Alam mo ba na kapag nagkakasakit ang breastfed babies ko dati, lalo na kapag hindi pa sila 6 months, hindi ko sila pinapainom ng kahit na anong gamot?
Kapag may lagnat, walang paracetamol.
Gumagaling.
Kapag may sipon at ubo, walang over the counter meds.
Gumagaling.
Anong binibigay ko?
Breastmilk.
Wala ng iba.
Unli-latch. Feed on demand. Comfort feeding.
Bakit confident akong gagaling ang baby ko?
Dahil ang gatas ng ina ay kumpleto para sagutin ang lahat ng pangangailangan ng isang baby.
Kasama na ang gamot kapag nagkakasakit.
Oo, hindi lang pagkain at nutrients ang meron sa gatas natin.
Buhay na anti-bodies ay napakarami din.
Ganito kasi yun…
Kapag may sakit ang baby natin, nalalaman ng katawan natin kung anong klaseng pathogen meron sa kanyang katawan sa papamagitan ng laway kapag sumususo sya sa atin.
Dahil napakatalino ng breast at nipple natin, magpapadala sya ng mensahe sa utak natin kung anong klaseng sakit ang dumapo sa anak natin kaya sya nakakaranas ng sintomas.
Dahil sa mensaheng yun, ang utak natin ang magdedecide kung anong panlaban or antibody ang kanyang ipapagawa sa ating katawan ang ibibigay kay baby sa pamamagitan ng gatas bilang lunas.
Kaya sa bawat sakit na meron ang baby natin, specific na antibody ang pwede nyang gawin para labanan ito.
Sa bawat bacteria at virus na pumasok sa katawan ni baby, may kaukulang antibody para lumaban ang ginagawa ng ating katawan.
Ang gatas ng ina ay hindi Rx, hindi trial ang error kung uubra ba o hindi.
Ang gatas ng ina ay sigurado at specific ang nilalabas na gatas para panlaban sa sakit na meron ang baby natin.
Kahit nga covid-19, kayang gumawa ng panlaban ang katawan natin.
Marami nang pag-aaral ang ginawa tungkol dito.
Pero para sa akin, na prove ko to nung kaming lahat sa pamilya ay nagkasakit ng covid-19.
Gusto mo bang basahin ang article na sinulat ko tungkol sa kwentong ito sa Smart Parenting?
CLICK this LINK para mabasa mo ang article na naisulat ko
Another proof gusto mo pa?
Meron naman akong experiment kung paano nagbabago ang gatas mo kapag may sakit si baby.
CLICK this LINK again para malaman ang resulta ng experiment ko.
O di ba, sobrang amazing talaga ng breastmilk.
Ginagawa ko ang pag research tungkol sa mga bagay na to dahil nakita ko sa older kids kong hindi breastfed ang epekto ng sobrang antibiotics sa katawan nila.
Aside sa sobrang mahal ang gamot ngayon, nag ssuffer din ang katawan at ang overall health ng anak ko dahil bugbog sarado sa gamot na pinapainom ko.
Nagsisisi man ako dahil huli na ng nalaman ko ang mga bagay na to para sa older kids ko, blessing pa din dahil binigyan ako ni Lord ng chance to do better sa younger kids ko.
Hindi man nagiging perpekto ang lahat, unti-unti namang bumubuti.
Bilang isang ina, alam ko gusto mo ring ma-ibigay ang pinaka-best sa anak mo.
Alam mo mommy , sa breastmilk mo pa lang, sobrang best of the best na ang binibigay mo.
Hindi lang blessing ang mga anak natin.
Blessing din tayo sa kanila.
Higit sa lahat...
You are blessed dahil babae ka.
You are blessed dahil nanay ka.
You are blessed dahil nagpapa breastfeed ka.
Naway magpatuloy ang blessings na dumating sa iyong buhay.
Happy Sunday!
Nagmamahal,
Mommy Fivemay