4 Things Your Gynecologist Won't Tell You Preview

Nov 20, 2022 8:01 am

Dear ,


Let’s be "uncomfortable" today.


May mga bagay kasi na kadalasan ayaw nating pag-usapan because it makes us uncomfortable and awkward.


Ang email na to ay hindi sinasadya upang manira ng ibang tao. Ito ay for educational and informational purpose lamang. 


Kayo pa rin po ang maghuhusga kung naaayon ba ito sa karanasan at paniniwala mo at kung makaka-apekto ba ito sa future decisions mo sa buhay.


Pwede po palawakin pa ang kaalaman mo sa pamamagitan ng research at education.


Sa ngayon, share ko lang kung ano ba ang mga bagay na hindi sayo sinasabi ng ob mo.


1.Your manner of birth can have an impact on your sex life. 


Your doctor knows everything about the physical, physiological, and (maybe financial) aspects of your pregnancy and birth. 


But often, the psychological and emotional aspect is overlooked, especially during postpartum recovery.


In one way or another, kahit sex life nyong mag partner ay naaapektohan ng hindi nyo namamalayan. 


Agree or disagree? 


Aminin mo mommy, may nagbago ba ng very very slight sa iyong sex life after you gave birth? 


Madalas hindi natin ito pinag-uusapan kasi awkward. Nasa culture din nating mga pilipino na kapag awkward ang topic, iwasang pag-usapan dahil nakakahiya di ba? Baka ikaw lang ang ganyan kaya suffer in silence na lang. 


Bakit ko tinatanong to? 


Observations ko lang sa mga kakilala kong nanay na nakaranas ng ganito. 


Kinikwento kasi nila how their sex life was affected after sila na operahan (cesarean birth). 


Siguro marami ding ibang factors ang nakaka apekto sa sex life ng isang couple at hindi lang dahil sa sugat sa tyan. 


Pero dahil hindi napapag-usapan, kahit may problema na pala, hindi nahahanapan ng solusyon kasi in the first place, hindi na acknowledge na may problema pala.


At isa ito sa mga bagay na hindi sayo sinasabi ng mga doctor during prenatal visits.


Pero pwede mong itanong ito sa kanila kung gusto mo.


2.Pitocin can never replace Oxytocin. 


Kadalasan, sinasabi sayo na overdue na ang baby mo kaya kapag hindi ka pa naglalabor, ni rerecommend ng doctor ang induction by giving you Pitocin.


Pitocin is a synthetic drug that functions like Oxytocin, to induce labor. 


Ang Oxytocin hormone ay naturally produced by our own body. At dahil matalino ang katawan natin, alam nito ang tamang timpla na kailangan lang ng katawan natin. Especially during labor. 


Ang artificial drugs (like Pitocin) na ginagamit to induce labor ay depende lang sa judgement ng doctor ang dosage. Kaya trial and error din ang administration. Adjust adjust kapag masyadong marami or masyadong konti ang naibibigay. 


Ano ang nagiging epekto nito sa nanay? 


Aside from undue stress, unmanaged pitocin induction can result to sever labor pains na pwede pang magka resulta sa uterine abruption o ang pagkalas ng placenta before delivery. 


Ang epekto naman nito sa baby ay maging unstable ang kanyang heart rate dahil sa pwersahang contractions sa matres kaya pwede din syang mag fetal distress kaya madalas, cesarean section pa rin ang ending na intervention.


Ang trabaho naman ng Oxytocin during labor, hindi pwersahan. Swabe lang, according to what your body needs.


Kaya never mapapantayan ng any artificial drug ang bisa ng Oxytocin.


Kapag nag decision ang iyong doctor to induce you for birth, ask everything about it. The whole procedure. The pros and cons. The side effects. Everything you need to know to make an informed decision.


3.Giving birth on your back is not easy for you, just easy for them. 


Supine position. Ito ang position kung saan nanganganak kang nakahiga sa (delivery bed) at nakakabukaka ang dalawa mong paa. Alam mo ba na ang position na to ang worst position to give birth? Dahil nilalabanan mo ang force of nature sa ganitong position. Ang force of nature na malaking nakakatulong during birth is gravity.  So instead na tutulungan ka ni gravity na pababain ng mas mabilis si baby, hindi nya magagawa ito kasi nakatihaya ka. Saka hindi mo rin mailalabas ng todo ang iyong lakas dahil sa position mo pa lang parang helpless ka na. You are not in control. Kaya madalas, ang resulta, you are still not in control. Dahil nahihirapan ka na, pati si baby nahihirapan na din. You might end up getting another medical intervention. Which is cesarean delivery, their favorite option.


Pero bakit ito ang normal practice sa mga hospital at birthing centers?


Dahil magiging madali ang trabaho ng doctor/midwife kapag nakabukaka ka sa harapan nila. Period.


Kaya kung gusto mong maging in control at magkaroon ng pangmalakasang pwersa during labor and birth, ask to give birth in the position that you feel most strong at. Hindi kailangang sa position na gusto nila.


4.Good nutrition during pregnancy can prevent and even reverse health complications. 


Ito ang pinaka-importanteng bagay na dapat matuunan ng pansin during pregnancy. Through eating and drinking well, you are ensuring that you and your baby is at your best health possible. Kaya malayo kayong magkaroon ng complications during pregnancy and birth. 


Kaso ang madalas ding nangyayari, kapag may naramdaman kang medical condition during during pregnancy, like high blood pressure, ang decision agad ng doctor is to have your birth via c section. Ang bilis ng decision without telling you the pros and cons ng ganung intervention. 


Pero if you further seek to learn more and educate yourself, malalaman mong pwede namang ma control at ma reverse ang condition mo with proper nutrition, exercise and preparation.


So kung may medical condition ka during pregnancy, seek for more help and support from people who knows how to help you. Ang ob kasi ay hindi nila expertise ang nutrition. Kaya hanap ka ng mas nakakaalam sa mga bagay na to.


Isipin mo mommy, you have the power to experience God’s gifts in the most beautiful way. 


Like pregnancy, and birth.


Kaya kapag may nagsasabi sayo na hindi mo kaya, wag kang maniniwala. 


Hindi lahat ng sinasabi nila sayo ay totoo.


Minsan ang nagsasabi sayo ay wala ding alam sa katotohanan.


Educate yourself.


Prepare yourself.


Empower yourself.


Deserve mo yan. 


Dahil mahal ka ng Diyos.


Have a blessed week ahead.



Nagmamahal,


Mommy Fivemay


Here’s where you can get more of Mommy Fivemay:


Get more  informative at masasayang posts na makakatulong sa breastfeeding journey mo. 


Follow my Facebook Page at The Happy Mommy Blog


Get more immediate and deeper support sa community of like minded mommies.


Join my exclusive Facebook Group at The Happy Breastfeeders PH


Learn more If you have time to read long posts from my blog.


Visit my website at www.fivemayhuervas.com


Let’s get social!


Facebook

Instagram

Youtube


Comments