Saan ka humuhugot ng lakas {{contact.first_name}}?
May 21, 2023 8:01 am
Dear ,
Kumusta naging celebration mo ng Mother’s Day?
Ako medyo na natutukan nung linggo dahil nasa biyahe ako.
Pero I felt very special pa din dahil sa dami ng bumati at umalala sa espesyal na araw nating mga nanay.
Kahit tapos na ang mismong araw ng mga nanay, gusto ko pa ring ipagpatuloy ang pagdiriwang na ito.
Dahil hindi lang dapat isang araw sa isang taon inaalala at sini-celebrate ang motherhood.
We want to be celebrated every single day.
Agree po ba?
Kaya naman, sa The Happy Mommy Blog, patuloy ang pagbibigay natin ng pugay sa mga nanay.
At sa nagdaang linggo, isang napakagaling na nanay ang ating nakakwentuhan.
Kung hindi mo pa napanuod ang interview natin kay Mami Ruth…
CLICK mo ang link na to:
https://fb.watch/kFwef5vWEx/?mibextid=cr9u03
Sobrang saya at punong-puno ng inspirasyon at kaalaman ang kwento ni Mami Ruth.
At ang isang lesson na tumatak talaga sa puso’t isipan ko ay ang pagkakaroon nya nga lakas ng loob sa pagharap ng mga challenges nya sa buhay.
Especially when it comes to giving birth.
Sa 8 birth experiences nya, naka-dalawang water birth si Mami Ruth.
At may home birth experience din sya kung saan kahit nahirapan sya dahil first time niyang gawin, napagtagumpayan pa rin nya.
Ang sikreto nya:
“Lakas ng loob lang talaga”.
“Walang ibang makakatulong sayo kundi ang sarili mo, kaya kailangan maging malakas at matibay ang loob mo”.
Grabe, nakakabilib si Mami Ruth!
Eh ikaw , saan at paano ka humuhugot ng lakas ng loob?
Share mo naman at gusto ko ring matuto sa diskarte mo.
Reply ka lang dito dahil excited akong basahin ang kwento mo!
Pero wait, sa susunod na Miyerkules, pakinggan naman natin ang kwento ni Mommy Emerald.
Siguradong ibang level na naman ng lakas ng loob at tapang ang maririnig natin sa kwentong homebirth nya.
Kitakits ha.☺️
Wednesday, May 24, 3-4PM.
Sending you prayers and wishes for a good week ahead.🙏🏽🙏🏽🙏🏽
Nagmamahal,
Mommy Fivemay
P.S. Baka naman hindi ka pa naka subscribe sa Youtube channel natin, check mo madami ng videos na pwedeng makatulong sa breastfeeding, natural birth, health and wellness at motherhood journey mo dun.
>>>>Click this link to subscribe to The Happy Mommy Blog Youtube channel<<<<.
Kung naaliw ka din sa panunuod ng TikTok videos, pa follow naman sa bagong account ko. Sasayaw ako, este gagawa ako ng mahahalagang content din sa channel na to 😅
>>>>Click here to follow Mommy Fivemay sa TikTok<<<<