Kumusta ka {{contact.first_name}}?

Sep 11, 2022 5:12 am


image


Dear ,


Break muna tayo sa usapang breastfeeding.


Meron lang akong kwento.


Last year kasi (August-September) buong pamilya ko, tinamaan ng covid.


Matapang ang personalidad ko.


May mga takot ako sa buhay.


Pero lumalaban ako.


Nung panahon na yun, noon lang ako nakaramdam ng takot na abot hanggang langit.


Na isolate kami nun sa bahay, kaya ang main caregiver ay ako.


Nauna kasing tinamaan ang mga anak ko.


Tapos sunod-sunod na.


From preparing the meals, medicines, and early treatment, to giving massages, at puyatang pagbabantay…


Sumuko din ang katawan ko.


Bumaba ang immunity ko kaya kahit kumakain ako ng masustansyang pagkain…


Tinamaan pa din ako.


Pero mabilis lang kami nag bounce back ng mga anak ko.


2-3 days lang, nawala agad ang fever, may ubo pa at sipon, pero active na ulit.


Dahil bumagsak ako, ang hubby ko ang naging main caregiver.


And the same thing happened to him.


Kaya sya ang pinaka last na tinamaan sa pamilya namin.


But he was hit the worst.


Naalala ko sa mga panahong yun…


Habang nasa isolation center si hubby, at wala pang kasiguradohan kung ano ang kahihinatnan nya…


A lot of people were dying around the world, kasama na mga kapitbahay, kamag-anak, kakilala…


Nakailang beses akong nag breakdown.


Minsan kapag nag-iisa ako.


Minsan kahit nasa harap ng mga anak ko.


Naalala ko pa kung paano nanginginig ang aking buong katawan at kalamnan kapag inataake ako ng takot.


I was so torn from wanting to take care of my husband sa isolation center and from the worry of leaving my children behind.


Walang ibang mag-aalaga sa kanila.


Naka isolate pa din kami that time kaya walang pwedeng pumasok sa bahay.


Nung time na yun, pinili ko ang maging ina.


Over the top naman ang guilt ko bilang asawa dahil naisip ko…


Sa panahon na kailangang- kailangan ako ng asawa ko, wala ako sa tabi nya.


Buti na lang, hindi pa rin kami pinabayaan ng Diyos.


May mga anghel pa rin syang pinadala to help us get through that dark time in our life.


Dun ko nakita kong gaano ka powerful ang spirit of fear.


Pipilayin ka nya, yung feeling mo wala ka ng lakas para tumayo mula sa pagkakalugmok.


Magbubunga din sya ng maraming negatibong emosyon kapag binigyan mo sya ng espasyo sa puso at isipan mo.


Guilt. Kasalanan ko kung bakit mahina resistensya ni mister.


Self-doubt. Masama akong nanay, hindi ko pinapakain ng sapat ang mga anak ko kaya nagkasakit sila.


Hopelessness. Makakauwi pa kaya ng buhay ang asawa ko?


Ganun ka dilim ang mga iniisip ko nun.


Paano ako nakabangon?


Prayers.


Kahit nakadapa ako at humahagulgol, I shouted my prayers.


Kahit mali-mali at hindi ko na maintindihan kung ano ang mga pinagsasabi ko, I still led my children to pray the rosary.


Kahit pagod na pagod na ang puso at ispiritu ko, kumapit pa rin ako sa Diyos.


Somehow, in those dark times, kahit lunod na lunod na ako sa takot na nararamdaman ko…


May nasilip pa rin akong liwanag sa dulo.


Dahil sa pagdarasal.


Sa mga sandaling hindi ko kaya ang magdasal, nagpapa-pray over ako sa iba.


At alam ko, marami kaming anghel na nagdarasal para sa amin.


Dahil sa mga dasal at encouragement ng mga tao sa buhay ko, isang message at isang tawag lang, sagot agad.


At sa panahong iyon, kitang kita ko kung paano si God nag provide.


Pagkain, gamot, caring hands, at kung anu-ano pang tulong ang natanggap namin.


Totoo pala talaga.


It is in the most hopeless of situations that God shows how powerful He is.


September 13, 2021, nakauwi si hubby mula sa isolation center.


He survived! 


Kahit nung araw na yon, tiyahin namin ang hindi.:-(


Naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko ang panahong ito sa buhay namin.


Pero ang luha ko ay hindi sa paghihinagpis.


Ang luha ko ay luha ng saya at pasasalamat.


To our God who remained steadfast in His love for us.


To all the people who were made instruments by God’s love to us.


Sa parents ko, siblings ko, sa in laws ko, relatives, and friends (kahit online lang lahat).


Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng Diyos sa akin.


Kahit sa mga panahong naging mahina ako.


Kahit sa mga panahong tinatanong ko ang Diyos.


Kahit sa mga panahong lumalayo ako.


He never let go of my hand.


Kaya momsh, kung may pinagdadaanan ka man ngayon…


Kapit lang.


Hinding hindi ka bibitawan ng Diyos.


Kahit pagod na pagod ka na.


Kahit sobrang sakit na.


Kahit nawawalan ka na ng pag-asa.


Kapit lang.


God is faithful.


Kahit talikuran mo sya, hindi ka niya iiwan.


Pray unceasingly.


Kung hindi mo kaya, humingi ng dasal sa iba.


Ask. Seek help. Reach out.


Sigurado ako, may anghel na ipapadala ang Diyos para sumagot sayo.


Actually, pinadala na nga. 


Kilalanin at tatanggapin mo na lang ang tulong na hatid nya mula sa Diyos.


Ayun lang momshie, sana nakatulong ang kwento ko sayo.


Minsan kasi, akala natin, tayo lang ang naghihirap at may pinagdadaanan.


Hindi ka nag-iisa momshie, lahat tayo may pinagdadaanan.


Sadya yan, para makita at maranasan natin ang tunay na pagmamahal ng Diyos sa atin.


Hindi lang sa panahon mng kasaganaan.


Kundi mas lalo sa panahon ng kahirapan.


Mahal ka ng Diyos mii.


Ikaw, ako, sila, tayong lahat.


Mahalaga sa kanya.


Maniwala ka.


Palaging may liwanag pagkatapos ng dilim.


Have a blessed Sunday!



Nagmamahal,


Mommy Fivemay



P.S. Sya nga pala, kung nagpapabreastfeed ka at buntis na nagbabalak magpabreastfeed at gusto mong matuto at magkaroon ng online support community para matulungan kang maging successful sa breastfeeding…


Join our exclusive Facebook Group na The Happy Breastfeeders PH here.


Please answer the questions kapag nag request to join para ma accept agad momsh.

undefined


Comments