Asking for prayers

Jul 21, 2022 12:01 am

image


Dear ,


This morning is the scheduled Cysto Transurethral Resection of Prostate ng Tatay Romy ko.


It's a surgical operation kung saan i-sscrape yung loob ng urethra nya para alisin ang bukol na nakabara sa daluyan ng ihi.


Hindi kasi sya maka-ihi kaya sobrang sumakit ang pantog nya kaya sinugod namin sya sa ospital.


Ang diagnosis ng doktor, enlargement of the prostrate. Stage 4, grade 4.


Parang nakakatakot pakinggan di ba?


Pero hindi naman sya cancer, malaki lang talaga yung enlargement kaya bumara na sa urethra o ang tubo kung saan dumadaloy ang ihi galing sa bladder.


Pero dahil 72 years old na ang tatay ko, medyo may nararamdaman pa rin kaming takot. It's his first time to undergo a surgical operation sa tanang buhay nya.


Kaya baka pwede humingi ng 10-20 seconds from you to say a little prayer for the safe operation and fast recovery of my tatay?


Can you say this with me?


. Panginoon,

. pinagdarasal

. ko

. na

. protektahan

. mo

. si Tatay Romy

. sa kanyang

. operasyon

. at pagalinglin

. mo sya

. agad

. Amen!


Maraming salamat momsh!


Malaking bagay ang munting dasal mo para sa tatay ko.


Kapag meron ka ding gustong hinging dasal, sabihin mo din sa akin at mag-aalay din ako ng panahon para sayo.


Let's declare, "Today is a good day, I expect good things to happen to me."


Alam ko magiging successful ang operasyon ni Tatay Romy.


See you momsh,


Mommy Fivemay



Comments