World Breastfeeding Week celebration

Jul 31, 2022 12:10 am

image


Dear ,


Agosto na pala bukas.


Alam mo ba na espesyal ang Agosto sa ating mga nanay dahil ang buwan na to ay pinagdiriwang ang Breastfeeding Month?


Hindi lang dito sa Pinas yan, sa buong mundo, ang first week ng Agosto ay pinagdiriwang din as the World Breastfeeding Week (August 1 to 7).


Masaya to kasi, this month and especially this week, makikisaya tayo sa mga nanay sa buong mundo.


Bakit nga ba tayo nagcecelebrate nito?


Dahil sayo mommy.


Kailangan natin e-celebrate ang breastfeeding journey mo.


Blessing ang kakayahan mong magpa breastfeed.


Sabi nga sa Luke 11:27:


“And it happened, as He spoke these things, that a certain woman from the crowd raised her voice and said to Him, “Blessed is the womb that bore You, and the breasts which nursed You!” 


You are blessed dahil may buhay na tumubo sa sinapupunan mo.


You are blessed dahil may suso kang bumubuhay sa anak mo.


Kaya pahalagahan natin yan.


Ipagdiwang at ipagpasalamat ang blessings na yan.


Paano nga ba?


Maraming paraan.


Ayon sa tema na bigay ng DOH sa breastfeeding month celebration:


"Sama-samang Itaguyod Tamang Kaalaman at Kalinga  sa Pagpapasuso."


Tulungan tayo mga momshies.


Tulad ng ginagawa kong pagtulong at pagbibigay kaalaman sa inyo.


Pwede mo ding tulungan ang mga taong malapit sayo at bigyan din sila ng kaalaman at suporta para maging magtagumpay sila sa pagpapasuso.


Ang karanasan mo ay mahalaga para matulong ang ibang nanay.


Kung nagkaroon ka man ng mga pagkakamali…


O kaya failures…


O best practices…


Pagdating sa breastfeeding, pwede mo na itong ibahagi sa iba upang matutunan nila ang lessons na nakuha mo sa karanasan na yun.


Dito mo maipapakita ang pakikiisa sa pagtaguyod sa tamang kaalaman at kalinga sa pagpapasuso.


Ikaw, ako, tayong mga nanay…


…biniyayaan ng karanasan upang magsilbing inspirasyon sa ibang nangangailangan.


Mahalaga ang papel mo sa bawat pamilya.


Dahil nanay ka, may superpowers ka.


Kasama na dyan ang pagtulong sa iba.


Panuorin nyo pala ang live interview ko sa isa na namang nanay sa Wednesday.


Isa syang OFW sa Dubai.


Kahit sa sobrang busy nya sa pamilya nya at trabaho bilang cabin crew ng isang international airline,


Nagawa nyang tumulong sa ibang nanay at baby sa pagdodonate ng kanyang breastmilk at pag advocate ng breastmilk donations para sa mga newborn na nangangailangan nito.


Ang ganda ng ehemplong pinakita ni Mommy Chin.


Kaya excited akong marining ang kanyang buong kwento.


Abangan mo to ha, sa Miyerkules ng umaga kitakits tayo sa The Happy Mommy Blog page ko.


Ito ang ang nakaka excite sa akin, dahil sa August 5 ay sasali na naman ako sa isang sabayang pagpapasuso, ito ang lokal version namin ng Hakab (ng Breastfeeding Pinays).


Abangan din ang live kwento ko pagdating ko sa venue. 


Ang mga gawaing ito ay sample lamang kung paano natin tinataguyod ang pagpapalawak ng kaalaman ng mga nanay tungkol sa breastfeeding.


Ang mga ito ay paraan din upang ipagdiwang ang journey natin.


Ang mga milestones (ilang days, weeks, months, years ka ng nagpapasuso)...


Ang mga challenges (nalagpasan mo ba o hindi)


Ang mga triumphs (maraming gatas, exclusive breastfeeding, extended breastfeeding, tandem feeding)...


At lahat ng kwento na meron ka sa panahon na nagpapasuso ka sa anak mo.


Lahat ng ito at mahalaga.


Lahat ng ito ay deserve na e-celebrate mo mommy.


Kaya join ka ha.


Isang buwan to.


Samahan mo ako.


Upang sa bawat araw,


Kahit may isang nanay ang pwede nating tulungan na mabago ang buhay…


Dahil sa pagpapalaganap natin ng kaalaman at kalinga tungkol sa breastfeeding…


Di ba worth lahat ng pagod, oras at atensyon na binigay mo para sa pagtulong sa kapwa mo nanay?

 

Ang munting tulong mo momshie ay malayo ang mararating.


Salamat mommy.


Salamat sa pagsama mo sa advocacy ko.


Sana hindi ka magsawa sa pagbabasa ng mga emails ko.


Sana samahan mo din ako sa pagdidiriwang sa buwan nato.


Happy World Breastfeeding Week 2022!



Nagmamahal,



Mommy Fivemay


Comments