Almost is never enough

Sep 02, 2024 6:24 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




Almost is never enough

September 2, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.




Nanlaki na lang yung mata ko at bumagsak yung panga nung nakita kong nasira yung fitness tracker ko.



Anim na taon ko nang ginagamit yun, unang Christmas gift sakin ni Aeriel nung nagtatrabaho na kami. Kaya sa lahat ng takbo, buhat, at lakad na ginawa ko for the last 6 years, yung ang nakasuot sakin.



So di naman sya ganun ka-sentimental no……



Di naman ako nakaramdam ng kurot sa dibdib nung nakita kong di na sya gumagana……..



Pero na-expect ko naman na na mangyayare yun many months ago. Malalaman mo din naman na pasira na yung fitness watch mo kung tumakbo ka ng limang kilometro tapos naglakad nang lima pa, tas pagtapos mo eh 6 calories lang daw ang na-burn mo.



Kaya nagresearch na ako kung anong pwede kong ipalit sakanya ilang buwan na lumipas.



Ganon kase ako, hahalughugin ko ang internet bago gumawa ng kahit anong purchase. Aba sayang ang pera no.



Talagang hinintay ko lang ang katapusan nung luma bago ko palitan.



At nangyare na nga.



(RIP Huawei Smart Band 4 – A companion, motivator, friend)



Kaya kahapon, pumunta kami ng SM ni Aeriel. Bibili na din daw sya kase matagal nang nangatngat ng aso nya yung kanya. Kaso, di sya kasing praning ko sa pagpili, sabi lang nya, kung anong bibilhin ko, yun na din sakanya. Okay sige.



Pag pasok namin, me lumapit na sales lady. Sinundan kami hanggang sa paghinto namin sa watch section. Kita ko na agad yung hanap ko.



“Ayan sir pinakabago yan ng band series natin”



Sabi ko, “Ah eto ba yun…?”



Nagtanong-tanong ako sakanya kahit na alam ko naman yung mga sagot. Epal kase akong tao. Minsan nga hinuhuli ko lang yung mga nag-a-assist kung alam nila yung binebenta nila. Epal nga diba?



Pero de, may tatlong rason naman ako kung bakit gusto kong kumakausap ng mga sales person sa mga malls.



Una, gusto kong makita pano sila kumausap ng customer. Makakatulong yun sa pagsusulat ko bilang copywriter. Pangalawa, sila ang best pagpraktisan ng social skills. Kahit anong itanong o ikwento sa kanila, sasagot at sasagot sila. At pangatlo, para me kwento ako.



Anyway.



Dahil nga hindi naman super sold si Aeriel sa bibilhin ko na gagayahin nya, nagtingin-tingin din muna sya. Pinakita ko yung isa sa mga options ko, pero yung mata nya eh nandun lang sa isang mas maganda pa.



At dahil mukang na-love at first sight si Aeriel dun sa relo na yun, tinutulungan ko nang magbenta si ate gurl sales lady. Mas maganda at hi-tech yun kesa sa bibilhin ko– pero sobrang mas mahal din.



Dami kong papuri para dun sa relo. Si ate gurl, puro gatong naman ng “Ay tama po si sir, maam”



Paulit-ulit na kami pero di nagbibitaw sales talk si ate.



Nalimutan ata nya na sya yung me mapapala kapag nabenta nya. Di na umeffort. Me ka-tag team na nga sya para makabenta pero di nya ata pansin.

Nakailang tanong na si Aeriel kung anong iba pang design. Codename sa “pwede ko bang makita yung ibang designs” kaso di nya na-pi-pick-up.



Ang sagot lang nya eh “May white po, tsaka pink maam”



Kaya tinulungan ko pa ulit si ate “Pwede po naming makita?”



“Ay yes sir! Kunin ko po”



Yown nakuha mo ate!



Tas habang wala siya, nakita kong naglabas ng selpon si Aeriel. Pinindot yung calculator app.



Ayan na. Nagcompute na ng installment.



Nung nakita ko yun, alam ko nang isang tulak pa, mapapabilli na sya. Kaya na ni ate gurl yun.



Pagkabalik niya, dala na nya yung isang style, nilapag sa mesa sabay sabing, “Eto po yung white mamsir ganda po yan!”. Tapos ayun lang. Di man lang nya pinakita o iniyabang. At di na din sya nagsalita.



Siguro quota na si ate for the day.



Maya maya, bumamaba na ang energy nung usapan, bumalik ulit sa original plan si Aeriel, katulad nung bibilhin ko.



Additional 10K na sana yung benta ni Ate gurl, naging wampayb na lang.



Tapos nung nabili na namin, tinanong ko si Aeriel. “Muntik mo nang bilhin yung isa no?”



“Oo. Kaso di na binenta ni ate eh. Naisip ko na okay naman na yung mura, kaya yun na lang”



Sayang. Andun na eh. Konting push na lang sana. Pero sabi nga ni tita Ariana “almost is never enough”.



Sana nga quota na sya.



image



Comments