RilleBlog 101

Aug 24, 2024 1:16 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




RilleBlog 101

August 24, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.



Kasalukuyan akong nagpupurga ng emails. Alam mo ba yung inbox zero? Isa yan sa mga bagay na nakuha ko sa minimalist lifestyle. Eto yung pag-declutter mo ng emails para malinis at hindi nakaka-overwhelm araw-araw.



Tas naisip kita.



Ano kayang style neto para di sya maumay sa mga emails ko? Kase naka-subscribe din sakin yung nanay ko pero ang peak na ng tech knowledge nya ay nung wala pang selpon ang mundo. Kaya yung mga emails ko ay naiipon lang sa inbox nya kasama ang mga announcement para SSS benefit nya.



Johnrille

Johnrille

Johnrille

Johnrille

SSS (donotreply)

Johnrille



Ganyan ang POV pag naka-tingin ka sa inbox nya. At dahil araw-araw ako nagsusulat sa inyo, nadadagdagan nang nadadagdagan. Ako na lang ang naglilinis minsan.



Pero syempre di ko yun magagawa sayo. Di ko nga alam kung nasan ka ngayon eh. Ang magagawa ko lang eh bigyan ka ng payo para hindi mapuno ng unread emails na may napaka-ganda kong pangalan yang inbox mo.



Una, kung di mo naman babasahin, pwede ka magunsub.



Sayang nga lang. Me pagkakataon ka nang magkaron ng hingahan sa napaka-jingay na mundo ng internet tas aalis ka pa. Pero kung aalis ka kase naiingayan ka din naman sakin, yes go! Peace be with you.



Pangalawa, di naman lahat kailangan mo basahin. Sayang nga lang ulit. Pero kung me nalampasan ka lang na ilang mga araw dahil sa sobrang busy, i-diretso mo na sa archive yung email o delete na. Panigurado, meron naman yan ulit bukas. Dun ka na lang ulit magsimula.



Pero kung sobrang busy mo na para sa 3-min read na email, tas may oras ka para sa daan-daang 30-second video, parang problema mo na ata yun.



Pangatlo, basahin mo nalang. Marami nang nagsasabi sakin na sa byahe papasok o pa-uwi nila binabasa yung emails ko. Nakakatulong naman daw kase nakakaaliw kahit papano. Ibig sabihin, me ambag na ako sa mga commuter ng Maynila. Ka-level ko na sila Cris Tsuper at Nicole Hyala…



Kapal ng apog diba.



Ibig ko lang sabihin, meron at merong oras para magbasa ng isang maiksing email na ikaka-aliw mo. Kailangan mo lang hanapin.



Pero syempre, di lang yan applicable sa RilleBlog. Pupwede din yan sa kahit anong type ng entertainment na hilig mo. Hanapan mo ng oras.



Basta wag lang yung nakaka-obob.



At speaking of nakaka-obob, nasabi ko na nung nakaraan na tinigilan ko na yung isa sakanila, Peysbuk. Pero dahil copywriter ako, di pwedeng di ako sumali sa kahit anong social media.



Ang napagdidiskitahan ko ngayon eh yung Threads ng Instagram.



Kung isa ka sa mga walang mintis na nagbabasa ng emails ko (teynks mwah!), baka gusto mo akong silipin dun kase nagkkwento ako ng behind-the-page muni-muni dun.



Mga konting background kung bat nasulat ko yung mga nasulat ko dito, mga mini-kwento na hindi pa nabubuo sa utak ko kaya ibabato ko lang dun.



Pero syempre di lang ako ang dapat mo puntahan dun (pero pwede din naman). Okay din syang praktis para makasimula kang mag-sulat ng mga saloobin. Pramis, malaking tulong yun sa pagpapaluwag ng utak.



Check mo! https://www.threads.net/@johnrillemanalo



image


Comments