Baka masyadong maliit

Aug 31, 2024 4:26 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




Baka masyadong maliit

August 31, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.




Today is the last day before the ber months.



Kung naramdaman mo na kahit isang beses yung kaba tuwing gantong panahon, gets ko yan.



Madalas kase walang bago sa buhay natin. Paulit ulit lang tayo kaya parang dumadaan lang yung mga araw. Tas magugulat ka nalang, andyan na si Jose Marie Chan.



Pero kung iisipin mo, bat nga ba paulit ulit lang tayo eh napakarami pa nating pwede i-explore. SOBRANG DAMI.



  • Alam mo na ba kung pano pinapasok sa mga SM yung mga model cars? Bakit bigla na lang me sumusulpot na Mcdo?


  • Paano na-bidyuhan yung mga lumilipad na ibon sa mga lumang palabas? Paano nakukuha ng NatGeo Wild yung mga footage nila ng mga balyenang nag-se-sex?


  • Paano nagiging accurate yung bilang ng assist, rebounds, turnovers ng mga bastketball players? Sino nagbibilang nun? Pano nya nakuha yung trabahong yun?



At speaking of trabaho…


  • Alam mo na ba kung pano nakaka-imbento ng mga bagong recipe yung mga chef? Sa mga fastfood, saan galing yung mga gimmick nila tulad ng cheesetop burger noon ng KFC o ng Bff fries ng Mcdo?


  • Alam mo ba kung bakit sobrang perfect fit at unique nung ibang packaging ng ibang produkto?


  • Saan nakakita yung mga nagbebenta sa IG at Tiktok ng mga produktong binebenta nila?


  • Alam mo bang may Librarian Licensure Exam?



Kung wala kang matawag na hobby…



  • Nasubukan mo na bang mag-explore magbuo ng dioramas, alam mo bang may contest para dun?


  • Paano ginagawang bonsai yung mga bonsai trees?


  • Nasubukan mo na bang mag-photowalk man lang? O gumawa ng tula? O sumulat ng kwento at muni-muni araw-araw?


  • Saan nakakakuha ng costume at materyales yung mga nagco-cosplay?


  • Alam mo bang napakadaming board gaming group dito sa Metro Manila?



Nakukuha mo na ba yung punto ko?



Narerealize mo na ba kung gano karami pa yung hindi mo alam at hindi mo pa nadadaanang parte ng mundo?



SOBRANG DAMI.



Kung tingin mo eh napaka-bilis nang lahat, baka kase ang liit lang ng mundo mo.



Kung ang iniikutan lang na axis ng planeta mo eh kasing liit lang ng QC Memorial Circle, eh talagang mabibilisan ka.



Kaya magtingin-tingin ka dyan, explore tayo.


image



Comments