BOARDGAMES!

Sep 11, 2024 10:15 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




BOARDGAMES!

September 11, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.




Pag sinabing Home Entertainment, malamang sa malamang flatscreen TV, speakers na may surround sound, digibox para sa paboritong soap opera ng mama mo, at gaming console na at least 4K ready ang usual na tinutukoy.  



At di naman mali yun. Saktong-sakto nga naman yung term. Home entertainment. 



Bihira ang household na hindi ma-e-entertain sa mga yan. Kumatok ka sa bawat kapit-bahay mo panigurado makikita mo agad yung entertainment system nila.


Minsan sa second floor may isa pa.



Yan na kase ang usual pampa-aliw ng mga Pinoy gabi–gabi.



Pero kung aliwan lang ang usapan, bakit di kasama ang board games sa listahan? 



Oo alam kong ang “home entertainment” ay tumutukoy sa mga electronics. Pero kung entertainment na pambahay… soildo ang kaya ibigay ng board games. Kahit pa ikumpara mo yan sa pinaka-malaki nyong TV. 



Napapa-palakpak ka ba lagi pag nagne-Netflix? Umaapir ba sayo lagi ang tatay mo pag nanonood kayo ng Batang Quiapo? Sabay-sabay ba kayo napapahiyaw sa galak lagi kapag nags-soundtrip? Hindi.



Pero kung parte ng “home entertainment” ang board games, laging may palakpak, apir, at halakhak tuwing magagamit sila.



Tingin ko nga lamang ng dalawang paligo ang board games pag dating sa pag-e-entertain sa bahay eh.



  1. Sureball ang bonding at walang mapapanis na laway dahil may social aspect (unless may ma-pikon)
  2. Gagana ang utak kase may saysay ang nangyayare (‘di tulad ng mga nakaka-bobong content everywhere)
  3. Mapapansin mo na bago yung mantel nyo kase sawakas di ka naka-harap sa anumang screen (unless may app na kasama yung laro)



Kaya kung home entertainment ang usapan — as in pampa-aliw kapag nasa bahay — dapat kasama ang board games sa listahan.



Kahit nga Monopoly, Scrabble, o playing cards man lang, pu-pwede na (kung bago ka sa hobby, sobrang dami pang ibang mas maganda. AS IN). Dun lang din ako nagsimula.



Kaya hindi masamang ideya na dapat merong board games ang bawat pamilya. 



Lalo na kung iisipin mo na kapag may kasama ka sa bahay, meron ka na agad built-in gaming group. Tapos kung may okasyon man, mag-imbita ka ng iba pang bista tapos swak na para sa party game. 


image


Sulat ko yan sa board game blog na ginagawa ko last year. At balak ko syang buhayin ulit ngayon. Masaya eh.



Kaya kung nag-hahanap ka ng bagong hobby?



Kung na-enjoy mo na ang board games kahit isang beses sa buhay mo tas parang gusto mo pa ulitin?



O kung naglalaro ka na talaga at naghahanap ka ng bagong kalaro…



Bisitahin mo ako dito! Tara, Game Night!!!



Gagawa ako ulit dito ng content para sa mga gustong pumasok sa board gaming hobby.



Pramis, iba ang enjoyment sa board games. Kahit ikaw pa ang pinaka-cool na tao sa mundo, meron at merong board game na magugustuhan mo. Kaya naniniwala ako na dapat bawat bahay me board games... and I stand by it.



Minsan kung nasa Manila area ka, nagyayaya ako ng game nights para makalaro yung mga readers ko. Kahit first time mo, okay lang! Masaya to.


Baka andito na ang bagong hobby mo >>> https://taragamenight.com/


image

Comments