Joke joke joke!

Aug 19, 2024 7:13 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




Joke joke joke!

August 19, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.



Tulad ng maraming taong pinanindigan yung pagiging kwela nila, ini-isip kong maranasan mag stand-up comedy kahit isang beses lang. Yung Western style ng comedy.



Parang tingin ko kakayanin ko. Kase nagpeperform naman ako nung estudyante ako kaya sanay ako sa stage. Madalas din na ako ang taya sa kwentuhan pagkasama ko mga kaibigan ko, natatawa naman sila, tulo laway pa nga yung isa. Si Aeriel muntik ko na mapatay dahil sa jok ko. Naghabol ng hininga ang tita mo, naging kulay talong nang mga 2 secs.



Kaya naisip ko, parang posible naman.



Pero ang tanong, pano? I don’t know the first thing about being a stand-up comedian. Lumaki ako sa jokes na puro slapsticks at ‘acheche!‘ ang atake.



Kaya natuwa ako nung nagkayayaan na manood ng show ni Victor AnastacioPerstaym kong makapanuod ng live na stand-up comedian nun. At bilang me pagka-nerdo at weirdo ako, di lang ako nandun para tumawa.



Isa sa mga pakay ko eh tignan kung pano ba ang ginagawa ng mga stand-up comedian sa gigs nila. Eto mga napansin ko:



  • Nagre-reuse sila ng joke. Napanuod ko na sa Instagram yung siguro limang jokes na binitawan ni Victor. But it doesn’t make it less funny. Di ko alam kung baket.


  • Kinakabisado lang nila yung jokes nila, yung mga flow at ‘script’ nila. May isa nga literal na binanggit nya yung same joke nang magkasunod. As in magkasunod. Pagtapos nung punch line sa pangalawa, sabi nya, “AY POTA! Naulit no? Nasabi ko na pala yun, bobo!”


  • Kailangan malakas ang baga at sikmura mo. Isipin mo, isang oras mahigit ka magsasalita (o limang minuto kung baguhan). Tapos posible na walang bumentang joke mo? Emotional damage ang makukuha mo.



Lalo kong naisip na kaya kong magstand-up kahit isang beses lang. Nagagawa ko yang mga yan eh. Emotional damage? Sus. Merienda ko yan.



Kaya kahapon nung birthday celebration ni Ate Ihsa, nagtry ako. Kinuha ko yung isang joke nung isang komedyante, ginaya ko kung pano nya sinabi, pinerform ko sa mga tao…



Alam mo? Naramdaman ko na mahal ako ng pamilya ko. Sinubukan nilang tumawa, pero tawang nanggaling sa awa. Ang sweet diba.



Iisa pa nga sana ako kaso may respeto naman ako sa sarili ko pati na sa may bertday. Napa-inom na lang ako nung natitirang Fundador sa baso ko.



Mahirap pala talaga. Parang matagal-tagal pa yung iniisip kong stand-up dream.

Hindi sapat na manggagaya ka lang. Di sapat na magkkwento ka lang ng nakakatawa. Naghahanap ka dapat ng mga normal na kwento sa normal na mundo tas gagawin mong nakakatawa. Di ka pa sigurado dun kung me matatawa ba talaga.



Pero di ko aalisin yung goal na magawa yun… Papalitan ko lang yung rason kung bakit.



Gusto ko syang gawin hindi na dahil tingin ko kaya ko sya. Kundi dahil tingin ko sobrang hirap nya.



Mas magandang rason ata yun.



image


image


Open-minded ka ba? Latagan mo sila

Ano, nagustuhan mo ba? Wag ka magdamot uy. I-share mo to sa iba. Latagan mo ng mga kwento. San mo ba gusto, facebook? Twitter? Eto pindutin mo lang.


image image


Okaya ikaw na bahala, copy-paste mo lang tong link: https://johnrillemanalo.com/joke-joke-joke/

Comments