Mensahe para sa mga creatives

Sep 18, 2024 10:17 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




Kailangan may ambag

September 18, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.




Tinanong ako sa interview para sa Junior Project Manager post ng "Can you consider yourself as someone creative?"



Fresh grad pa lang ako nun. Philosophy ang kurso ko kaya di ko alam kung pano sasagutin yung tanong.



Ang takbo ng utak ko ay kapag creativity ang usapan, arts and crafts agad. Eh wala naman akong alam sa arts nun.



Sabi ko na lang "Yes" kase parang yun yung mga tipong yes-or-go-home na tanong eh.



"I'm the go-to guy in our family when doing school or personal projects. People always ask for my help I guess because I have a creative mind..."



True story yan.



Kaso yung muka nung nag-i-interview eh parang hindi masaya. Kaya sinundutan ko pa ng



"And I also loved painting and drawing when I was a kid. So yeah, I think I can consider myself creative"



Oooff. Parang lalong umasim yung muka nya. Pero yun na ang pinaka totoo kong sagot sa tanong nya. Ayoko namang magsinungaling.



Nakawawala ng confidence yung ganong reaksyon pero gets ko bat umasim yung muka nya.



Sino nga naman ba kaseng sasagot ng "Ay oo nagdo-drowing ako nung bata kaya kunin nyo na kong empleyado".



Di ko naman kase alam na me ganon pala yung trabaho.



Kala ko research research at sulat sulat lang. Apply lang kase ako nang apply nun. Kung sino mang naghahanap ng tao, bibigyan ko ng resume ko.



Sobrang sablay ako sa interbyu na yun.



Naalala ko tinanong pa kung paano ko ibebenta yung children's milk sa grocery.

Mga 30 seconds ata ako nag "Uhm..." kala nung nag-i-interview nag-me-meditate na ako.



Pero alam kong kailangan ko sumagot. I blurted out something about a mother-child connection, a game, a raffle, and other BS I can't even remember. Basta alam kong somehow naka buo ako ng gimmick sa pagbenta.



Siguro iniisip mo ngayon kung nakuha ba ako sa trabaho na yun.



Bakit? Baliw ka ba?



It was an epic fail. Sa telenobela lang yung me makikita silang espesyal sa bida kaya they'll take a chance. Umuwi ako nun na nag-iisip ng dalawang bagay. Una, kung gano ko pinahiya yung sarili ko. Pangalawa, what does it mean to be creative.



Kalahating dekada na ang nakalipas, hanggang ngayon inaalam ko pa din yung pangalawa. Hanggang ngayon gusto kong i-explore ang pagiging malikhain.

Medyo mahirap nga lang kase sa mundong me nagdidikta kung anong dapat na maganda, mapapa-isip ka kung ano nga bang saysay kung magpa-iral ka ng bago, ng kakaiba, ng sa'yo.



Ang nakakahatak lang siguro sakin pabalik eh kung meron kang nililikha, mapipilitan kang ma-ipakita yung kwento mo na binuo ng maliliit pang kwento na eventually eh pwedeng may ma-i-handog na bago sa mundo.



Pwede kang bumuo ng mga bagay that matters to you, but more importantly, to others. Kelangan laging meron kang ambag.



At speaking of ambag, ginagamit ko din ang creativity sa pagiging copywriter ko.

Pag dating kase sa pagnenegosyo, kailangan maka-relate ka din sa mga customer mo (sana alam ko 'to nung in-interview ako). Kaya pag gumagawa ako ng copy, ang foundation ko lagi ay yung pagkakakilala ko sa mga bebentahan. AKA: research.



Kung gusto mong makilala yung mga customers o audience mo para makilala ka din nila, pwede kong i-suot ang copywriting hat ko para sayo. Sa LinkedIn, copywriter ang maskara ko pwede mo din akong sundan dun. Eto yung link: https://www.linkedin.com/in/johnrille-manalo/



image

Comments