Insta

Aug 21, 2024 3:07 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




Insta

August 21, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.



Sa lahat ng social media na sinubukan ko, Instagram ang pinaka napalapit sakin–yung older version.



Yung version na hindi pa laganap ang mga influencer na karamihan eh tatlong bagay lang ang gustong ipakita, 1) katawan, 2) pera, at 3) kung pano magmukang tanga.



Nagustuhan ko yung Instagram nung wala pa sila dahil paborito ko tumingin-tingin ng mga litrato sa albums namin. Dami kase naming kodak picture dito sa bahay tapos karamihan eh bouncing baby boy pa ‘ko, masyado pang bata para madala yung alaala ng bawat litrato



Ibig sabihin, wala akong kahit anong ideya kung saan at kelan yung mga pictures ko, ang alam ko lang, ako yung matabang bata na yun… at dun ako na-eelibs.



Isipin mo, nakikita ko yung sarili kong nag-eexist sa panahong ‘di kayang maalala ng utak ko. It’s like having a completely other life you can’t remember. Maalala ko lang sya kapag kinwento na sya sakin, tas merong konting clue na ibabato yung utak ko. Somehow I’ll remember a glimpse of that moment.



Yung picture kong nakasimangot sa Subic kasama yung kaklase ko, fieldtrip daw namin yun nung Prep School. Nakasimangot daw ako kase gusto ko nang pumunta sa duty free. Tas bzzt! nung sinabi yun, me naaalala akong memory na manghang-mangha ako sa duty free kase meron silang malaking malaking shelf na puro laruan. Walang-wala yung nakikita ko sa SM tuwing linggo.



Pero syempre, mapa-SM man o duty free, hanggang tingin lang ako kase di naman ako bibilhan ni mama.



Galing diba?



Para ‘kong nagka-extra life kase may memories na na-unlock.



Kaya nung nadiskubre ko yung Instagram noon, sabi ko, yun na ang modern day photo album ko. Mag-iipon ako ng mga litratong pwede kong balikan kahit kelan ko gusto.



At nung isang araw, nakakatuwa na na-achieve ko naman pala yung ideyang yun. Inisa-isa ko kase ipakita kay Aeriel lahat ng pictures na inupload ko sa Instagram mula simula, with commentary nung istorya sa likod nung mga litrato.



Lahat sila naalala ko pa.



(Kung iniisip mo na kawawa si Aeriel dahil dinamay ko sya sa pag-reminisce ko… oo nga, tama ka. Pero medyo kawawa lang naman kase konti lang ang uploads ko. AT natawa naman sya sa mga bago nyang nadiskubre)



Sayang nga lang at natalo ng mga kabalbalan ng internet ang intensyon ko sa Instagram non. Tumigil ako maging active dahil di ko na gusto nakikita ko. Tsaka na-conscious ako kase kepapanget ng mga picture ko.



Pero di na ako bouncing baby boy. Yoko na pilitin maging maganda bawat picture. Kase una, para naman sakin yung mga yun. Pangalawa, I just want to get myself out there and create.



Tsaka ko na pagagandahin pictures ko kapag me oras na ako mag-aral ng photography.



Sa mundong mahilig sa estetik, lilitaw naman ang panget. Edi 1 point para sakin.



image



image


Johnrille’s social media side-quests

Matapos kong sukuan ang peysbuk, naghanap ako ng outlet kung san ko pwedeng ilagay yung plano kong extension ng mga kwento ko dito. Di pwede sa Substack kase bihira ang Pinoy dun.



Kaya tumalon ako sa Threads. So far ok pa naman. Iwas iwas lang sa pag-engage sa ibang tao dun kase marami pa din kabalbalan.



Kung interesado ka sa ilang behind-the-page nung mga kwento at muni-muni ko dito, talon ka din dun tas kita tayo!



https://www.threads.net/@johnrillemanalo


Comments