May theory ako tungkol sa mga kalbo

Sep 09, 2024 8:42 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




May theory ako tungkol sa mga kalbo

September 9, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website tapos share mo sa iba.



Pauwi ako galing simbahan kahapon. Sa unahan ako ng jeep sumakay katabi ng driver para mapogian ako sa sarili ko pag napapatingin sa side mirror.



Me dalawang kotse sa harap namin, SUV parehas. Muka namang matinong driver yung dalawa kase di na pinilit makatawid kahit inabutan na ng red light. So kaming nasa pangatlo, nakahinto na din.



Tapos dun sa may kanto, me pamilyang nakatambay. Mukang nag-aabang ng jeep kase naka-harap sila sa lane namin tas nakastop pero di sila tumatawid. Binubusinahan sila nung driver ng jeep namin para sabihing sumakay sila kung sasakay silla.



Yung byaheng yun lang naman ang pampasaherong sasakyan na dumadaan dun.



Pero di siya pinapansin nung pamilya.



Nagkwe-kwentuhan lang sila dun, tumatawa tawa pa. Siguro family bonding nilang tumambay sa mausok na kanto. Sino nga ba naman tayo para basagin yung trip nila.



Mukang masiyahin pa naman yung tatay. Kalbong skinhead sya tapos dahil nga ang saya-saya nilang pamilyang nagkwkwentuhan, nakakadala yung itsura nya. Naisip kong parang pag skinhead na kalbo, usually likeable ang vibes kapag nakatawa. Parang ang gaan gaan ng personality pag kalbo. Kaya siguro me joke na "wag ka na magpatawa, di ka naman kalbo!" kase karamihan sa kalbo, fun.



Tapos nag-green light na.



Umandar na yung dalawang SUV sa harap. Patawid na din yung jeep na sinasakyan ko. Tas nung napadaan na kami dun sa pamilyang naba-bonding sa kanto, biglang pumara yung kalbo!




Galit na galit yung driver namin. "Anak ng! Kanina pa binubusinahan eh! ang aarte!"



At ako naman, suminghal at nag "tsk tsk" para damayan si kuya sa inis nya. Kase nakakainis naman talaga. Dalawang minuto kaming nakastop at wala pang 20 steps para marating nila yung naka-hintong jeep na wala namang laman pero hinintay pa nilang mag-go para huminto sa harap nila mismo.



Nagkatinginan kami nung kalbo kase nga nasa harap ako. Tapos pramis, parang bumagal yung oras tas unti-unti nag-iba yung tingin ko sakanya. Kung kanina eh parang ang saya saya at ang gaan-gaan ng muka nya, biglang naging kabaligtaran.



At dahil dun, me nabuo akong theory...



Naalala mo ba si Kukai sa Flame of Recca?



Yung monk na kalaban nila Recca sa tournament na napaka-kalmado ng muka na parang ang bait-bait? Pero nung na-tira ni Recca ng tatlong beses naging diablo?



Yung ang theory ko, me dalawang characters ang mga kalbo



In general, yung mga kalbo (skinhead) ay dalawa lang yung tipo.


  1. Someone you'll like
  2. Someone you'll hate



Walang in between.



Totoo! Mag-isip ka ng kalbo na kilala mo.



Wally Bayola.



Boy Abunda.



Bato Dela Rosa.



Eri Neeman.



Dwayne Johnson.



Wilfredo Gonzales.



Johnny Sins...



Depende sa personality mo o pananaw mo sa buhay, yung mga kalbo (in general) eh either totropahin o sasakalin mo.



Kahit kilala mo personally, ganun din. Isipin mo muka nila.


...


...


...



Di 'ba isa lang sa dalawa ang nararamdaman mo sakanya?

Pero syempre theory ko lang yan.



Wala akong scientific basis at di rin ako nag-research para dito. Di ko din naman sinasabi na inherently masasama o mabubuting tao yung mga kalbo.



Tingin ko lang meron sila automatic na aura na polar opposites.



Naisip ko lang naman 'to nung biglang nagtransform sa paningin ko yung lalaki kahapon. Kinwento ko lang sayo para macheck ko kung me nakakagets ba ng Kukai Theory ko. Kaya balikan mo ako kung naka-relate ka.



Kung hindi man, dito makaka-relate ka na...



Yung jeepney driver na inis na inis dun sa pamilya nung kalbo na biglang pumara kung kelan go, hinintuan pa din nya at pinasakay pagtapos nya mag rant.



Ayun. Trapik na naman.


image

Kung di mo kilala si Kukai, eto ang before and after nya.




Share mo sa:

imageimageimage

Comments