It was a setup

Sep 01, 2024 5:46 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




It was a setup

September 1, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.



Nag-uusap kami ni Aeriel sa sala nila kanina, typical Sunday morning.



Pero biglang may bumagsak sa may bandang kusina.



Paglingon ko nandun yung aso nilang si Luna, inaamoy yung bag na nasa sahig na pero kaninang nakapatong sa upuan, nakalaylay na yung charger ng selpon pero wala na yung selpon na nagcha-charge.



Bago pa ako makatayo para pulutin yung mga nahulog, lumingon pabalik si Luna.



Nagkatinginan kami sa mata.



Nakita kong nakangiti sya, at alam kong nakita nyang nagulat ako. Kase mukang hindi lang pala amoy-amoy ang pakay nya.



Subo na nya yung selpon na dapat naka charge—sabay takbo sa ilalim.



Parang planado ang lahat.



Kase nung nakuha ko na pabalik yung selpon? Nakita kong naka-unlock na, nasa checkout screen na ng Shopee, at isang pindot nalang, gastos na.



What are the chances of that happening?



Misteryoso talaga tong mundong to.



image


Comments