Alice in somewhere land

Aug 20, 2024 5:02 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




Alice in somewhere land

August 20, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.



Nabalitaan ko na mukang nakalipad na ang public enemy number 3 palabas ng Pinas. Pero syempre tulad ng lahat ng balita, di ko alam kung gano yun katotoo.



Kung sakali mang totoo, tingin ko may karapatan akong magtaka at magreklamo.



Pa-Singapore kase kami nun, pangalawang lipad ko pa lang palabas ng bansa kaya 'di pa sanay sa kalakaran ng airport.



Dalawa lang ang alam ko. Una, kung alas otso ang flight nyo, late ka na pag wala ka pa dun ng alas sais. The airport defies the rule of Filipino time. Pangalawa, pinaka dyahe daw yung immigration. Andun ang boss fight at ang boss eh yung immigration officer.



Dami na 'kong narinig na mga kwento ng mga nasupalpal ng immigration. Yung isa, lilipad na sya para makatrabaho sa ibang bansa. Bago umalis, may yakap, may luha, may hinagpis—pero at least, may pag-asa.



Kaso, natalo sya sa boss fight, naharang sa immigration. Di nya alam ang gagawin kase pati yung pag-asa, wala na. Ang nasa isip lang nya, nakakahiya sa lahat, lalo na sa pamilya.



Sa sobrang hiya nya, di sya makabalik sa bahay. Nakitira lang sya sa kaibigan nya at ilang buwan ding ganun ang sitwasyon. Kapag tinatawagan sya ng mga tao sa bahay nila, kailangan nyang gawing background ang puting dingding o ang langit kase kahit saang bansa nga naman eh may dingding at langit—di sya mahahalata.



At yung tao sa kwentong yun ay ako...



Joke lang.



Kakilala ko yun, nachismis lang sakin.



Pero ang hirap nun diba? Itataguyod mo dapat yung pamilya mo tas hinarang ka sa airport pa lang. Kaya nakakakaba sakin yung immigration kahit pa magbabakasyon lang naman ako sa Singapore.



Pero syempre di pwedeng di ako dadaan dun.



Nung mga oras na yun, kinakabisado ko yung pangalan nung hotel namin habang nakapila. Yun kase yung tanong sakin nung unang lipad ko.



Habang papalit ako sa boss fight, kita ko yung kalaban, matandang babae na kamuka nung masungit namin registrar sa school dati, si Ms. Lopez. Parang lalo akong kinabahan. Pero di lang para sakin kundi para na din sa mga kasama ko. Pano kung maiwan yung iba. Pano kung malimutan nila pangalan nung tutuluyan namin at kung hanggang kelan kami dun.



Kakaoverthink ko, di ko namalayan ako na pala yung next. Tinawag ako ni Ms. Lopez, binuhat ko yung backpack, tas lumapit.



"Name?"



"Johnrille Manalo"



"Saan kayo tutuloy?"



"Hotel Chancellor"



"Anong trabaho?"



Napahinto ako kase ang sagot eh Freelance Copywriter, pero kapag sinasabi ko kase yung copywriter, madalas di alam ng kausap ko kung ano yun. Ayoko naman mag explain ng copywriting 101 bigla. Tsaka wala ako kliyente ngayon so technically wala akong trabaho. Nagoverthink na si tutoy.



Pero napansin kong mga 2.2 seconds na akong nag-a 'uhm...' kaya ang binanggit ko eh...



"Writer"



"Libro?"



"Ah, no. Freelance"



"Mm-hmm"



Napalunok ako ng laway. Nakita ko yung kasabay ko sa kabilang window, nakalampas na.



"Sinong kasama mo?"



"Ah family ko po tsaka yung girlfriend ko"



"Names?"



"Fe Manalo, Andew Ma--"



"Isulat mo dito"



Naglusot sya ng maliit na papel at inabutan ako ng ballpen. Takang taka ako sa mga nangyayare. BAT MAY GANTO? NORMAL BA TO?



Pagtingin ko sa kabila, tinatatakan na yung passport nung tatay ko.


Magkakasama na sila dun, tas ako, magsusulat pa ng pangalan namin. Unti-unti kong nararamdaman na posibleng mag-ga-grab na ako pauwi.



Sinusulat ko yung pangalan nila tas nakita ko... pucha panget ng sulat ko. Baka lalong magalet tong si Ms. Lopez. Pero hinayaan ko na kase mas panget kung may erasure. Baka sabihin pa eh kung pamilya ko yung kasama ko bat mali mali ako ng spelling. Ginandahan ko nalang yung ibang natitira.



"Isulat ko na din po ba yung pangalan ko?"



"Mm."



'Mm'??? ano ibig sabihin nun ma'am??? Yes or no lang naman ang gusto ko. Isang syllable lang din naman yun. Pero ayoko na magtanong kaya sinulat ko nalang din pati pangalan ko. Pag tapos, inabot ko na sakanya.



"Hanggang kelan kayo?"



"Flight po namin pabalik is October 24"



"Mmhmm"



Tapos bigla nalang nya tinatakan yung passport ko.



Ang anticlimactic pero at least nakahinga na ako ng maluwag pero medyo nanginging pa ang mga kamay. Ang nasa isip ko lang, what da fuck just happenned. Sabi nung ate ko baka pinagtripan lang daw ako. Ganun daw kase talaga minsan. Ewan ko kung totoo.



Hanggang ngayon kapag naiisip ko yun, nagtataka ako kung ano kayang ginawa nya sa nilista kong pangalan. A-add ba nya kami sa Facebook? Powertripping lang ba kase sabi ko writer ako kaya pinasulat nya ako?



At kung kay Alice Guo kaya ginawa yun, anong pangalan ang ililista nya? Alice o Hua Ping? Imposible talagang di sya ma-flag sa airport kung andun ang mga katulad ni Ms. Lopez.



Pero sino nga ba naman ako para sabihin kung anong imposible. Wala naman akong farm. Hanggang pagtataka at reklamo nalang muna.



image



image


Tsip, baka pwede naman pag-uspan...

  1. Naharang ka na ba sa immigration? Anong kwentong airport mo?
  2. Nasa bahay nyo ba si Mayor Alice Guo? Kung wala, nasan?
  3. Mahirap nga ba mahalin ang Pilipinas?
  4. Anong ibig sabihin ng 'Mm'?


Sagot ka! Babasahin ko yan.

Comments