Nice guy

Sep 04, 2024 10:15 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




Nice guy

September 4, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.




Matapos ang ilang buwang trial and error, natuloy din kami lumabas ng mga kaibigan ko. Kombinasyon ng bagyo, work day suspension, at libreng dinner lang pala ang solusyon para magkita-kita kami.



Syempre hindi ako yung nanglibre.



Kwento at board games lang ang ambag ko samin. Pero pag hindi nakakuha ng spot para sa board games, edi kwento lang meron ako.



Well, kwento at pang-aasar. Mapanglait kase akong tao.



Pero me ginawa ako kahapon na kakaiba.



It all started with my plan to be a nice guy. Kahit isang araw lang. Yung tipong nagbibigay ng compliments parati, nang-aapir, nagbibigay ng hugs lagi-- golden retriever energy ganun.



Medyo ganyan naman ako to begin with, except that binabahiran ko lagi ng kalokohan, ka-weirdohan, at kayabangan. Kaya sabi ko, gusto ko subukan maging nice guy kahit isang araw lang. Lagi naman akong nageexperiment nang kung anu-ano so why not this one. Titignan ko lang kung ano mangyayare.



Sinumulan ko kay Aeriel. Syempre sabay kaming pupunta para kitain yung friends namin, commute.



Di ko sya pinagmadali kahit medyo late na kami sa plano naming oras ng pag-alis. Hindi ko din sya inasar o biniro man lang na di sya nagdala ng payong kahit na alam nyang me bagyo at naka-ilang remind ako sakanya. I let it go like Elsa. Nice guy ako eh.



Nung nasa bus kami, di ko inisnub yung nagbebenta ng kasuy kahit na isa yun sa paborito ko. Bumili ako! Bihira yun sa kuripot na tulad ko.



Nung ang gulo gulo nung mga kasama namin kung san kami magkikita kita? Yun isa sabi 3rd floor, yung isa 5th, di ako nagbitaw ng snarky comment. Sabi ko lang sabihan kami kung saan tas pupunta kami. Kung normal na araw to, ang sasabihin ko eh "ano talaga mga beh? Isa isa lang".



Nung nagkita-kita na kami, una kong ginawa eh yumakap sa manglilibre at binati sya ng hapibertday. Yung iba, inapiran ko at kinamusta like a friendly neighbor.



And on top of that, pinaulanan ko sila ng mga legit compliment, imbis na magbiro at mang-asar. Buong gabi, ganun ako.



At alam mo?



It actually felt good! Totoo nga yung sinasabi nila na giving compliments increases your happiness.



Pero di ko na yun uulitin.



Kase bukod sa mahirap hindi makisabay sa banters at mahirap magtimpi-- WALANG NAKAPANSIN NUNG GINAWA KO.



Kahit si Aeriel.



Sa lahat ng effort at pagpipigil na ginawa ko, ako lang pala ang nakapansin. Hayup.



At dahil dyan, dalawang bagay ang natutunan ko sa eksperiment ko.



Una, kahit anong effort mo, hindi ibig sabihin eh mapapansin na ng ibang tao. Laging mas may paki sila sa mga ginagawa nila kesa sa ginagawa ng iba. Kaya kung me gusto kang baguhin, do it for you.



Pangalawa, kung pati si Aeriel hindi napansin na me ginawa akong bago, baka kase di naman talaga bago yung ginawa ko.



I'm simply a nice guy.


...


...


...



Na mayabang.


image

Comments