Kapit ka, mukang malalim

Sep 15, 2024 1:04 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




You're a god.

September 15, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.



Oo, totoo. Siguro hindi in godly figure o kaya godly image. Pero you’re a god.



Diba gawain ng diyos eh magpa-iral ng mga bagay galing sa wala?



Kung iisipin mo, araw-araw ganun din ang ginagawa mo. You’re creating something that doesn’t exist yet.



Art. Idea. At kung di ka man artist o thinker? Yang sarili mo.



Araw-araw binubuo mo kung magiging sino ka sa future.



Di ko alam kung pano mo ginagawa pero yung kalalabasan nyan? Wala pa at wala yang magiging katulad.



Isa kang tagapaglikha.


image



image

Kumusta panginoon? Okay ba?

Sunday ngayon, pahinga ka muna. Pero kung nagustuhan mo ‘to copy-paste mo ‘tong link sa socials, text, o email mo para ma-share: https://johnrillemanalo.com/youre-a-god/


Comments