I need your thoughts on this

Aug 28, 2024 4:40 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




I need your thoughts on this

August 28, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.



Minessage ako ng isang RilleBlog subscriber kanina. Sabi nya, nakakatuwa naman daw yung mga kwento ko. (Aww...)



De wag ka mag aww dyan.



Kase nakakakilig na nga sana, kaso 'tong isang 'to eh biglang sumundot ng...



"Tunay kaya iyon?"



...



...



Aba pinagdudahan pa 'ko...



Pero di ako galit. Nakakatawa lang kase naputol agad yung aww ko.



Tsaka ilang beses na 'kong natanong nun, kung totoo ba yung mga kwento ko. And if I'm being honest, di ko maintindihan kung bakit. Kase wala namang magical sa mga kwento ko. Hindi naman din sobrang kakaiba ang buhay ko.



Tingin ko nga ang boring boring ng mga araw ko madalas eh.



Di mo alam kung ilang beses sa isang araw bigla kong gustong mag-Tagaytay, o kahit MOA lang, o kahit nga SM Manila lang. Di mo din alam kung ilang beses sa isang araw bigla kong gustong bumili ng board game at yayain maglaro ang kahit sino.



Pero syempre di pa praktikal na gawin ko yun. Tsaka na kapag namunga na yung mga tinanim ko. Okaya kapag inampon na 'ko ng bilyonaryo.



Kase sa ngayon, mayaman lang talaga ako sa kwento.



Hindi dahil andami kong adventures o mga ganap, kundi dahil natutunan ko kung pano ipunin yung mga kwento na nandito lang sa tabi-tabi ko.



Yan ang long verson ng sagot ko sa tanong sakin.



Yung short eh, oo, totoo yung kwento ko.



Pero dahil dyan, napa-isip ako, bilang nakailang kwento na ako sayo at nandito ka pa rin, baka mahilig ka talaga sa mga kwento at muni-muni... So gusto mo din bang malaman pano manghuli ng mga kwento sa araw-araw?


Seryosong tanong yan.



Baka kase gusto mong magkaron na maraming entry kapag magkakape o magiinuman kayo ng mga kasama mo.



O kaya baka laspag na laspag na yung "anong paboritong number mo sa electric fan" na tanong mo sa crush mo to spice up the conversation.



Kase dabest naman talaga ang stories para maka-konekta ka sa ibang tao. At kung wala kang makukwento, nganga.



Kaya ulitin ko, interesado ka bang malaman kung pano maka-ipon ng kwento kahit pa parang ang boring ng buhay mo? Sagot ka!



Kahit yes or no lang ang isagot mo. Gusto ko lang malaman kase me naiisip gawin ang malilikot kong brain cells. Pero syempre mas maganda kung may rason kang sabihin kung bakit yes or no.



Kase marami akong kakilala na hindi naman sa ayaw nilang magkwento kapag kasama mga kaibigan o pamilya nila, talagang wala lang sila maisip na maikwento.



So kung ganun ka din, sabihan mo ako kung interesado ka o hindi. Reply o comment ka dyan sa baba.



Go, dali! Literal na kahit isang salita lang. Babantayan kita...



image


Comments