Paano nakatulong sakin ang palo sa pwet

Sep 20, 2024 10:34 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




Magical Porkchop

September 20, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.




Minsan me mga araw na wala akong ma-kwento sayo.



Hindi naman sa wala akong kwento kase I still have a lot of stories bagged.



Parang walang lang talaga akong gusto i-kwento at the moment. Parang kapag me chismis ka sa ka-opisina mo pero for some reason, you feel that it’s not the right timing.



O kaya minsan di ko pa lang talaga ma-figure out kung pano ko sya ibabato sayo.



Tulad ngayon.



Gusto kong i-kwento na sobrang sarap nung ulam namin kahapon. Simpleng fried porckchop lang pero pumuputok yung lasa ng MSG na posibleng papatay sayo 20 years from now kung aaraw-arawin mo. Yung sarap nya eh alam mo yung sarap na pambahay? Ganon. Tapos me kapares na mainit na kanin. Dagdagan mo pa ng bagong bukas na ketchup na malalasahan mo pa yung pagka-“fresh”. Tas ang underrated icing on top, tubig na may ideal na lamig. Yung kaya mong i-bottoms up kase it’s cold-enough to give you a refreshing buzz but not so cold that it will give you a brainfreeze. Mapapa-ahh ka na lang pag tapos kahit di naman yun Coke.



Ayun, gusto ko sana i-kwento yun. Pero ano namang paki mo dun diba? Di ko alam kung pano ko ibabato yun sayo nang me mapupulot ka kahit aliw man lang.



Kapag ganto, minsan sisimulan ko lang mag-type nang kahit ano tas bigla nalang me mabubuo.



Parang pag pinapalo ako sa pwet ng nanay ko dati kapag nahuli nya akong pa-tamad-tamad the night before the exam. Mapipilitan akong mag-aral at paganahin yung utak ko kahit na di ako kumportable. (note: elementary pa ‘to nangyare)



Kase totoo naman na kung wala kang gana, ang nagpapagana sayo eh yung ginagawa mo.



Parang pag nalalasing? Ayaw-ayaw pa sa una pero pag natamaan na, bigla nalang sasarap yung alkohol. Tapos paktay na. Yung kaninang maganda pa ang ngiti, ngayon di na pantay ang muka tas sumasayaw pa.



Kung mapalo mo sa pwet yung sarili mo into doing what needs to be done, gaganahan ka pa din naman.



Oh tignan mo, ilang minuto lang me nabuo na ako. Pwede ko na ‘to i-send sayo tas nakwento ko pa yung magical porkchop namin.



Gusto ko kase kung inaabangan mo yung emails ko araw-araw, o binibisita mo lang kapag nasa byahe ka o ‘pag sawa ka na sa kahunghangan sa social media, me makukuha kang bago sakin.



Kaya kung di naman masyadong mahirap para sayo, kwento mo din ako sa iba! Padamihin natin yung kayang magbigay kwenta sa mga kwento.



Copy-paste mo lang ‘tong link na to sa text, chat, email, o socials mo tapos sign-up sila kamo:


https://johnrillemanalo.com/rilleblog/


image

Comments