"Si Johnrille Daddy's boy yan"

Sep 08, 2024 4:18 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




"Si Johnrille Daddy's boy yan"

September 8, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.



Sa milyung-milyong tao sa mundo isang tao lang ang me notion na Daddy’s boy ako, yung adviser ko nung 3rd year.



Bawat message nya sakin, personal man o letter, laging may linya sya that goes along like “si Johnrille daddy’s boy yan, tuwang tuwa ako kase nakikita kong may respeto sya sa papa nya”.



Di ko alam kung san nya nakukuha yung ideya na yun. Sya lang talaga ang nagsasabi nun. Kahit papa ko hindi sinasabi o nakikita na Papa’s boy ako.



Hinayaan ko lang syang panghawakan yung idea na yun tungkol sakin. Wala namang masama. Di ako sumasangayon sakanya pero di ko din sya tinutulan. Kase tingin ko, wala namang masama kung mag-catch on na papa’s boy ako kahit di totoo.



But as always– I’m curious. Kailangan ko malaman kung san nya nakuha yun. Kase ni-hindi pa nga sila nagkikita ng tatay ko eh.



Kaya nung patapos na ang school year, nag message sya sakin personally with the same line. Naka-akbay pa sya sakin nun na para kaming magtropa. Yes, it was a little bit awkward. Pero dahil I thrive in awkwardness, tinanong ko sya “Sir, tanong ko lang, pano mo po nasabi na Papa’s boy ako?”



Umalis sya sa pagka-akbay tas napatawa nang isang lang ang buga — “hah”.

“Lagi kase kita nakikita non na hinahatid ka ng papa mo dyan sa labas tuwing umaga. Tapos pag maghihiwalay na kayo, you’re giving him a kiss. Kaya natutuwa ako kase bihira lang yung ganong closeness”



“AHHHHH Chismoso naman pala” sabi ng utak ko.



Pero sabi ng bibig ko “Ahh yes sir. kase dati dyan sya sumasakay sa may Plaza papuntang Makati. Tapos nakagisnan na talaga naming makakapatid na mag kiss pag aalis tapos bless pag magkikita”



Isang buong taon akong nagtataka kung san nya nakuha yung pagka Papa’s boy ko, dun lang pala.



Di ko pa din sya kinontra na hindi naman ako Papa’s boy. Wala namang masama eh. Hanggang 4th year at graduation, yun at yun pa din ang nasa isip nya. Pag nagkikita kami tinatanong nya ako kung kumusta na si papa na para bang magka-inuman sila tuwing sabado.



Ang lagi ko lang sagot eh okay lang naman. Sa Makati pa din.



Kung tatanungin nya ulit ako ngayon, malamaang ganun pa din naman sasagot ko.



Siguo dadagdag ko din na sweet pa din naman kami sa isa’t isa kahit papano. Kini-kiss ko pa din sya sa “Peace be with you” tuwing magkasabay kami magsimba.



Pero di ko pa din na masasabing papa’s boy ako. Di ko din kokontrahin.

Because when it comes to my father, if anyone’s his boy, it’s him.



Dyan ko natutunan pano maging mayabang at bumilib sa sarili. Kung pagandahan ng kwento, dihamak na mas magaganda ang kwento ng tatay ko. Kaya gets ko kung san nanggagaling yung tipo ng confidence at self love nya.



Minsan nga lang sumosobra.



Nagkwento sya sakin kahapon na nagpa-frame sya ng picture. Ipapadala daw this weekend. Excited na excited sya.



Naexcite din ako kase I love photographs lalo na kung me kwento sa likod nung litrato. Tsaka never namin nagawa yun in recent years.



Kaso nung pinakita na nya yung pinapagawa nyang litrato…



Hindi picture ng pamilya, hindi picture nilang mag-asawa, hindi din picture nya na kasama yung mga aso. Solo picture lang nya na ginagawa yung paborito nya, mag-bike.



Yun ang self-love.



Nakakatawa pero wala naman masama dun. Di ako pabor pero di ko din naman tututulan.



Kiss ko pa din sya sa Peace be with you.


image






Share mo sa:

imageimageimage

Comments