Lf work-life balance

Aug 23, 2024 3:51 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




Lf work-life balance

August 23, 2023

Pwede mo din 'to basahin sa website.




Tinitignan ko yung schedule ko para ngayong long weekend kahit di naman ako masyadong apektado. Ilang taon naman nang halos parehas lang ang weekend at weekday ko– buhay freelance.



Inaabangan ko lang talaga sya kase dun lang libre yung mga tao sa buhay ko.

Yun naman kase ang silbi ng weekend natin diba? Pahinga, tulog, gumala sa labas. Kase bukod kay Alice Guo, at Quiboloy, ang hanap-hanap ng lahat eh yung work-life balance. Yung me trabaho ka pero kaya mo pa ding gawin yung gusto mo.



Ang tanong, ang gusto mo lang ba talaga ay pahinga, tulog, gumala sa labas?

Baka mamaya may naitago ka na dyan na di mo na nabalikan. Baka mamaya inagiw na yung to-do list at goal list mo. Baka mamaya itinulog mo nalang din.

Ah teka malalim ata masyado.



Ang sinasabi ko lang naman, etong long weekend na mga ganto ay maganda para sa mga tinatago-tago mong hangarin na hindi mo matuloy-tuloy. Yun lang naman.



Kase tong mga sulat ko dito nagsimula lang din sa isang weekend. Naramdaman ko lang bigla yung gigil sa ideya tapos G.

Kung gusto mo ng konti pang push, tignan mo tong pinaka una kong blog sa website na me pangalan ko. English pa ang sulat ko nyan kaya wag ka mabibigla. Happy weekend!



https://johnrillemanalo.com/start-today/



image




Comments