Colors of my skin

Aug 30, 2024 6:43 am

Nakukuha mo 'tong email na to kase nag-subscribe ka sa email list ko. Kung umay ka na, pwede ka naman umalis at mag unsubscribe sa baba anytime. Di ako magtatampo...




Colors of my skin

August 30, 2024

Pwede mo din 'to basahin sa website.




I’m a healthy person. Wala akong bisyo, malakas ang katawan (pero dalawang pull-ups lang ang kaya), at ilang beses na kong napagkamalang atleta ng mga medical professionals.



Oo, totoo!



(Yung mga kilala ako dyan personally, wag ka nang umangal, magbasa ka lang)



Yung isa, yung masahista sa Karada. Tinanong nya kung athlete ako kase daw sobrang flexible ko. Yung isa, doctor sa Maxicare na binabasa yun result ko. Mabagal daw yung tibok ng puso ko na common sa mga atleta.



Pero nakakatawa na sa dalawang pagkakataon na yan, hindi pag-a-assume yung pagkabigkas nung tanong sakin.



Parang kailangan nila ng confirmation na “Athlete ka po ba?” imbis na “Ano pong Sports nyo?” na mas madalas itanong kung may athletic build talaga yung tao.



Pero well, at least healthy daw ako.



Bukod sa skin.



Itong bwisit na balat na to eh napaka-arte. Kala mo naman kutis mayaman.



Laging may bigla-biglang kati o pantal tas napaka-bilis ma-irita. Mas mabilis pa kesa sa babaeng nasa unang araw ng mens nya. Pero hindi sya allergies ha (or at least di ko pa alam na may allergies ako). Basta sensitive sya. Kaya nga takot ako sa MPox na yan.



Pero ang pinaka-alarming eh yung nasa area ng kamay.



Lagi kase syang sobrang namumuti na parang limang oras kong binabad sa swimming pool na may 60% chlorine kahit na naghugas lang naman ako ng kamay.



Tapos kapag natutuyo sya, nagkukulay black-ish na nakakainis kase nagmumuka akong libagin.



College ko unang napansin na nag-gaganun ako, at seasonal sya—Tuwing summer lang. The problem is, every year, it gets worse.



Kaya last year, pinatigin ko na sya sa doctor (thanks Maxicare at sa kuya kong niregaluhan ako ng Maxicare plan). Nagpatingin ako sa dermatologist tas kinuhanan ako ng iba’t-ibang test. Tatlong tube ng dugo ang kinuha sakin.



Mabilis lang naman makuha yung result. Pero kailangan ko timingan yung schedule nung derma para mapa-basa ko kung anong lagay ko. At least once a week lang ata kase meron. So pumunta na ako ASAP para malaman kung ano ba tong nangyayare.



Pag pasok ko, nagregister ako para kumuha ng patient number. Daming tao nung araw na yun, badtrip.



Ang sistema kase dun eh kukuha ka ng number, pagkakuha mo, hintayin mong tawagin ka nung nurse sa unang station. They’ll get your BP, check your card. Doon na din i-co-confirm kung anong pakay mo sa araw na yun. Tapos maghihintay ka na ulit hanggang tawagin ka nung mag-che-check o mag-te-test sayo. Tapos ayun na. Iga-guide ka na at magdadasal na hindi malala yung nararamdaman mong sakit sakit.



So naka-kuha na ako ng number. Naghintay ako mga 20 mins din siguro bago matawag nung nurse sa unang station.



“Good morning Sir” habang inaabot yung kamay nya para sa card ko. Binigay ko.



“Name po natin Sir”



Naisip ko parang mas magalang talaga kapag may ‘natin’ yung statement ano? Parang Highschool musical yung feel kase we’re all in this together. Pero kung iisipiin mo, bat mo ko tatanungin kung anong pangalan natin, di ko naman alam yung sayo.



“Johnrille Manalo”



“Okay check lang po bp”



Pagtapos nun, tinanong na ako kung anong ginagawa ko dun.



“Ah pacheck ko sana tong kamay ko, papabasa ko yung results sa derma” sabay pakita sakanya nung printed results ko.



“Okay sir”



Type-type sya.



“Okay sir pakihintay na lang po matawag kayo or pag nag-flash yung number nyo sa screen”



“Alright, thank you!”



At ayun na ang mahirap na parte. Paghihintay. Infairness naman sa Maxicare, maganda yung lugar nila. Napaka relaxing ng vibes. Yung sa Centris branch, parang nursery school ang itsura, imbis na clinic.



Pero kung tatlong oras kang maghihintay, mawawala ding yung effect ng relaxing vibe kase maiinip at maiinip ka kung wala kang baon na trabaho o pampa-aliw. Tulad ko.



(Pause: Walang kahit anong atake dito sa Maxicare ha, recommended ko yan. Ganda ng service, legit. Pwera lang sa araw na yun…)



Nung tinawag na ako, nagulat ako kase hindi naman sya yung derma ko.

Pagpasok ko sa kwarto, pinakita ko yung mga results. Pero inexplain ko na derma ang kailangan ko. Nagets naman agad ni dok nung nakita nya tapos sabi nya “Ah oo derma nga ‘to. Wait lang ha?”



Lumabas sya ng kwarto, ewan ko kung san pumunta pero naiwan lang ako dun. Nakaupo lang ako na may panis na ata na laway. Di mo ko masisisi kase mapapanis talaga yun kung tatlong oras kang di nagsasalita. Di naman kase game for a talk yung mga tao sa clinic.



Ilang minuto na lumipas, iniisip ko kung ako ba talaga yung tinawag kase malinaw naman yung sabi ko sa nurse sa unang station na derma ang kailangan ko. At tingin ko naman nakita nya sa kalagayan ng kamay ko na derma ang kailangan ko.



Unless inisip nyan libag lang yun.



Maya maya pumasok na yung doctor.



Sabi nya mukang nagkamali sila (we’re all in this together!) ng input pero isiningit na lang ako sa listahan nung derma… hintay na lang daw ulit ako sa labas.



Okay. Here we go again.



Pero hindi naman na another 3 hours, siguro another 20 minutes na lang bago ako tawagin nung doctor ko. Nakamumog pa naman ako para fresh naman ulit yung bibig ko.



Pag pasok ko, tinignan nya yung resulta. Yun tingin nya eh parang “nako mukang delikado na yan” kase nakakunot yung noo nya.



Napalunok ako ng laway. Buti nalang di na sya panis.



“Okay so mukang tama nga yung tingin ko nung unang kita natin before the tests ano. Pinakuha ko lang kase sayo yun kase ayaw kong i-diretso ka sa skin biopsy kase medyo invasive na yun…”



Biopsy… invasive… parang nakakatakot naman yung mga salitang ginamit neto.



“Kase the ANA test shows if may autoimmune disoder yung patient. So kita dito na mukang yun nga yung reason kaya nagrereact ng ganyan yung skin mo. So kailangan pa natin ng isang test para ma-confirm yung diagnosis tapos tsaka natin titignan what can we do. Kaso yung test na yun ay wala dito sa Maxicare”



Tapos inexplain nya kung anong next kong gagawin.



Ang naiisip ko lang Dok, sure ka di lang to libag?



Pero kinonfirm ko naman kung deliks ba. Sabi nya saks lang.



Syempre di ganyan yung usapan. Basta, ang sinabi nya na di pa naman ako mamatay.



Okay nang yun ang marinig ko pagatapos ng halos apat na oras na paghihintay.


image

Mild version 'to. Wag na yung wild.


Epilogue-ish:

Di ko nagawa yung test na pinapagawa ni doc noon. Hanggang ngayon di ko pa sya ulit nakikita (wag tularan).



May binagay syang gamot non at medyo nakakatulong naman. Tapos natapos na din yung summer few weeks after that, so unti-unti na ulit nawala.



Bumalik na lang ulit nung summer this year. Pero as usual nawala din pag dating nung bandang June.



Talagang cycle sya.



Kaya lang, nakita ko yung kamay ko nung isang araw habang nagtatype.



Pamilyar yung itsura. Itsurang summer. Kaso matagal pa ang summer. Healthy person pa ba ako?



Yare.


image


Open-minded ka ba? Latagan mo sila

Ano, nagustuhan mo ba? Wag ka magdamot uy. I-share mo to sa iba. Latagan mo ng mga kwento. San mo ba gusto, facebook? Twitter? Eto pindutin mo lang.


imageimage



Okaya ikaw na bahala, copy-paste mo lang tong link:


https://johnrillemanalo.com/colors-of-my-skin/

Comments