Black coffee

Jul 19, 2024 5:42 am

Eto ang pinakabagong sulat ko sa RilleBlogs. Pwede mo ding sa website basahin.


===


Black coffee

07.19.24



Tuwing iinom ako ng kape, ayoko ng may gatas, o asukal, o kahit ano.



I think that’s the best way to consume it. Mas masarap para sakin na mararamdaman ng buong katawan ko yung tapang na parang nagsasampalan lahat ng cells ko para gisingin ang isa’t isa. Dagdag mo pa na parang may subtle hint ng “strong personality” pag black coffee.



Pwera na lang kung inii-straw mo yung kape.



Naniniwala ako na nakakabawas ng “coolness” yung ganun.



Isipin mo… ang tapang tapang ng iniinom mo tapos sinusupsop mo lang sa straw? Minsan lantutay pa kase gawa sa papel. It feels inconsistent.



At alam kong weirdo yung pag-iisip na yun lalo na na wala naman akong pake sa kung anong tingin ng mga tao sakin.



Pero tiyak ko galing etong mindset na to sa nangyareng eksena namin ng boss ko.



Office job pa ako nun. Libre nya daw yung Starbucks.



Pagpasok namin, sabi nya pumila daw kaming lahat sa counter. Nauna sya tapos kami na daw umorder isa-isa ng mga gusto naming inumin. Para kaming mga sisiw nun na nakapila sa likod ng mother hen. Tas ako yung nasa dulo — which is good because I forgot the name of the drink I want. Kailangan ko pa i-text si Aeriel para itanong.



Buti sumagot sya agad… White chocolate daw (na hot kase nasa Baguio kami).



May stressful event kase kami nun at nakaka-relax para sakin yung lasa nung inumuming yun — gatas.



Nung natapos na lahat mag-order at nakabayad na si boss, pinabalik na nya kami sa kotse.



Habang naglalakad, sabi nya “alam nyo ba ba’t isa-isa ko kayong pina-order”? Sabi namin hindi. “Kase may nabasa akong what-your-coffee-says-about-your-personality na blog”.



Tapos inisa-isa nya yung orders namin.



“Kay ganito yeah, agree” “Si ganyan, I’m surprised ha” “Si ganito, yes I see it”

Pagdating sakin alam mo sabi?



“Si Johnrille, white chocolate…”


...


...



YUN LANG. WALA NANG KASUNOD.



Hanggang ngayon di ko inaalam kung anong ibig nyang sabihin. Hindi ko rin nire-research yung article na binanggit nya. Ayoko kase ma-confirm ko na sa oras na yun, dahil gatas lang basically ang inorder ko, inisip nya na para akong baby.



Kaya tingin ko talaga dun nagsimula ang pagpili ko sa black coffee.



Alam ko medyo petty… Eh baket ba? White chocolate type of guy ako noon diba.



Pero medyo nag-mature naman na ako.



Talagang black coffee na ang gusto ko kase una, yun ang usually pinakamura sa mga kapehan. At pangalawa, gusto ko talaga yung lasa at pakiramdam. Di ako mapagpanggap.



At ako pa aba ang mapagpanggap? Eh malalaman mo nga lahat ng kwento ko at kung anong takbo ng utak ko dito sa mga pinagsusulat ko? Follow mo yung Facebook ko. Ayun mahuhusgahan mo ako ng husto dun.



May mga plano din akong magsulat-sulat dun (at dito sa webite) ng kung anu-ano pa. Posibleng about storytelling, copywriting, o digital writing. Kase sa panahong to, golden skill ang pagsusulat.



Maraming kang pwede makuha– Peace of mind, pera, tapos minsan kahihiyan.


image

Comments